Twelve
It was around 8 pm nang matapos kaming kumain. Lahat kami ay dumiretso nanaman sa kwarto kasama ang mga boys.
"Ano ba? Wala ba kayong mga kwarto. Doon nga kayo." paninita ni Ashley sa kanila
"Boss mamaya na, dito na kami magpapahinga." sabi ni Vince.
"Guys mag bonfire tayo mamaya sa tabing dagat!" Cesha said. My face immediately lit up, I actually like the idea dahil first time ko rin ito mai-experience.
"Hala oo nga boss. Tara kaya?" pag sang ayon naman ni Vince.
"Sige. Pero magpahinga muna tayo, mamayang 9 pm tayo lalabas." Ashley said and everyone agreed. Dahil mamaya pa naman kami lalabas ay nagshower ulit ako and I wore my silk satin pajama para diretso na akong matutulog mamaya galing sa labas.
~
Bago mag 9 pm ay nagayos na rin ang mga kasama ko. Para kaming pupunta sa pajama party dahil pati sila ay pajama na rin ang mga suot. Cesha is even wearing a Stitch onesie, ang cute. I looked at Kaius and he's wearing a black shirt and a gray pajama with his hair all messy.
Lumabas kami papuntang dagat at gusto ko nang umurong agad dahil sa sobrang lamig. Nagpaalam ako kay Ashley na kukuha muna ako ng jacket sa loob pero pinigilan ako ni Kaius. Sinuot niya sa akin ang jacket na dala niya.
"I brought extra, baka kasi sobrang lamig and I was right." nakangising sabi niya.
"Thank you, Kaius." I said.
"Guys punta nga kayo sa mga staff sa resort. Pakisabi mag paset up tayo ng bonfire." Ashley said.
"Ako na pupunta." prisinta ko.
"Samahan na kita." it was Kaius. Naglakad na ako paalis at sumunod naman siya. Nagtanong kami sa front desk kung saan pwede magpaset up ng bonfire.
"Hi po, pwede po bang magpaset up ng bonfire?" nakangiting tanong ko sa receptionist.
"Yes ma'am may fee po na 300. Pwede rin po may kasamang marshmallow and hotdog, additional 200 lang po" sabi nito. Nilabas ko naman ang wallet ko at naglabas ng 500. Pinigilan ni Kaius ang kamay ko at kumuha siya sa wallet niya. I saw it was the only money left on his wallet.
"Kaius stop-" cinut off niya ako at ibinayad ang 500 niya.
"Ilalagay na lang po nila doon Ma'am and Sir, pahintay na lang po." nakangiting sabi ng receptionist. Hinila ako ni Kaius pabalik sa pwesto namin. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Kaius habang naglalakad kami pabalik sa mga kasama namin.
"Kaius why did you do that? Look wala ka na tuloy money." nagaalalang tanong ko.
"Okay lang, Aice. Nakakahiya na, ikaw nanaman ang magbabayad." he said. Nang makabalik kami sa pwesto ay hinintay namin ang magse-set up ng bonfire. Dumating ang isang staff at may dala dala itong mga kahoy at lubid, he tied the woods together at sinindihan ito.
I was so happy nang maiset up ito. I can't believe i'm experiencing this kind of things because of them. Nilabas ni Vince ang camera niya at nagsimula itong kuhanan kami ng litrato. Sila Ashley naman ay busy sa pagtuhog ng hotdog at marshmallows sa barbecue stick. Sila Kaius at Jansen naman ay biglang umalis kanina, hindi ko alam kung saan sila nagpunta.
"Ito na guys!" malakas na sigaw ni Kaius habang winawagayway ang alak sa ere."Beer kayo diyan guys." sabi naman ni Jansen.
Nagulat ako, hindi ko alam na iinom kami ngayon. In my 20 years of existence hindi ko pa naranasan uminom ng alak. I am really experiencing how to be a normal teenager whenever I'm with them.
Umupo sa tabi ko sa Kaius at inalok ako ng beer. "Umiinom ka ng beer, princess?" tiningnan ko lang siya and I smiled awkwardly.
"Actually I haven't tried it pa." nahihiyang sabi ko. Lahat sila ay nagulat sa sinabi ko at puro violent reaction ang narinig ko.
"Oh you really are a goody two shoes just like everyone said." si Ashley.
"Parang magiging bad influence pa tayo kay Aicelle." Cesha said while laughing.
"So you really are the perfect daughter." nakangising sabi ni Kaius.
"At dahil diyan hard liquor ang iinumin natin at hindi beer." nagchecheer na sabi ni Vince.
"Oh ilapag niyo na." Jansen said. Hindi ko naiintindihan kung anong ilalapag pero nagsilabasan sila ng pera at inabot ito kay Jansen.
"Vince ano 'to bente? Isang shot ka lang bwisit ka. Huwag ka na rin magchaser at mamulutan." akmang sasapakin siya ni Ashley.
