Chapter 5

1285 Words
I don’t have any idea when it started. I’m a late bloomer and an introvert. I was so used to being alone kahit pa minsan gusto ko rin maranasan na may kabarkada kagaya ng iba kong kaklase. Kaya ko naman makipag lapit pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, palagi kong nadidiskubre na hindi naman talaga nila ako gusto. They only allow me to their group because of the benefit I might bring in their circle. After that I stopped, bakit ko isisiksik ang sarili ko sa mga tao na ayaw naman saakin? I’m not that desperate for attention, in fact I hated it. Buong akala ko ganun na lang ako hanggang matapos sa highschool but I was wrong. I met the Narvaez cousins, Dylan and Garren. It was just purely coincidental. Transferee kasi noon si Garren and randomly asked for some directions. Bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng mapagtatanungan ay ako pa talaga? Iyon tuloy akala ni Dylan may something samin kahit aware naman siya siguro na kakatransfer lang ng pinsan niya! At doon na nag-umpisa ang lahat. If I think about it now hindi ko mapigilan na hindi matawa at kilabutan. Ang cliche kasi at parang ang imposible but it does happens. Dahil sa kanila nagkaroon ako ng kaibigan, it was also because of them that people starts noticing me. Sino ba naman ang hindi makakapansin, ako lang yata ang malapit nilang kaibigan na babae. They might have other acquaintances but they are casual with them. Ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi sa sinabi ni Garren. Hindi niya naman alam na ako iyon pero pakiramdam ko napahiya pa rin ako. Naiisip ko tuloy na pinagtatawanan niya ako sa isip niya o di kaya naman ay hinuhusgahan! Nakakawala ng gana, why suddenly his opinion of him towards me matters? Sa sobrang inis ko ay napadami ang dakot ko ng patuka at sinaboy iyon sa mga bibe. Nga lang hindi pala sa mga bibe sumaboy ang patuka kundi sa taong kinaiinisan ko. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto na kay Garren pala sumaboy ang patuka! Hindi ko namalayan na palapit pala siya saakin kaya naging literal kong naipasa sa kanya ang sama ng loob ko. Swerteng mga bibe. Garren looks at his white shirt now drenched with duck feeds. Iyong kanina na puting-puti niyang t-shirt naging kulay basahan ang harap dahil sa ginawa ko. He looks displease at what happened at nanginig ako ng ibaling niya saakin ang tingin niya. It's as if I was caught red handed. Siguro instinct na rin, lumapit ako sa kanya nabitawan ko na nga ang timba na hawak dahil sa pagkataranta ko. Mukha akong timang na hindi magkamaway kung papaano aalisin ang mantsa sa damit niya na mas lalo lang kumalat sa ginawa kong pagpunas. “Hala, sorry hindi ko sinasadaya. Bakit kasi bigla ka na lang sumusulpot?” saad ko habang nagpapanik. “Sorry talaga,” sabi ko ulit. Wala man lang akong natanggap na kahit isang salita kay Garren. Huli ko na napagtanto kung bakit. Matangkad si Garren pero kahit na ganoon umabot naman ako hanggang sa may baba niya kaya naman ng tumingala ako ay halos magdikit na ang mga mukha namin. Parang nag slow-mo ang lahat. Bigla para akong napasailalim sa isang mahika at wala akong magawa kundi mapasailalim noon. I’ve always liked Garren’s eyes. He’s not vocal when it comes to his feelings. He’s a type of person that hides his real emotions pero kapag tumingin ka sa mga mata niya, you’ll know. Para bang hinihipnotismo, iyon ang pakiramdam. Iyon ang isang bagay na hindi niya kayang itago, the emotions expressed by his eyes. Hinawakan ni Garren ang kamay ko na nagpupunas ng damit niyang nadumihan ko. We are so close at konting tulak lang ay may mangyayaring hindi maganda. I can’t help but to imagine… And maybe he realizes what I’m thinking when his eyes darken. “At anong sa tingin mo ang ginagawa mo hmm?” he said slowly. Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil kahit pa halos sumabog na ang puso ko ay nagawa ko pa din sumagot. “N-nagpupunas?” My god, Kali ipahiya mo pa ang sarili mo! Way to go! “You’re so heartless. One minute you are pushing me away like I have a contagious disease and now you are approaching me like everything is normal?” “You are confusing me, baby,” goosebumps run all over my body. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko and I want to just suddenly disappear. Pinilit kong mag-focus kahit pa may nagtutulak saakin na lumapit pa at tawirin ang maliit na distansyang naghihiwalay saaming dalawa. But I did not listen to that urge, doon ako sa may sense at iyon ang bahagyang lumayo sa kanya. He was still holding my hand kaya kaonting distansya lang ang nailayo ko. Pinilit kong pumiglas pero wala akong nagawa. “I hated you, remember? Natural magiging normal lang sakin na lapitan ka basta. It's not like we still have feelings with each other? Ikaw nga naka-move on na ako pa kaya,” saad ko ng taas noo pero sa totoo lang ay kabang-kaba na ako. I’m nervous, I can feel my voice crack when I’ve said that lalo pa ang kaunting kirot sa puso ko ng dahil sa nasilayan koo. Kahit saglit lang nakita kong pumungay ang mga mata niya at para bang tila nabigla siya sa sinabi ko. O baka naman imahinasyon ko lang iyon. Tama, I need to remind myself na imahinasyon ko lang ang lahat. Itong nararamdaman ko ay paniguradong dala lang ng matinding kaba at pagkataranta. Maaaring naapektuhan nga ako sa kanya pero hindi iyon nangangahulugan na may nararamdaman pa ako. Tama, ganoon nga. Bukod doon bakit ba ako apektadong apektado? I did not come here to see him, I was forced to move in this place against my will. Nakakainis dahil parang nadagdagan pa ang parusa saakin sa katauhan ng taong ito. “Pwede ba bitawan mo ako!” Nagpumiglas ako sa pangalawang pagkakataon pero laking gulat ko na imbis na pakawalan niya ako ay mas lalo lang niya akong hinila palapit sa kanya. “Akala ko ba galit at ayaw mo saakin? Eh bakit parang natataranta ka? Hindi ko tuloy alam kung nagsasabi ka ng totoo o nagsisinungaling ka lang,” may panunuya niyang sabi. Uminit ang ulo ko sa sinabi niya. I can clearly feel that he is taunting me. He wants to anger me to prove a point pero hindi ko siya hahayaan at pagbibigyan sa gusto niya. Tumigil ako sa pagpupumiglas dahil wala rin naman iyong silbi. Mas malakas siya saakin at kahit hindi niya naman hinihigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko alam kong wala pa rin akong pag-asa na makawala. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. “Fine. What do you want? Gusto mo bang ipaglaba pa kita ng damit para lang tigilan mo ako? Akin na ang lalabhan ko!” Minsan naiinis na rin ako sa sarili kong kagagahan. Sino bang matino ang isip na magvovolunteer na ipaglaba ang kaaway niya? Ah, ako. Akala ko hahayaan na ako ni Garren pero mas lalo ko lang palang ipinahamak ang sarili ko dahil ang walanghiya ay pumayag. Ni hindi man lang ako tinanong kung final answer ko na ba iyon at basta na lang akong hinila papunta sa bahay o mansyon nila. Grabe, hindi ko mapigilang hindi humanga sa laki ng bahay nina Garren. Alam kong mayaman ang pamilya nila pero hindi ko alam na ganito pala sila kayaman. Nasa unahan ko si Garren at dahil mabilis siyang lumakad wala akong nagawa kundi humabol sa kanya kahit gusto ko pa sana lumibot sa mansyon nila para magsightseeing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD