“I WAS KINDA BORED,” sagot ni Mandy sa tanong niya kung ano ang ginagawa nito malapit sa storage room niya.
Mabuti na lang pala at naisipan niyang umuwi muna rito at kung hindi ay baka nasilip na nito ang mga itinatago niya sa storage room sa silong ng bahay. Mabuti na lang at malakas ang instinct niya kaya hindi pa siya nabibigo.
Ang sabi niya rito ay inaarkilahan lang niya ang bahay para maging taguan muna nilag dalawa. She was thrilled at first pero ngayon ay hindi na niya nagugustuhan na parang marami na itong gustong pakialaman out of her curiosity. He should start do something to Mandy para mabawasan ang pagtatanong nito at pag-uusisa.
Pinilit niyang ngumiti kay Mandy para hindi naman nito maramdaman na hindi na siya natutuwa sa ginagawa nito. Kung bakit naman kasi isinama niya pa ito sa lungga niya. Isinama niya ito dahil gusto niya itong makasama at sumama naman ito dahil alam nito na hindi pa ito kayang pakasalan ni Neo dahil kay Nemesis. A win-win solution for both of them. Nasa kaniya ito at kapiling niya, nagiging masaya naman ito at nakakalimutan ang katangahan ni Neo na mas inuuna ang trabaho kaysa rito.
“Let’s go to our room,” nakangiti niyang aya rito like he was suggesting something they will do at hinila na ang kamay nito at nauna na lumakad. Mukhang kailangan niya masiguro ang lock ng storage room niya mamaya. Kailangan niya makasiguro na hindi nito iyon mabubuksan. Ayaw niya magkaroon ng komplikasyon sa gawain niya lalo na at napapaniwala niya ito sa magandang motibo ng pagtatago niya rito.
“Kailan mo ba ako papayagan na makauwi?” tanong ni Mandy sa kaniya at doon naningkit ang mga mata niya at mabuti na lang ay nasa likuran niya ito at hindi nakikita ang reaksyon niya.
Bago pa siya tuluyang magalit, na mabuti na lang at napigilan niya ang sarili, ay nilingon niya ito at nginitian. Hindi siya pwede magpadala sa inis, ang kailangan niya ay papaniwalain ito sa kung ano man na dahilan niya.
“Gusto mo na ba akong iwan?” malungkot na tanong niya rito nang nasa loob na sila ng bahay.
“I just wanna visit my parents,” malungkot na sagot naman nito.
“Kapag binisita mo sila ay siguradong ‘ako’ ang mapapahamak,” padiin niyang pagtukoy sa sarili. Kailangan niya ipaunawa rito ang komplikasyon na mangyayari kung sakali. Mabubuking kung sino siya na kumuha kay Mandy at malalaman ng lahat na siya at si Nemesis ay iisa.
“Kagaya ng usapan natin ay hindi ko naman sasabihin sa kanila ang totoo,” paliwanag nito. “Gusto ko lang talaga makita at makasama kahit paminsan-minsan ang parents ko,” malungkot na ang boses na dagdag eksplanasyon nito.
“They thought your dead,” pagsisinungaling niya. Hindi na niya kailangan sabihin na nakikipag-ugnayan ang mga magulang nito dahil sa minsang ginawa niyang pagtawag sa mga ito para inisin si Neo. He just wanted to see how Neo looked so clueless everytime dahil sa gawa niya.
“Oh my God…” sabi nito sa kaniya at maya-maya ay tumulo ang mga luha nito. “Why?”
“We found a dead body of a woman and they thought it was you,” gawa-gawang imporma niya rito. Mas mabuti na ang gumawa ng kuwento rito kagaya ng sinabi niya noon na dahilan para makumbinsi niya itong sumama sa kaniya.
Nakumbinsi niya ito pagkatapos niyang biglain itong pakitaan noong nasa parking area ng restaurant ang kotse nito. He remembered how surprised she was that night and he liked that. Mabuti na lang at sa tagal ng pinagsamahan nila ay nakuha niya itong mapaniwala.
“How… how come?” tanong nito. “Hindi na ba nila ako makilala bilang anak nila? They should seek for some autopsy first and check my dental record and fingerprints,” malungkot na sabi nito. Ang anyo nito ay puno ng pagtataka. How he loved to see how beautiful mandy is kahit gulong-gulo ito.
“We cannot perform DNA testing for a rotten corpse,” sabi niya rito. “You know it well, Mandy? No one can get some DNA from a dead person for the fingerprints are no longer there. You know it well that once a person died, the fingerprints are fading,” dagdag paliwanang niya. Doktor ito at alam iyon ni Mandy pero kailangan niya lang i-emphasize para maging mas kapani-paniwala ang kasinungalingan niya.
