Chapter 6

1545 Words
Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko pa din pala ganun ka lubos kilala si Garren. Yes, I know he’s from a rich family but that’s it. We were in a relationship before but I wasn't given a chance to get to know him better. Guess I just don't really care. Natutunan kong tanggapin kung ano ang kaya niyang ibigay sa akin. He is secretive when it comes to his family unlike his cousin, Dylan. Mabait at welcoming ang pamilya ni Dylan lalo na ang Mama niya. Kung pwede nga lang na roon na ako tumira ay baka pa ikatuwa noon. Kaya kung minsan nahihiya na rin ako. Dylan is too straightforward when it comes to his feelings, what if in the end they expect something from me? Samantalang kay Garren, wala akong alam tungkol sa mga magulang niya. I tried to ask him before but he only gave me vague answers that sometimes lead to different topic so I did not push it anymore. Thinking that he doesn't want to talk about it or he was not just ready. Iyong tipong para masabi lang na nasagot niya nga ang tanong ko. Naiintindihan ko naman iyon noon at hindi ako iyong tipo ng tao na namimilit. Naisip ko lang na hindi pala ako nabigyan ng ganoong pagkakataon. For me he is a man full of mysteries. Maybe it was also the reason why he caught my attention. His eyes alone is enough to get your attention. Para iyong nanghihipnotismo. Its like a labyrinth full of secrets that will picked your curiosity. Kaya naman nakakagulat na dinala niya ako dito. Why all of a sudden? I know I already declared ceasefire between the both of us, marking the closure of our past relationship that end up badly. Pero to be this comfortable? Parang ang dali lang para sa kanya. Sabagay, ako ang humamon sa kanya. Ako mismo ang dahilan kaya napunta ako sa sitwasyong ito kaya walang silbi kung isisisi ko pa ito sa kanya. Ibig bang sabihin sanay siyang nagdadala ng mga babae sa bahay niya? Naningkit ang mga mata ko habang naiisip iyon. Images of Garren flirting with girls he brought home somehow irritates the hell out of me. Kakaibang inis na hindi ko alam kung saan nagmula ang bumabagabag sa akin. What the hell is wrong with you, Kali? It must be the reason why he's casual sa pag-imbita sa akin dito. Oo nga naman, maybe I was not the first one to be here at marami pang iba. Not that I care. I shouldn't care. Buhay niya naman iyon. Siguro nagooverthink lang ako. We were already inside the mansion and it was breathtaking. Mayaman din naman sina Dylan at may malaking mansyon pero hindi ko inaasahan na mas mayaman pala ang pinsan nito. There are a lot of antiques kahit saan ko ibaling ang tingin. Pagkapasok pa lang isang engrandeng hagdanan ang bumulaga sa amin. Iyong kagaya sa mga palabas na magkabilang hagdan. Pinaghalong modern at antique ang mansyon. Hindi ako magaling pagdating sa mga disenyo ng bahay at antiques pero naapreciate ko ang mga nakikita ko. These artifacts must costs fortune. At mukhang alagang-alaga pa ang mga iyon. May ilang kasambahay kaming nakakasalubong. Naglilinis ang mga ito pero ng makita kami ay tumitigil sa gawain para batiin si Garren. They were all greeting Garren at kapag naman natutuon sa akin ang atensyon nila ay kakaibang klaseng tingin ang ibinibigay nila. Strange glances that I know contain different meanings. At least they were not glaring at me? Wala naman akong pakialam sa kung anong isipin nila. Maybe they think I’m just one of those random girls he likes to bring into this mansion? Kahit siguro ako ang katulong baka irapan ko pa sila. Pati ba naman sa bahay dinadala ang kalandian? “Saan ba tayo pupunta,” panimula ko. Kanina pa ako sunod ng sunod sa kanya. Dahil di hamak na mas mahaba ang mga biyas niya kumpara sa akin ang isang hakbang niya ay katumbas ng dalawa ko. He did not even bother waiting for me. Ni hindi niya alam that I was struggling to walk fast just to follow him. Ni hindi man lang kasi siya nagsasalita kahit pa papunta kami rito sa mansyon nila. I mean yes we are no longer that close pero sana man lang maging magaling siyang tour guide diba? He was just walking silently na akala mo tuod. Kung titignan mo nga ay aakalain mong may malalim na iniisip. He’s always like that, hard to read. Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako. Nagulat naman ako at napangiwi ng dumako ang mga mata ko sa narumihan kong puting t-shirt niya. Mukhang mahihirapan yata ako na paputiin ang damit na iyon. Bilhan ko na lang kaya siya ng bago? An efficient and practical way to solve this problem pero ang isipin na baka insultuhin niya ako kalaunan ay hindi matanggap ng ego ko. Tinaasan niya ako ng kilay. He must be wondering why I suddenly get startled. Hindi ko ipinahalata na mas lalo akong naapektuhan sa paninitig niya. Paano ba naman kasi, his deep set of brown eyes is intensely gazing at me and I don't like how it affects me. Tila ba napapaso ako roon. He terrifies the hell out of me. Hinawakan niya ang laylayan damit na puti. Nakasunod ang mga mata ko sa bawat kilos niya na para bang nakamagnet ito roon. Kaya ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng wala man lang pasabi niyang hinubad sa harapan ko ang maruming t-shirt. He did that effortlessly. His biceps were flexing. Bumalandra sa harapan ko well-toned niyang katawan. At hindi ko maiwasan na hindi mapatitig doon. I was used being surrounded by guys. Lalo pa ng mapabarkada sa ilang kaibigan ni Dylan. Minsan naiimbitahan nila ako sa mga pool party. Walang epekto sa akin kapag may mga lumalapit at nagpapalipad hangin. Syempre nakabantay din si Dylan at binubugaw ang mga nagtatangka na parang langaw. I just don't feel anything. But as I roam my eyes on Garren's body, my cheeks heated. Gusto kong paypayan ang sarili sa kakaibang init na naramdaman. Damn, he has THAT body. Akala mo iyong mga modelo na nagpopost sa mga magazine. He has muscles in all right places of his body. His movements defined them even more, napalunok ako. Lahat na lang yata nasa kanya na! Ang unfair talaga ng buhay. I suddenly remember how he held my waist firmly ng muntik na akong matumba nung nakaraan. His calloused hands brush my skin at hanggang ngayon sariwa pa rin sa akin ang pakiramdam na iyon. Tumigil ka na Kali! Stop fantasizing that man, ‘wag kang traydor! “W-what the hell, Garren?” pagpapanik ko, napakawalang hiya talaga. He looked at me innocently habang hawak ang t-shirt. Na para bang ang weird ako para magreact ng ganon. Oh wait, I forgot he was shameless! Ibinalik niya sa akin ang tingin bago tumingin sa katawan. When he realizes the reason why I reacted that way, he chuckled a bit. Ang dimples niya na nagpapakita lang kapag ngumingisi at nadedepina. Ang gulo-gulo niya namang buhok at mas ginulo niya pa, I notice that he likes doing that... hindi ko lang alam kung para saan. “Paano mo lalabhan ang damit kong nirumihan mo kung hindi ko huhubarin?” tanong niya na para bang napakaobvious noon, pinoint-out niya lang. Nakakainsulto ang dating noon sa akin. I glared at him but it was futile. Mas lalo pa nga yata siyang natuwa dahil naiinis na ako. “So kailangan sa harap ko pa maghubad? Wala ka bang good manners sa katawan? Ano, kung kani-kanino mo na lang ibinabalandra ang katawan mo?” may pang-uuyam kong pahayag. Hindi ko talaga sasabihin iyong nahuli pero huli na nang mapagtanto ko… Ang daldal mo, Kali! He was surprised and amused at the same time by my sudden outburst. Hindi lang iyon, kita ko kung paano sumilay ang pilyong ngisi sa mukha niya. Gaga ka Kali! You’ve just dug your own grave. “Ano ba ang ikinagagalit mo? It's not like I’m harassing you or something. Tinutulungan ka na nga…” he was teasing me, that’s for sure. At umeepekto dahil umiinit na ang ulo ko. Inis kong hinablot sa kanya ang damit niya. Sana pala hindi na ako nagpresinta pa na maglaba. Bakit kasi nakonsensya pa ako? “Saan ba ang labahan niyo rito?” pag-iiba ko ng usapan, para matapos na. Padabog ko ba iyong hinila sa kanya para malaman niya kung gaano ako kagalit. Nagiiwas ako ng tingin para hindi mapatingin sa katawan niya. Baka pag-isipan pa ako na naninilip. Ang kapal pa naman ng mukha niya. Huh, marami na akong nakitang ganyan. Siguro nga lumamang siya ng konti but still. “Doon,” itinuro niya ang washing area di kalayuan sa pwesto namin. At naroon nga ang washing machine, dryer nila pati na rin sampayan. Walang tao roon maliban sa aming dalawa ni Garren. “Magtanong ka na lang kina manang, I’ll just get myself dress. Baka nakakaoffend sa’yo” dagdag niya pa in a sarcastic way. Pinaningkitan ko siya ng mata pero hindi niya na iyon nakita dahil tinalikuran niya na ako. Sirain ko na lang kaya itong damit niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD