Chapter 15.1 (Escapade)

1077 Words
NANG MAGISING SI NEO ay napapikit siya sa malakas na liwanag na tumama sa mga mata niya. Unti-unti niya idinilat ang paningin at nakita niya ang mukha ni Tyrone at nasa mukha nito ang pag-aalala habang nakatingin sa kaniya.  Pinilit niya bumangon at naupo, inis ang naramdaman nang maisip na nasa couch siya nakahiga kanina. Ano ang nangyari na naman sa kaniya? Paulit-ulit na sakit sa ulo ang nararamdaman niya sa tuwina. Kung kailan naman importante ang kasong hawak ay saka naman lalong pinapahirapan siya ng karamdaman. HIndi siya pwedeng bumigay at nakasalalay sa kaniya ang kalagayan ni Mandy. Kailangan niya matagpuan na ito sa lalong madaling panahon. “Baka kailangan mo muna magbakasyon,” narinig niyang sabi ni Tyrone.  Hindi siya umimik. Ipinilig niya ang ulo at pinakiramdaman ang sarili kung sumasakit pa ba ang ulo niya.  Mayroon pa rin at hinanap niya ang bote ng gamot at agad na kumuha ng limang tableta para isubo. Hindi na siya naghanap ng tubig at nginuya ang mga gamot bago nilunok.  “Kailangan mo na magbakasyon, Neo.” Tiningnan niya si Tyrone dahil sa sinabi nito. Gusto niya mainis na parang pinapangunahan nito siya pero alam naman niya na nag-aalala lang ito sa kalagayan niya. “Hindi pa ako pwede mag-isip ng bakasyon. Kailangan ko muna mahanap si Mandy,” malungkot na sabi niya.  “Kami na ang bahala maghanap kay Mandy. Ipagkatiwala mo na lang sa amin ang paghahanap at babalitaan kita araw-araw sa progreso.” “Araw-araw?” natawa na sabi niya. “Kahit sa sarili mo ay wala kang tiwala na makikita agad si Mandy tapos iisipin ko pa ba na  kaya ninyo?” Hindi niya man sinasadya ay alam niyang nainsulto niya ang kaibigan. Tyrone just nod his head, nasa mga mata nito ang sama ng loob dahil sa sinabi niya. “Sorry,” he said to his friend. “I didn’t mean to insult your skills. Kahit naman ako ay pumapalpak na rin dahil sa hindi makitang si Nemesis. I am just worried dahil habang tumatagal ay nararamdaman ko kung paano ako nililibak ni Nemesis. Kung paano niya ako pinagtatawanan. Gusto kong isipin na wala sa kaniya si Mandy pero ang katotohanan na mapanganib siya ay hindi ko gustong isipin kung ano ang kaya niyang gawin kay Mandy,” aniya pero ang mga mata ay nasa puting wall nakatingin.  “Makikita rin natin si Mandy at mahahanap din natin si Nemesis. Matatapos din natin itong kaso na ito at maililigtas natin si Mandy, Neo. Pero sa ngayon ay dapat makasiguro rin tayo sa kalagayan mo, hindi na maganda ang nakikita ko sa iyo. Namamayat ka na at parang–” “Parang ano?” tanong niya na muling bumalik ang inis para rito.  “Parang kailangan mo na magpatingin sa neurologist,” mungkahi nito sa kaniya. “Para ano?” he smirked. “You know how I hate doctors, Tyrone. I hate clinics too. May kausap na rin naman ako na doktor at okay na ako sa kaniya, ayoko na magdagdag pa ng ibang kausap,” sabi niya pa. Hindi na niya kailangan sabihin na nagpatingin na siya sa neurologist at ang sina-suggest lang sa kaniya ang ayaw niya sundin. He doesn’t need those tests. He will be fine lalo na kapag nahanap na niya si Mandy. MANDY WAS CURIOUSLY looking at the door of the storage room mula sa kinauupuan niya sa garden. She was really curious dahil siguro nabo-boring na siya at gusto na niya lumabas pero iniiwan lang siya lagi ng kasama niya. Sabagay, nakaraan ay isinasama naman siya nito pero iyon nga lang at sa loob lang siya ng kotse. They’d been out at nakapag-date nga siguro pero sa loob lang sila ng sasakyan at ganoon naman palagi. Parang gusto na niyang pagsisihan ang pagpili na sumama rito.  Nami-miss na niya ang ospital at nami-miss na niya ang mga magulang at mga kaibigan. Nami-miss na niya ang dating buhay at sana hinayaan na lang niya na hindi matuloy ang kasal nila ni Neo kaysa nag-drama pa at tumakas. Mas okay pa rin na hintayin si Neo maging maayos ang sitwasyon para makapakasal sila kaysa naman ganito na nag-i-enjoy nga siya pero hindi naman talaga siya masaya.  Oo, inaamin niya. Noong una ay masaya siya pero ngayon ay hindi na lalo na at lagi rin siya iniiwan ng kasama. Minsan naiisip niya rin si Nemesis, kung bakit ba naman kasi marami na problema ang bansa ay dinadagdagan pa nito.  Sa sobrang boring niya at inis ay lumakad na siya palapit sa pinto sa gilid ng bahay na tinutuluyan nila. Ang sabi sa kaniya ng kasama ay huwag niya iyon pupuntahan at hindi nila alam kung ano ang mga lumang gamit na nakaimbak doon na maaring importante sa may-ari ng bahay. She was told not to enter that storage room pero hindi naman siguro masama kung silipin niya lang iyon lalo at nakita naman niya na may awang sa pinto nito.  She walked while thinking kung ano kaya kung hinintay na lang niya ang kasal nila ni Neo at hindi nagpadalos-dalos sa naging desisyon niya. Siguro ay mas okay pa rin talaga iyon. She missed instantly their condo unit, sa ilang taon na nadesisyunan nilang magsama ay nakasanayan na niya maging maybahay nito. She giggled with her thought.  Nang maisip naman niya ang mga moment na pinagsaluhan nila ng kasama ay parang nililiyaban siya. The feeling with the man na ngayon lang ipinaranas sa kaniya. Their love making every time ay wild at hindi niya akalain na magugutuhan niya ang gano’n unlike her previous experience na puro sweet at gentleness na binibigay sa kaniya noon ni Neo.  She never thought she wanted that and for that part ay hindi niya pinagsisihan ang piliin lumayo muna sa mga taong nakapalibot sa kanila ni Neo. Babalikan din naman niya ang mga ito at sana lang pagbalik niya ay handa na siyang pakasalan ni Neo and she will remain her wild escapade a secret to everyone kagaya ng usapan nila ng kasama. She kept on walking at nang nasa tapat na siya ng pinto ng storage room ay bigla siyang nagulat sa kamay na biglang pumatong sa balikat niya.  “Oh my God!” she exclaimed.  Natawa naman ang may ari ng kamay. “Ano ginagawa mo dito? Did you forget what I told you?” tanong nito at hindi niya alam kung bakit pakiwari niya ay may galit siayng  nahihimigan sa tanong nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD