Thirteen
Nagising ako kinabukasan dahil sa sinag na tumatama sa mukha ko mula sa bukas na bintana. Tiningnan ko ang orasan sa bed side table and it was 8 o'clock. Bumangon ako at tiningnan ang mga kasama ko, tulog pa si Cesha at Ashley. Pagbangon ko ay sobrang sakit ng ulo ko and I can't even remember a thing before I passed out last night. I totally blacked out. Even though my heads about to burst I am still happy, it's my first time drinking. It feels good to break the rules sometimes even if it's wrong.
Naalala ko na 9 am kami magb-byahe kaya kahit ang sakit ng ulo ko ay tumayo ako at uminom ng malamig na tubig bago dumiretso sa banyo at naligo. After 20 minutes na pagligo I wore my white tie shoulder tank top partnered with beige high waist trouser pants. Lumabas ako at humarap sa vanity table. Inipitan ko ang buhok ko, I put it in half up bubble braids and after I finish doing my hair I wore my white stilettos.
Pagkatapos ko ay lumapit ako kila Cesha at Ashley para gisingin sila.
"Ash, Cesha gising na." sabi ko. Tumayo si Ashley at nagkusot kusot ng mata.
"Good morning, Kade." sabi ni Ashley.
"Good morning, Ash. Ligo na, hanap na lang tayo ng breakfast resto while we're on our way home." nakangiting sabi ko.
Lumapit naman ako kay Cesha dahil hindi pa ito bumabangon. Umupo ako sa kama at niyugyog ko ang balikat niya.
"Cesha gising na, it's almost 9 am." sabi ko sa kaniya habang ginigising siya. Naginat naman ito bago bumangon.
"Good morning." bati ko sa kaniya.
"Good morning, Aicelle." nakangiting bati nito at humiga ulit.
"Ce maligo ka na after ni Ashley, okay? Puntahan ko muna ang mga boys, titingnan ko kung gising na sila." nag thumbs up ito at pinikit ulit ang mata.
Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kwarto ng boys. Hindi na ako kumatok at dumiretso na lang sa loob. They are still sleeping, nakapatong pa ang binti ni Vince kay Jansen habang si Kaius naman ay nasa kabilang kama.
Una akong lumapit kay Kaius at ginising siya."Kaius gising na." pagtapik ko sa mukha niya. Bumangon naman ito while he's still half asleep. Nagulat ako nang umupo siya at yinakap niya ako bigla bago humiga ulit.
"Ang bango mo, prinsesa." he said with his husky voice.
"Kaius!" malakas na sigaw ko. Nagpumiglas ako at tinanggal ko ang braso niya sa akin. Tumayo ako at hinampas ko siya kaya bumangon ito habang nakangisi. Tiningnan ko ang dalawa at buti na lang hindi nagising ang mga ito.
"Siraulo." binato ko siya ng unan pero sinangga niya ito.
"Good morning, beautiful. Mas maganda ka pa sa umaga." nakangising bati niya.
"Maligo ka na nga, Kaius. Ang aga aga puro ka kalokohan." I rolled my eyes at him. Tumayo naman ito bago dumiretso sa banyo.
Sunod ko namang ginising ang dalawa. Umupo ako sa kama nila at tinapik ito sa mga braso.
"Guys gising na." I said. Nagmulat naman si Vince at tiningnan ako.
"Good morning, Vince." nakangiting sabi ko. Si Jansen naman ay gumising na rin at napabangon ito bigla kaya nagulat ako.
"Good talaga ang morning kung ganito kaganda ang bubungad sa 'yo. Hindi ba, pre?" todo ngiting sabi ni Vince kaya visible ang dimples niya.
"Agree pre. Good morning, prinsesa namin. Anong maipaglilingkod namin sa iyo?" nakangising sabi naman ni Jansen.
Ngumiti ako sa kanila at pinisil ang pisngi nilang dalawa. Todo angal naman si Vince habang si Jansen naman ay nakangiti lang.
"Breakfast na ba?" Vince said.
"I'm just here to wake you up, maligo na kayo. 9 am tayo magbabyahe 'diba? Maghahanap na lang ako ng breakfast resto online tapos daanan na lang natin while we're on our way home." nakangiting sabi ko.
"Yes!" masayang sabi ni Vince. After ng pilitin ay nagpaalam ako sa kanila na babalik muna ako para tingnan sila Ashley at Cesha kung tapos na sila.
~
Pagbalik ko ay nakabihis na ang dalawa at inaayos na ang mga gamit nila. Lumapit rin ako sa gamit ko and I doubled check kung may naiwan ba ako.
"Grabe ang ganda mo talaga manamit, Kade." puri ni Ashley.
"Oo nga nagmumukha kaming basahan kapag katabi ka namin e." tumatawang sabi ni Cesha. My eyes widened at what she said.
"Ce ano ka ba don't say that! You guys are pretty and adorable all at the same time." nakangiting sabi ko.
"Ih thankyou, Kade namin." Ashley squealed.
After namin magayos ay lumabas na kami para pumunta sa kwarto ng mga boys.
Hindi na kumatok si Ashley kaya dumiretso na kami sa loob. Pagpasok namin ay nakita namin si Vince na nagsusuot ng pantalon at kita ang boxers. Napasigaw si Ashley, si Cesha naman ay nagtakip ng mata habang ako sa sobrang gulat ay tumalikod dahil sa sobrang gulat ko.
"AHHHH VINCE ANG BASTOS MO! AHHHH." sigaw ni Ashley habang binabato si Vince ng kung ano anong mapulot niya.
"Aray ko boss, masakit yan ah! Aray!" sigaw rin ni Vince. Tumahimik lang ang paligid nang may marinig akong pintong sumara. Dahan dahan akong humarap at wala na si Vince doon, paniguradong siya ang pumasok sa loob ng banyo.
Lumapit si Ashley sa pinto at kinalampag ito."Vince huwag ka nang lumabas diyan kung ayaw mong ma-flying kick kita!" sigaw nito.
"Ay sorry akin? Sino kaya 'yong pumasok na lang basta basta sa kwarto namin nang hindi man lang kumakatok." natahimik si Ashley sa sinabi ni Vince habang ang dalawang lalaki naman sa gilid ay humahagalpak sa pagtawa. After a few minutes lumabas si Vince at bihis na ito. Masama itong tumingin kay Ashley kaya inambaan siya nito ng suntok.
"Guys tara na. Mamaya na kayo magbardagulan." tumatawang sabi ko. Lumapit si Kaius sa akin at kinuha ang dala kong bag.
Si Vince ang nagdrive habang si Ashley pa rin ang katabi niya. Ako naman, si Kaius pa rin ang katabi ko sa front seat habang si Cesha at Jansen ang magkatabi sa back seat.
"Ash, si Sir Anthony hindi ba sasabay sa atin?" tanong ni Cesha.
"Ay oo nga pala guys nagtext siya sa akin, nauna na daw siya dahil may emergency daw sa kanila." she replied at tumango na lang kaming lahat.
"Guys saan tayo kakain?" tanong naman Vince.
"Kapag pagkain talaga Vincent hindi ka nagpapahuli." pangaasar ni Ashley. Nag make face lang si Vince at nagpatuloy ito sa pagmamaneho.
"I looked up some breakfast resto online and I found a nice spot. It is a 30 minute drive from here at saka along the way lang kaya hindi na tayo mapapalayo." nakangiting sabi ko.
"Baka mahal nanaman diyan, Aicelle?" it was Cesha.
Umiling ako."Nope. It is budget friendly." sabi ko habang naka thumbs up.
After 30 minutes ay nakarating kami sa sinasabi kong place. Pumasok kami at naghanap ng table na good for 6 people. Nang makaupo kami ay tinanong ko kung anong gusto nila.
"Ako na oorder, guys. What do you want?" I asked.
"Kahit ano na sa amin. Masarap naman inorder mo last night." nakangiting sabi ni Ashley at sumang ayon naman ang iba. Nagabot naman sila ng tig 150 pesos sa akin tsaka ako lumapit sa counter.
"Good morning ma'am. May I take your order?" nakangiting bati nito.
"Good morning. I would-" naputol ang sinasabi ko nang biglang sumulpot si Kaius sa tabi ko. Napangiti naman ang cashier sa kaniya habang si Kaius naman ay kinindatan ito. I just rolled my eyes at him, siniko ko siya.
"Kaius bakit?" tanong ko.
"Wala sasamahan lang kita. Selos ka 'no?" nakangiting sabi nito. Binigyan ko lang siya ng hindi makapaniwalang tingin at natawa ito.
"Anong gusto mo?" tanong ko sa kaniya.
Ngumisi ito."Ikaw. Available ba sa menu?" sabi niya and I was caught off guard."Joke lang!" pahabol niya dahil akmang hahampasin ko siya.
"Sabi mo mura lang dito e kulang pa nga 'yong binigay naming tig 150 sa 'yo." dagdag niya.
"U-uhm okay lang, dadagdagan ko na lang. Huwag mo na lang sabihin sa kanila, hmm? pangungumbinsi ko sa kaniya. Bakit ba ako nauutal, that was nothing Kadence. Ganiyan lang talaga si Kaius, masanay ka na.
"Can I order Salisbury Steak, Baby Back Ribs, Pork Kebab, Beef Salpicao, Tenderloin Tips and Tanguigue Steak. Pa add na rin po ng carrot cake, psychocolate cake and berries cheesecake, two of slices of each cakes po." I said.
"And for the drinks can we get six orders of hot choco, thank you." nakangiting sabi ko. Nagbayad ako at bumalik kami sa table namin dahil sila na lang daw ang magse-serve after 10 minutes.
We enjoyed the food habang nagkukwentuhan kami at nagaasaran. Pagkatapos naming kumain ay nagbyahe na ulit kami para hindi kami gabihin ng uwi.
~
Nakasandal ako kay Kaius dahil matutulog sana ako pero hindi ako makatulog. Tiningnan ko si Kaius at busy ito kakapindot sa phone niya . I wanted to ask him what happened last night dahil wala akong maalala.
"Kaius what happened last night?" tanong ko.
Nagtataka siyang tumingin sa akin. "Wala kang maalala?" natatawang sabi nito. Nagkibit balikat lang ako at hinintay ang sasabihin niya.
"Binuhat lang naman kita hanggang sa kwarto mo prinsesa." amused na amused na sabi niya. Habang ako hindi makapaniwala na ginawa ko 'yon. I just sulked at my seat dahil sa sobrang hiya kaya humagikhik si Kaius.
"Huwag ka na mahiya, Aice. Ang cute mo nga e." pangaasar niya. Tinakpan ko naman ang tainga ko para hindi na marinig pa ang mga sinasabi niya.
"Wala akong naririnig." sabi ko. Rinig na rinig ko naman ang tawa niya kahit nakatakip na ang tainga ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin at nagmukmok sa upuan ko.
Nagconnect na lang ako sa speaker ng mini van at nagpatugtog para hindi kami maboring habang nasa byahe. I just shrugged it off dahil nahihiya ako kapag iniisip ko. I was also curious about sa tinanong ni Jansen kagabi pero hindi ko na lang pinansin.
Car rides to Malibu
Strawberry ice cream
One spoon for two
And trading jackets
Laughing 'bout how small it looks on you
It was deja vu by Olivia Rodrigo. Pagdating ng chorus ng kanta ay sumabay kami nila Ashley at Cesha dito.
So when you gonna tell her
That we did that, too?
She thinks it's special
But it's all reused
That was our place, I found it first
I made the jokes you tell to her when she's with you
Do you get déjà vu when she's with you?
Do you get déjà vu? (Ah), hmm
Do you get déjàvu, huh?
We sang our hearts out hanggang matapos ang kanta. The three of us were looking at each other then we burst out laughing nang matapos ang kanta.
"Grabe sa lahat naman na yata ng bagay magaling ka, Kade." Ashley said.
"Ang ganda ng boses mo, Aicelle." pamumuri din ni Cesha.
"Hindi na pala kailangan ng speaker e, itong si Kadence na lang pala ang kakanta." nakangising sabi ni Vince.
"Ano ba guys, stop it! Nahihiya na ako." tumatawang sabi ko. We sang hanggang sa makarating kami pauwi. Dahil wala pa naman sila Mommy at Daddy, sa tapat na ng bahay ako nagpababa sa kanila.
"Thank you guys, see you tomorrow?" nakangiting sabi ko sa kanila.
"See you tomorrow, prinsesa namin!" sabay sabay nilang sabi. Ginulo ni Kaius ang buhok ko and I gave them my sweetest smile before Kaius closed the mini van's door.
Kumakaway ako sa papaalis na mini van at pinapanood kong mawala ito sa paningin ko. Nakangiti ako habang tinitingnan ang mini van na mawala sa pangingin ko, this was the best weekend I have ever experienced. I didn't know a weekend can be this fun, thanks to them now I know.
Habang tinitingnan ko ang papaalis na sasakyan narealize ko na they really are changing my life. They made this whole thing an unforgettable weekend. Napangiti ako nang tuluyan nang mawala sa paningin ko ang sasakyan.
See you tomorrow, Pathfinder.