"Wala na akong pera guys, sorry." Kaius said. Naglabas ako ng isang libo at inabot ito kay Jansen.
"Guys dalawa na kami ni Kaius dito, siya kasi nagbayad ng bonfire set up kanina tsaka sa mallows and hotdog." nakangiting sabi ko.
"Grabe rich kid talaga 'tong prinsesa natin mga pre. Hiyang hiya 'yong bente ko sa isang libo mo." Vince said. Nagtawanan naman kami pero si Kaius ay seryoso sa tabi ko.
"Kung nahihiya ka dagdagan mo ng 80 pesos 'to, Vince." Ashley said. Vince ignored her and he made face pero hindi nakita ni Ashley.
"Masyadong malaki, Aice." seryosong sabi ni Kaius.
"Okay lang, for pulutan pa 'diba?" ngumiti ako at pinisil ang pisngi niya.
"Vince samahan mo ako bumili." aya ni Jansen kay Vince.
After a few minutes bumalik sila Jansen at Vince hawak ang dalawang malaking alak at coke.
"Yaman natin ngayon mga pre, alak 'to ng rich kid e. Kapag magiinom tayo gin lang ang kaya ng budget natin." natatawang sabi ni Vince kaya tumawa rin ang iba.
"Ang daming pulutan pa nabili namin. Thanks to Kadence." Jansen said.
Lumapit naman sa akin si Cesha at Ashley. Si Ashley ay yumakap sa akin habang si Cesha ay humalik sa pisngi ko. I was dumbfounded, they really don't know what personal space means. Kailangan ko na sigurong matuto na kapag kasama ko sila walang perso-personal space, I laughed at kinurot ang pisngi ni Cesha at tinapik ko naman ang balikat ni Ashley.
~
Dumating ang mga pulutan at kumuha rin ng shot glass at ice cubes sila Vince. Si Cesha at Ashley ang magkatabi samantalang si Vince at Jansen naman ang magkatabi habang si Kaius ang katabi ko.
"Si Kaius tanggero, expert na 'yan e." nakangising sabi ni Vince. Kinuha naman ni Vince ang alak at inalog alog ito bago sinalin sa sa shot glass. Naglagay din ito ng coke at ice cube sa baso bago niya inabot sa akin.
"Binyagan ka na namin, prinsesa." he grinned."Iyang alak ang una mong inumin tapos itong coke, okay?" Nagchi-cheer silang apat habang iniinom ko ang alak, gumuhit ang pait sa lalamunan ko and I was about to panic nang ipainom sa akin ni Kaius ang coke.
"Back out na?" nakangising sabi ni Kaius. Umiling ako at pumulot ng junk food para mawala ang pait na naiwan sa lalamunan ko. Umikot ang shot glass hanggang sa maubos namin ang unang bote nito. Habang tumatagal ay nasanay ako sa lasa at nagustuhan ko ito.
"Guys para dito sa next na bote ay maglalaro tayo ng game." Ashley said.
"Huh anong game boss?" tanong ni Vince.
"The Whisper Game." nakangiting sabi ni Ashley. Lumikha pa ito ng ingay na parang tambol.
"Ako ang maguumpisa ng game, magtatanong ako kahit kanino sa inyo ng question at sasagutin niyo kung sino ito. Siya lang ang makakaalam ng question pwera na lang kung magsho-shot kayo at ibubulong ko rin ang question sa inyo. Ang susunod naman na magtatanong ay kung sino ang taong isinagot ng tinanong ko. Gets niyo?" mahabang paliwanag ni Ashley. Tumango kaming lahat pwera lang kay Vince na nakunot ang noo.
"Ano boss? Hindi ko maintindihan." nagkakamot sa ulo na sabi ni Vince.
"Bwisit ka!" inis na sabi ni Ashley." Ganito, kunwari tinanong kita tapos ang sagot mo ay si Kaius. Ikaw lang makakaalam ng question pwera na lang kung may magsho-shot sa kanila at ibubulong ko rin ito. At dahil si Kaius ang sinagot mo, siya na ang next na magtatanong kung kanino niya gusto. Okay na?" sarcastic na sabi ni Ashley.
"Yes boss!! G na." excited na sabi ni Vince.
Bumulong si Ashley kay Vince at nagulat ako nang tinuro niya ako. I looked at him, confusion swallowed me habang nagiisip kung ano ang tanong.
"Hala ano 'yon?!" si Cesha.
Nilagyan ni Kaius ang shot glass at walang kagatol gatol na ininom ito. Ngumisi si Ashley at lumapit ito kay Kaius, hinila niya muna ito palayo bago binulong kaniya ang question dahil katabi ko lang si Kaius.
"Tama ka diyan Vince." nakangising sabi ni Kaius habang nakatingin sa akin. Humagikhik naman sa tabi si Ashley na ani mo kinikilig.
The curiosity is killing me kaya kinuha ko rin ang alak at nagsalin sa shot glass at ininom ito. Lumapit rin si Ashley sa akin at binulong ang question.
Who's the most attractive person in this circle.
A-ako?!
"Binobola niyo lang ako guys, stop it." I rolled my eyes at them.
Tumawa naman silang tatlo at ang dalawa naman ay clueless dahil ayaw nilang magshot. Sumunod na tinanong ni Kaius ay si Cesha. Nagulat si Cesha sa tanong pero nakabawi din agad at tinuro nito si Jansen, kahit siya ay nagulat.
"Omg ano 'yan kailangan kong malaman!" sigaw ni Ashley at sinalinan ng alak ang shot glass. She was about to drink it nang agawin ito ni Vince sa kaniya.
"Lasing ka na, boss. Baka mamaya magpabuhat ka nanaman." sabi ni Vince habang tumatawa.
"Excuse me? Anong lasing, okay pa kaya ako-" nasinok ito.
"Sus hindi ka na nga makatayo nang maayos kanina. Tama na yan." seryosong sabi ni Vince. Nagmukmok naman si Ashley at tumalikod sa kaniya. Walang gustong magtake ng shot sa kanila kaya kinuha ko kay Vince ang shot at tinungga ito.
Kaius leaned on me at tinapat niya ang bibig niya sa tainga ko. I got goosebumps pero I shrugged it off, the question shocked me at napatingin ako kay Cesha.
H-he likes Jansen?! Napatingin ako kay Cesha at ngumiti siya sa akin. I always see her na sumusulyap kay Jansen pero hindi sumasagi sa isip ko na may gusto siya sa kaniya. I thought humahanga lang siya because Jansen's ideas are worth praising for.
Tumingin ako kay Jansen at ngumiti ito nang malapad. Tiningnan ko kung iinom siya pero parang wala naman siyang balak malaman. Tiningnan ko ulit si Cesha at parang hinihintay niya na uminom si Jansen pero bigo. Tumingin siya sa akin at nag thumbs up ako para itanong kung okay lang siya, tumango naman ito at ngumiti. It was Jansen's turn to ask kaya si Kaius ang tinanong niya. Ngumisi si Kaius bago sumagot at ako ang tinuro niya. No one took the shot even me dahil nahihilo na rin ako and I don't think I can drink pa. I was curious pero hinayaan ko na lang at pinagpatuloy namin ang paglalaro hanggang sa makaramdam ako ng hilo.
Pagkatapos naming uminom ay nagligpit na kami. Nauna na sila Vince dahil nakatulog na si Ashley sa lupa. Tatayo na sana ako nang bigla akong matumba dahil sa hilo, buti na lang nasalo ako ni Kaius.
"Okay ka lang, Aice. Are you drunk? nakangising tanong nito.
"Nahihilo lang." I said. Hinampas ko siya sa braso at sinalo naman niya ito dahil naiinis ako sa pagngisi niya. Si Cesha ay lasing na rin at nagtatakbo kaya inutusan ni Kaius si Jansen na habulin siya. Nakangiti ako habang pinapanood si Jansen sa paghabol sa nagkukulit na si Cesha. Tinanggal ko naman ang pagkakahawak sa akin ni Kaius at nagsimulang maglakad pero trinaydor ako ng katawan ko dahil natumba nanaman ako. Narinig kong sinigaw ni Kaius ang pangalan ko at tumakbo ito palapit sa akin.
"Nahihilo lang pala ah." he grinned. Inalok niya ang kamay niya para hilain ako patayo. I grabbed his hand and I pulled him kaya natumba rin siya. Para kaming baliw habang nakahiga sa lupa at nagtatawanan. Tumayo si Kaius at pinagpag ang sarili tsaka siya umupo at tumalikod sa akin. My initial reaction was to piggy back ride kaya sumakay ako sa likod niya. Nagulat siya sa ginawa ko pero tumayo din siya at nagsimulang maglakad.
"Kaius! Kaius!" pagtawag ko sa atensyon niya habang tinutusok ang pisngi niya.
"Hmm?" he responded.
"Anong question ni Jansen sa 'yo ha?" tanong ko.
"Pft kung curious ka bakit hindi ka nagshot?" natatawang sabi nito.
"Ih kasi I don't think I can inom pa." parang batang sabi ko.
"Oh conyo ka ghorl? Ganito ka pala malasing." natatawang sabi nito.
Wala akong ibang ginawa kung 'di kulitin siya kung ano ang tinanong ni Jansen sa kaniya hanggang makarating kami sa kwarto.
Inihiga niya ako sa kabilang kama at sila Ashley at Cesha naman ay ang himbing na ng tulog. Kinumutan ako ni Kaius bago siya umalis pero ayaw kong bitawan ang binti niya.
"Sabihin mo na kasi Kaius." pangungulit ko.
"Gusto mo talagang malaman?" nakangising sabi niya kaya nag nod ako.
Umupo ito sa bedside at yumuko siya sa akin."It was who are you in-" before he can even finish his sentence.
Everything went black.