“I know… pero… pero siguro naman alam ng parents ko ang paraan para makilala nila ako,” naiiyak na sabi na nito. “I am their only child. How could they believe na ako agad iyong bangkay na pinakita sa kanila?”
“I asked them for an autopsy pero ayaw nila,” sabi niya. “Wala naman ako karapatan na ipa-autopsy ang bangkay. You know where I stand. Wala ako karapatan ipilit ang gusto ko,” malungkot na sabi niya rito.
“What I should do now?” nanghihina na sabi ni Mandy.
“You could go home and leave me if you want,” malungkot ang tinig na sabi niya. “But if you will let me clear everything first at hahayaan mo ako na ayusin muna ang problema ng lahat tungkol kay Nemesis ay siguradong magiging okay na tayo pagbalik mo sa kanila,” sabi niya rito sa tono na puno ng pag-asa at pangako.
“I… I trust you,” sabi ni Mandy sa kaniya at niyakap niya ito. “I know you could do it but… but…”
“No buts, Mandy. Just believe me. Magiging maayos ang lahat para kapag lumantad na tayo at umamin ay wala na sisihan mangyayari at mauunawaan nila kung bakit mo nagawang magtago. Kung bakit ako ang pinili mo.”
“Ano na ba update kay Nemesis?” Ramdam niya ang inis sa tanong nito. Inis na inis na ito kay Nemesis.
He smirked. Ano kaya ang mararamdaman nito kung malalaman na siya si Nemesis? Ano kaya ang magiging reaksyon nito? Will she hate him o tatanggapin pa rin siya nito kahit malaman nito na siya ang kinakatakutan ng karamihan at kinaiinisan nito?
“Masyado mailap si Nemesis, Mandy. Ang gusto ko lang naman ay masiguro ang kaligtasan mo higit kanino man,” sabi niya rito at sinimulan itong halikan. “Mahuhuli rin namin siya at kapag dumating ang panahon na iyon ay sigurado na safe ka na. Hindi ka na niya pag-iinteresan,” muli ay panghihikayat niya rito.
“Naguguluhan na ako…” malungkot na pag-amin ni Mandy sa nararamdaman. “Gusto ko man ipagsigawan ang tungkol sa atin ay hindi pa pwede. Gusto ko man umuwi ay hindi ko rin magawa dahil mapapahamak ka. Hindi ko na alam kung tama pa ba na sumama ako sa’yo at pumayag na itago mo ako rito.”
Umigting ang bagang niya dahil sa sinabi nito. Kung hindi siya mag-iingat ay lalong pagdududahan nito ang mga plano niya. Hindi pwedeng masira ang plano niya para rito.
“He is sending videos everyday,” naisip niyang sabihin. Tatakutin na lang niya muna ito.
“Videos?” tanong nito.
“Yes, videos. Video kung paano niya pinapatay ang mga biktima niya. Brutal videos, Mandy. That is one of the reason kaya ayaw ko muna sana umuwi ka sa inyo. We know he is targeting you too.”
“Oh…” Mandy gasped.
“He is brilliant…” sabi niya patukoy kay Nemesis. Hindi niya maiwasan hindi papurihan ang sarili sa bagay na iyon. Sa dami ba naman niya napapaniwala ay hindi pa ba kahanga-hanga ang tulad niya?
“Brilliant?” takang tanong naman ni Mandy.
“Yes,” sagot niya rito. “Those he killed have backtrack of being involved in a syndicate that does immoral things, bad things. Those people he had killed were bad people, Mandy. They are into human trafficking and drug dealings.”
“A vigilante,” Mandy said. “You are telling me that Nemesis is not just a lunatic one, sinasabi mo na isa siyang vigilante… Tama ba ako?”
Tango lamang ang isinagot niya rito. Hindi pa iyon alam ni Neo. Si Neo na lagi ay nagpapaalala sa kaniya kay Anton. Si Anton, ang mahinang si Anton. Ang katuhan na matagal na niyang inilibing sa isipan niya.
Mahina si Neo katulad ni Anton, at kung paano ito naging top agent ng bansa ay ipinagtataka pa rin niya. He should be the top agent at hindi si Neo. Well… sisirain na muna niya ito lalo na at lagi na niyang napapansin ang pagsakit ng ulo nito. Neo will become the true lunatic at sisiguraduhin niya iyon.