Memory: Eleven

1800 Words
Eleven It's 3 am and si Kaius na ang nagd-drive habang ako ang nasa shot gun seat. Nakipagswitch sila Ashley at Vince dahil inaantok na daw sila. "Mag sounds tayo ah? Kaius said. Tumango ako at nagconnect siya sa speaker ng mini van. You make me Feel like I'm livin' a teenage dream The way you turn me on, I can't sleep Let's run away and don't ever look back, don't ever look back I smiled, it was Teenage Dream by Katy Perry. This reminds me of what we are doing right now. I realized this is how to be a teenager and this is the life beyond my bookish world. Napangiti ako habang pinapakinggan ang kanta. "Masaya ka ba ngayon, Aice?" tanong ni Kaius. "Sobra." I smiled widely." I didn't know I would be able to experience all of this." "I'm proud of you, princess. You finally came out of your comfort zone." he said. Nagkwentuhan at tawanan kami buong biyahe para hindi siya antukin. Bandang 5 am ay ginising ko sila Jansen at Cesha para pumalit sa amin dahil inaantok na si Kaius. "Tulog ka muna. May tatlong oras pa bago tayo makarating doon." sabi ni Kaius habang tinatapik ang balikat niya. Inaantok na rin naman ako kaya sumandal na ako sa balikat niya at nagsimulang matulog. ~ "Prinsesa gising na." may nagyugyog sa balikat ko. Kinusot kusot ko ang mata ko at nang magmulat ako si Kaius ito. "Andito na tayo." he said. Binuksan niya ang pinto at lumabas kami. The place was in really rough shape, bagsak lahat ng mga poste at nagkalat ang mga iba't ibang parte ng bahay. May mga sumalubong sa amin na staff daw sa munisipyo nila at hinatid kami sa tutuluyan namin para sa isang gabi. It was a resort, Vince booked us two standard suite para sa girls at boys since ito lang ang kasya sa funds. Sinabihan kami ni Ashley na pumasok na sa kaniya kaniyang rooms at mag ayos na. Pinasok ni Kaius ang bag ko kahit sabi ko ako na lang ang magbubuhat. "Mauna ka nang maligo, Kade. Iaayos ko lang mga gamit natin." nakangiting sabi ni Ashley. Pumasok ako sa banyo at nagsimulang maligo. Nawala lahat ng antok ko sa katawan dahil sobrang lamig ng tubig. Nagbihis muna ako bago lumabas. Iniscan ko ang kabuuan ko, i'm wearing a white polo na pinatungan ko ng beige cardigan vest and paired it with beige high waist pleated skirt. Paglabas ko ay nakita ko si Ashley busy sa pagayos ng gamit habang si Cesha ay nakatulog sa isang kama. Lumapit ako kay Ashley at tinulungan siya sa pagayos ng gamit. Tumingin siya sa akin sabay ngiti."Ih ang cute ng outfit mo." she said. Ginising ko si Cesha para naman siya ang sumunod na maligo. After naming magayos ni Ashley ay siya naman ang sumunod na naligo. I tied my hair to half ponytail then I put a ribbon on it at nagiwan ako ng strand sa harap. "Kade pakicheck naman kung tapos na ba 'yong mga boys!" narinig kong sigaw ni Ashley mula sa banyo. Sinuot ko ang white high heel boots ko at lumabas ako ng kwarto namin at kumatok sa katabing kwarto. Si Jansen ang bumukas ng pinto. "Hi, Jansen. Pinapatanong ni Ash kung nakapagayos na raw ba kayo?" nakangiting sabi ko. Tinitingnan niya lang ako kaya pumitik ako sa harap ng mukha niya. "Ah oo tapos na kami magayos. You look cute." he said. Lumapit ako sa kaniya at pinisil ang pisngi niya. "Pasok ako ah? I said. Tumango siya at nag give way kaya pumasok na ako sa loob. Sumunod siya at umupo sa bakanteng kama habang si Vince naman ay nasa kabilang kama at busy sa paglalaro ng cellphone. Umupo siya nang makita niya ako at ibinaba niya ang cellphone. "Wow ang ganda naman ng prinsesa namin. Upo ka dito" he said. He tapped the space beside him kaya lumapit ako at umupo doon. Pagkaupo ko ay pinitik ko ang noo niya dahil nakahiga siya sa kama habang may suot na sapatos. "Aray ko naman, Kadence. Bakit mo ako pinitik." sabi niya habang hinihimas ang noo. "Tanggalin ang sapatos kapag hihiga sa kama. Pasaway ka talaga, Vicente." umiiling na sabi ko. Akmang pipitikin niya ako nang makailag ako at tumayo. Hinabol niya ako kaya nakisali na rin si Jansen at hinaharang ang sarili para hindi ako maabutan ni Vince. Busy kami sa paghahabulan nang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas dito si Kaius. Nagulat ako dahil tuwalya lang ang nakatapis sa ibabang parte ng katawan niya at wala nang iba sa pang itaas. "Bakit ang inga-" hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang sumigaw si Jansen at Vince. "KAIUS!" sabay nilang sigaw at tinakpan nilang dalawa ang mata ko. "Shit." narinig kong sabi ni Kaius at nakarinig ako ng pagbagsak ng pinto. Tinanggal nila ang kamay sa mata ko at huminga nang maluwag. "Pre bakit hindi niyo naman sinabing andito siya!" sigaw ni Kaius mula sa banyo. Lumapit ako kay Jansen at hinampas ito sa braso. "Pre cinocorrupt mo ang innocent eyes ng prinsesa natin." pasigaw na sabi ni Vince habang tumatawa. "Sabi mo nakapagayos na kayo." akmang pipitikin ko si Jansen sa noo pero umiwas siya. Napakamot na lang ito sa ulo at natawa. Nagpaalam ako sa kanila na titingnan ko muna kung tapos na ba sila Ashley at Cesha magayos. "Anong sabi nila, Kade? Tapos na ba sila?" Ashley asked. Tumango ako at sabay sabay kaming nagpunta sa kwarto ng mga lalaki. This time si Vince naman ang nagbukas ng pinto. "Oh mga pre ito na pala 'yong mga guard natin." pangaasar ni Vince kay Ashley. "Sa ganda kong 'to magiging body guard mo ako?" nagflip ng hair si Ashley. "Saan banda boss?" kunwaring paghahanap ni Vince sa katawan niya. Sinabunutan naman siya ni Ashley at todo hingi ng tulong naman itong si Vince. Lumabas kami ng resort at sakto ang dating ng mga ibibigay namin sa mga tao dito sa Bicol. Inassist ulit kami ng mga tao sa munisipyo at sabay sabay kaming pumunta sa evacuation center. Walang ibang ginawa si Kaius kung 'di alalayan ako dahil madulas ang daan. Pagkarating namin sa evacuation center ay puno ito ng mga tao na halos hindi na nga magkasya. Nag set up kami ng mga table at nilagay ang mga relief goods doon. Hinintay rin namin si Sir Anthony dahil nasa kaniya ang mga damit na ipapamigay din namin sa mga tao. Wala akong ibang ginawa kundi magasikaso at magabot ng mga relief goods gayon din ang mga kasama ko. "Mukhang pagod na prinsesa namin, kaya mo pa ba?" Kaius asked, I just nodded. Nagbukas siya ng bottled water at inabot niya sa akin 'to. "Thanks." I said. After an hour dumating si Sir Anthony dala dala na ang mga damit na idodonate rin namin. Nagpakuha kami ng mesa at inihilera namin dito ang mga damit para makapili ang mga tao. I assisted Sir Anthony sa pagbibigay ng mga damit habang sila Ashley at Cesha ang nagbibigay ng lugaw. Ang tatlong boys naman ay tumulong sa pagaassist ng mga tao. ~ Inabot na kami ng hapon sa ginagawa namin. Hindi na rin kami nakapaglunch kanina dahil sobrang dami ng tao. Mukha kaming mga lupaypay na gulay habang naglalakad pabalik sa resort. Ang mga boys ay sa kwarto na namin nagtambay dahil magpapahinga lang kami saglit at kakain na rin mamaya maya rin.. "Guys I'll go freshen up." sabi ko at pumasok sa banyo at nagsimulang magshower. Bago ako lumabas ay tiningnan ko ang kabuuan ko. I am wearing a white cami top paired with pastel green pencil long skirt. Lumabas ako para isuot ulit ang white sneakers ko at clinip ko na lang ang buhok ko leaving a few strands. Kinuha ko rin ang tote bag ko at nilagay ang wallet, cellphone and other things that I need when I'm outside. Tiningnan ko ang mga kasama ko at nakahiga silang lahat sa kama at nagsisiksikan. "Guys saan tayo kakain? I actually wanted to try a resto nearby." sabi ko sa kanila."Hindi ba kayo magf-freshen up?" I asked. Tumayo si Vince nang marinig ang sinabi ko. Kapag pagkain talaga ang usapan hindi nagpapahuli 'to. Bumangon na rin ang iba at sinabing hindi na sila magpapalit. "Kade saan tayo kakain? Baka mahal diyan ah." Ashley said. "I'm not sure rin hehe, I just wanted to try it out since nirecommend ito sa akin." I said. Naglakad kami hanggang sa makita namin ang nakalagay sa Google Maps. "Wow Aicelle, parang mamahalin naman dito." sabi ni Cesha habang pinagmamasdan ang paligid. Pumasok kami at sabi ko sa waiter ay table for six at iginaya niya kami sa balcony ng restaurant. Binigay sa amin ng waiter ang menu at nagulat ako nang napatayo si Ashley. "Kade ang mahal naman. Carbonara for 430 pesos?!" gulat na sabi niya. "Hehe Kadence wala kaming pangbayad dito, sa karinderya na lang kaya tayo." nagkakamot sa ulo na sabi ni Vince. "No guys sit down. This is a one time experience only, my treat." Umupo si Ashley pero hindi pa rin sila nagoorder. I just sighed and napagisipan kong ako na lang ang oorder para sa amin. Tinawag ko ang waiter at nagplace ako ng order. "Um can we get Paella Valencia, Crispy Pata, Garlic Rice, Sinigang na Salmon Belly, Hickory Ribs and Inihaw na pusit po." I ordered. Hinawakan pa ni Kaius ang kamay ko at sinisenyasan ako na tama na. "How about drinks Ma'am?" tanong ng waiter. "6 Buko shake, please. And for the dessert we'll have slices of carrot cake, blueberry cheesecake, italian tiramisu, pistachio sansrival, mango tango and ube mousse. That's all po, thank you." "It will be served in a few minutes Ma'am." nakangiting sabi ng waiter bago umalis. "Kadence sobrang dami naman yata ng binili mo. Nakakahiya na sa 'yo, ikaw na gumastos lahat mula pa kanina." Jansen said. "Okay lang guys, this is our first travel together plus I know our love language is food. Ienjoy na lang natin, hmm?" paga-assure ko sa kanila. "Ikaw ha kung ano anong inorder mo, hindi mo ba tinitingnan price ng mga pinagoorder mo." nakapamewang na sabi ni Ashley. Ito na lumalabas na ang pagiging inner nanay niya pero tumawa na lang ako. "Nawa'y lahat order lang nang order without worrying about the price." natatawang sabi ni Cesha. "Sa wakas makakatikim na rin ako ng pang mayamang pagkain dahil sa prinsesa natin mga pre." pumapalakpak na sabi ni Vince. Binatukan naman siya ni Ashley kaya napakamot ito sa ulo. Dumating ang pagkain namin at masaya namin itong pinagsaluhan. Ilang beses ko naman nang natikman ang mga ganitong dishes kasama ang parents ko pero parang mas masarap ngayon. Was it because of the people who you are with?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD