Twenty Five
When we arrived at the mall I am my usual self again, I don't want to ruin our day. Masaya kaming pumasok sa loob ng mall at hinanap ang National Book Store. Walang tigil naman sa pagbabangayan ang dalawa habang naghahanap kami ng mga supplies na kailangan. Andito kami ngayon sa stationary aisle at naghahanap ng mga pwedeng iadd sa school supplies.
Tiningnan ko si Vince dahil napatigil siya kaya tiningnan ko ang tinititigan niya, it was a girl. Haharap na sana si Ashley doon nang harangin siya ni Vince.
"Ano ba, Vince. Tumabi ka nga." inis na sabi ni Ashley.
"Boss doon na tayo sa mga notebook section." aligagang sabi ni Vince.
"Sandali hindi pa tayo tapos dito. Tumabi ka nga." sabi ni Ashley at tinabig ito.
Wala nang nagawa pa si Vince. Napatingin si Ashley sa babae at muntik nang mabitawan ang mga hawak niya.
"Kaius sino 'yan?" bulong ko sa kaniya.
He leaned closer to my ear."Step sister niya, anak ng bagong asawa ng papa niya." seryosong sabi ni Kaius.
"Tara na nga sa notebook section." sabi ni Ashley. Akmang aalis na kami nang hablutin ng babae ang braso niya.
"Look who's here." nakangising sabi ng babae. I scanned her, her hair is short and she's wearing a floral sundress. A bit taller than Ashley, maybe same as mine.
"Tara na, boss." seryosong sabi ni Vince at hinila siya.
"Stay out of this you dirty rag!" sigaw niya kay Vince. Pinagtitingnan na kami ng mga staff sa loob buti na lang kami lang ang tao rito.
"Hey who do you think you're calling a dirty rag." nagpipigil na sabi ko.
"Wow looks like Ashley got herself a decent and rich friend." she laughed sarcastically.
"Mag back out ka na kung ako sa 'yo, hindi ka nababagay sa grupo na 'to." sabi niya.
"Tara na." yaya naman ni Kaius. Aalis na sana kami nang magsalita ulit siya.
"Alam mo bang na hire ang Daddy natin sa isang big company? What's that called, SM Investment Corp. the number one biggest company in the Philippines? Kaya nga andito ako ngayon dahil bumibili akong school supplies dahil ililipat niya na ako sa mamahaling university." sabi ng babae.
"Talaga? Hindi kasi ako interesadong malaman." sarcastic na sabi ni Ashley. Nainis naman ang babae pero nakabawi ito at tumawa.
"Sayang kung iniwan mo lang sana ang Nanay mo at sumama ka kay Dad. Edi sana hindi ka naghihirap ngayon." nakangising sabi ng babae. Kinuyom ni Ashley ang mga kamay niya at parang iiyak na siya anytime.
"Shut your filthy mouth." I'm starting to lose my patience.
"Huwag mo nang patulan yan, Kade. You're wasting you're precious time to this home wrecking bitch." sabi ni Ashley. Nainis naman ang babae kaya sinamaan niya ng tingin si Ashley.
"Hindi naman namin kasalanan na boring ang nanay mo at kayo naman ng kapatid mo ay walang kwenta." sabi ng babae.
"Shut up! You're the reason why our family was destroyed. Because of your Mom my Mom almost died!" galit na galit na sabi ni Ashley.
"Hindi kasalanan ng Mommy ko na nagtakang magpakamatay yang Nanay mo! She deser-" before he can even finish her sentence a solid slap landed on her face. Gulat na gulat silang lahat habang nakatingin sa akin. Hinawakan ako ni Kaius sa braso para pakalmahin.
"You deserve a reality check. Did your senses came back after that slap?" inis na inis na sabi ko.
"You b***h!" akmang sasampalin niya rin ako pero pinigilan siya nila Kaius at Vince.
"Hanggang diyan ka na lang Miss, mas lalong bawal 'to galawin kung gusto mo pang makatapak sa kahit ano mang parte ng Maynila." sabi ni Kaius.
Natakot naman ang babae sa sinabi niya kaya kumalma ito. Kaius towered her at napatingala lang siya habang nakatitig ito kay Kaius. She was speechless kaya tiningnan niya na lang kami nang masama.
"Let me give you a piece of advice sweetheart. Save yourself from this bunch of trash." baling ng babae sa akin.
Tumalikod siya at aalis na sana nang magsalita ako.
"Watch me protect this people who you are calling trash. Watch what I can do just to avenge them." seryosong sabi ko. Lumingon naman siya kaya napangiti ako.
"Your Dad got hired by SM Investment Corp. right? Enjoy it while it last. My Daddy would be glad to know that some daughter of his employee tried to slap his one and only daughter. Good luck telling your Daddy why he got fired, biatch." nakangising sabi ko. Her face turned pale, before she can even talk we turned our back and left the book store.
"Kade!" pabato akong niyakap ni Ashley at umiyak sa braso ko.
"Ang bad ass! Deserve." tuwang tuwa na sabi naman ni Cesha.
"Grabe kayo pala ang may ari ng number one business company dito sa Pilipinas? Tsk tsk big time." hindi makapaniwalang sabi ni Vince. Si Kaius naman ay tahimik lang habang nakadikit pa rin sa akin.
Inalo ko naman si Ashley, I caressed her back while she sobs on my shoulder.
"Babalik na lang tayo mamaya sa book store. Tara sa Dairy Queen." nakangiting sabi ko.
~
Kumalma na si Ashley at nakaupo kami ngayon dito sa loob ng DQ at kumakain ng ice cream. Nananahimik kami at pinapakiramdaman ang atmosphere.
"Pasensya na kayo. Hindi na dapat kayo nadamay sa issue ng pamilya ko." Ashley said. Hinahalo niya ang patunaw na ice cream dahil hindi niya pa rin ito ginagalaw at panay siya buntong hininga.
"I hate them, especially my Dad." nakangiting sabi ni Ashley, pain was visible on her face. Nananahimik lang ako habang nakikinig sa mga sinasabi niya.
"He left us pagkatapos niyang ubusin ang pera ni Mama sa mga business niya na palaging nalulugi. Nang wala na siyang mahita kay Mama iniwan niya ito at naghanap ng iba." mahabang kwento niya. I felt bad for her, Vince held her shaking hands.
"They don't deserve the good things that has been happening to their life." nakakuyom ang mga kamay niya habang sinasabi ito.
"Kinaya ko dahil panganay ako kailangan kong maging malakas para sa kapatid ko pero ang hindi ko kinakaya ang makita si Mama na mahirapan araw araw. Hanggang sa hindi niya na kinaya at- at nagtangka siyang patayin ang sarili niya." hindi na niya mapigilang umiyak ulit. Inalo naman siya ni Vince.
"B-buti na lang nakita ko siya agad. Kung hindi baka pati nanay nawalan na kami ngayon." humihikbing sabi niya. Patuloy pa rin kami sa pakikinig habang tahimik na nagpapakiramdaman.
"Mabuti na lang nagsisimula nang makabangon si Mama. Simula nang iwan kasi kami ni papa parang nawalan na rin kami ng nanay dahil hindi na niya kami inaasikaso." sabi niya.
Kaya siguro ganito si Ashley, his motherly personality in the group. Kaya sobrang strikto siya when it comes to our safety and well being. Ginagawa niya sa amin ang gusto niyang gawin sa kaniya ng Mama niya.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na rin kami sa National Book Store para bilihin pa ang mga kulang. Ashley was back to her usual self and we goof around the book store while looking for the supplies that we need. The total was almost 28,000 pesos, dumiretso na kami sa mini van at binuhat lahat ng gamit para ilagay sa compartment. Kaius wouldn't even let me carry a singe bag, so stubborn.
Bigla kong naalala ang pinangako ko sa kapatid ni Kaius.
"Omg Kaius 'yong donuts ni Kia! Halika na samahan mo ako sa loob." aligagang sabi ko.
"Wait guys ha! Super duper bilis lang 'to." sigaw ko habang tumatakbo kami ni Kaius pabalik sa mall.
He chuckled. "Sayang akala ko nalimutan mo na. Makukuha naman sa paliwanag 'yon." nakangiting sabi niya.
"Meanie. Baka magalit ang baby Kia natin kapag hindi ko tinupad ang sinabi ko." nakapout na sabi ko.
"Baby natin?" nakangising sabi niya. Tumango naman ako kaya mas lalo siyang napangisi.
Pumasok kami sa dunkin donuts at bumili ako ng isang box na assorted pati na rin ang isang box ng munchkin. I also bought a chocolate frappe.
"Tama na 'yan. Masyadong marami." pigil ni Kaius sa akin. Bumalik kami sa sasakyan at kukuha sana si Vince nang tinapik ko ang kamay niya at sinabing para kay Kia ito.
Nang makasakay kami ay nagsimula na ulit kaming magbyahe. It was 10 am nang matapos kaming mamili at ngayon naman ay magoorganize na kami. Si Jansen ay nagpapasundo at isasama na lang daw niya ang kapatid niya.
Dumaan pa kami sa bahay nila Kaius para ibigay ang pasalubong ni Kia.
"Ma andito na kami." sigaw ni Kaius. Lumabas naman ang Mama niya mula sa kusina.
"Hi, Tita. Idadaan lang po sana naman 'yong pasalubong ni Kia." nakangiting sabi ko.
"Sana hindi ka na nagabala pa. Maraming salamat, nak."
Dali dali namang bumaba si Kia mula sa couch. Halos hindi pa niya maabot ang sahig.
"Yay, thank you ate." lumapit siya sa akin at kiniss ako sa lips. I was caught off guard but I just laughed nang hinalikan din niya si Kaius sa lips. Ano 'to indirect kiss?! Umiling na lang ako at natawa sa iniisip ko, nagpaalam nanaman kami sa mama niya na aalis para mag ayos ng mga supplies.
Sunod na dinaanan namin ay sila Jansen. Naabutan namin sila sa labas habang hawak hawak niya ang kapatid niyang lalaki. He was wearing a pikachu onesie, I squealed he was adorable. Maybe he's around Kia's age, binuksan ni Kaius ang pinto at naglakad sila papunta sa mini van. Nang lumapit si Jansen ay kinurot ko ang pisngi nito bago binaling ang atensyon ko sa kapatid niya.
"Hi cutie." nakangiting sabi ko nang makasakay sila sa loob.
"H-hi pretty." he said shyly while stuttering.
Cute!
"Wow, Kade. Ang bait sa 'yo ni Jasper ah, ang sungit kaya niyan sa amin hmp!" sabi ni Ashley.
"Hi Jasper! Ako ba hindi mo tatawagin na pretty?" sabi ni Ashley.
"No!" sabi ng bata at nagmaktol ito bago tumalikod sa kaniya. Natawa naman kami sa inasal nito.
"Aba! Gusto mo ibitin ko patiwarik 'tong kapatid mo, Jans." kunwaring inis na sabi ni Ashley. Natawa naman si Jansen at pinagsabihan ang kapatid na sinusungitan rin siya.
Bumulong naman si Kaius sa akin at natawa ako sa sinabi niya.
"Lokong bata 'to, aagawan pa yata ako." bulong niya. Umiling naman ako at binaling ang atensyon kay Jasper na tuwang tuwa naman habang nilalaro ko ito.
Napagisipan namin na kila Cesha na lang kami dahil maluwang ang pwesto sa tambayan namin sa rooftop. Pumasok kami sa loob habang bitbit ng mga lalaki ang mga paper bags.
Bumati kami isa isa sa mama ni Cesha at dadalhan na lang daw kami ng meryenda sa taas. Si Jasper naman ay agad na nahiga sa hammock habang kami ay nilalabas na ang mga school supplies. I was assigned to the notebook together with Ashley, inoorganize namin ito ng tig pipitong piraso. Ang iba naman ang naglalagay sa plastic envelope. Ang laman ng bawat envelope ay ang pitong notebook, isang pad paper, sharpener, dalawang lapis, dalawang ballpen, eraser, at pencil case. Ito ang mga kit para sa mga estudyante, we made a separate kit for the teachers. Ang laman naman nito ay box of chalk, box of ballpen, binder, and box of marker.
Nasa dalawang daan ang estudyante kaya inabot kami ng lunch, wala pa nga kami sa kalahati nito. We laughed and goof around while doing our task. Puro saway naman si Ashley dahil wala raw kaming matatapos kung puro kami kalokohan.
I've come to a realization that our group is not perfect and we're just a bunch of kids that is broken and full of flaws and when we seek solace, we found each other. That's why they make our times with each other as enjoyable as possible because it was our only escape from our sad reality.
I wish nothing but their happiness and healing. They deserve all the good things in this world, I hope the universe will go easy on them.