Nakakainis, at talagang sa harapan ko pa naglandian! Hindi man lang makahintay na makalayo ako.
Sabagay, he has all the right since he’s already moved on. Mukhang saaming dalawa ako lang pala ang gusto ng closure. Good for him then.
Ang ganda ganda ng umpisa ng araw ko pero nawawalan na ako ng kumpiyansa na magtutuloy tuloy iyon dahil sa mga nangyari. Dylan makes me feel guilty while Garren makes me angry. Grabeng magpinsan at nagtandem pa talaga.
Now back to the plan, hindi ko na dapat pa inintindi ang mokong na ‘yon. The least of my concern is to mind his lovelife, ang dapat kong isipin ay papaano mapapapayag si Mommy na payagan akong umalis dito.
I’m having a hard time thinking of a solution since we never had a decent talk ever since we moved here.
Masama pa din ang loob ko sa ginawa niya but I realize that I need to forget that for the meantime. I had to swallow my pride just to make my plan work. Hindi ko na yata kakayanin pa na manatili rito ng matagal.
Matapos ang maikling lakaran ay nasa bahay na kaagad ako. It was already 9 am at busy na ang mga tao especially my grandparents na hindi pa yata sumisikat ang araw ay naghahanda na. Maaga akong nagising kanina but I don’t have the courage to approach them.
Naiilang pa din kasi ako kahit pa mababait naman ang mga kamag-anak at ilan kong pinsan.
Hinubad ko muna ang sapatos ko nakakapagsisi na halos puting rubber shoes pala ang nadala ko, ni wala man lang akong nadalang sandals pamalit.
“Oh nandiyan ka na pala Kali!”
I was suddenly approach by if I'm not mistaken ay isa sa mga pinsan ko. If I remember it correctly siya si Lucille anak ng pinsan ni Mama.
Bago pa man ako makapagsalita ay inunahan niya na kaagad ako. She’s smiling at litaw na litaw ang biloy sa pisngi niya. Base on my quick assessment mukha naman siyang friendly, ‘yong tipikal na magaling makipagkaibigan.
I can feel that in her aura.
“Sorry hindi pa pala ako nagpapakilala, ako pala si Lucille pwede mo akong tawaging Lucy na lang. Sa totoo lang matagal na talaga kitang gustong lapitan kaya lang nahihiya ako…”
Hindi ko alam kung matatawa ako o ano, hindi na niya kasi ako binigyan ng pagkakataon na magsalita. Tuloy tuloy na ako kwento niya hanggang sa matanggal ko ang sapatos ko.
When she realized na kanina pa ako nakatingin sa kanya ay saka siya natahimik at bahagyang ngumisi.
“Pasensya na na-excite kasi ako, wala kasi akong ibang pinsan na babae. Kaya nung nalaman ko na uuwi kayo dito ni tita natuwa talaga ako.”
“It's ok. Nice to meet you Lucy. I’m Kalila, Kali for short,” I smiled, parang ngayon lang yata ako ngumiti ng hindi pilit. Her personality is refreshing at pakiramdam ko nahahawa na ako sa pagiging masayahin at cheerful niya.
Her eyes widened when I extended my hand on her that she later on accepted. Natawa ako dahil parang nagpanik pa yata siya bago nakabawi.
“May gagawin ka ba?”
“Hmmm. Wala pa sa ngayon,” I told her honestly. Totoo naman na wala akong plano sa araw na ito pati sa mga susunod dahil wala pa din akong naiisip na solusyon sa problema ko.
Being in a foreign place is hard because it's not just the surroundings that I need to get used to but also the people. Hindi kagaya sa City na kahit anong gawin ko ay ayos lang, dito kailangan kong isipin ng mabuti ang bawat kilos ko because I’m still learning to adapt.
“Ay! Akong bahala sayo, sumama ka na lang sakin sa palengke.”
Tuwang-tuwa si Lucy nang tuluyan akong mapapayag. Actually I’m contemplating whether to accept her request or ‘wag na lang. Pero nang maisip ko na tatambay lang naman ako sa kwarto at tutulala naisip ko na bakit nga ba hindi?
Habang wala pa akong hakbang na naiisip pipilitin kong gumawa ng paraan para madistract. Thank goodness at bigla na lang sumulpot si Lucy, I also remember that I need to buy some things kagaya ng tsinelas pati na rin ilang essentials na hindi ko nadala sa sama ng loob ko sa pagpunta rito.
“Saan ba ang palengke rito?” tanong ko, hawak hawak ni Lucy ang kamay ko at siya mismo ang humihila saakin sa kung saan kami pupunta.
“Konting lakaran pa at may pila ng tricycle, doon tayo sasakay. Medyo may kalayuan kasi ang palengke dito satin.”
At tama nga siya ilang hakbang pa at natatanaw ko na ang pila ng tricycle, may mga ilang pasahero na bago kami kaya there are tricycles na naghahanda na sa pag-alis. Not that I haven't tried riding one before, nagtatric din naman ako kapag papasok sa school ‘yon nga lang noon pa ‘yon.
I was actually a certified unemployed woman na tambay sa bahay because I’m still trying to figure things out.
Pumara ng tricycle si Lucy at kaagad kaming sumakay doon. Habang umaandar ang tricycle ay nagkukwento si Lucy, she was so cheerful at bubbly.
Bago pa lang kaming nagkakakilala pero nagawa niya na kaagad makuha ang loob ko which is not so me. I have trust issues at hindi kahit pa may kaibigan ako sa Manila I never treated them like friends. Alam ko naman kasi na they only tolerate my existence because of Dylan.
Baka nga puro panlalait at paninira na ang ginagawa nila sa akin while I’m still here.
“Alam mo Kali nagtataka ako, bakit ngayon lang kayo umuwi dito sa Batangas ng Mama mo?”
I was taken aback by her question. Actually hindi ko pa iyon masyadong naiisip pero dahil itinanong niya there’s something in me that awakens; curiosity.
“Hindi ko din alam, all I know is that she forced me to move here dahil gusto niya akong parusahan,” I said bitterly.
“Ano ba ‘yan english ka ng english sumasakit tuloy ang ulo ko. Pero maiba ako, bakit ka ba pinarusahan?” takhang tanong niya.
“ Iyan din ang gusto kong malaman,” sabi ko.
Mama never act like this, noon naman tinotolerate pa niya ako at hanggang sermon lang ang inaabot ko but I feel like there’s something that triggers her to get angry like this.
Noong nabubuhay pa si Papa, my mother let him discipline me kaya nasanay akong nadadaan sa pakiusapan because that’s how my father handle things. He never shouted or got angry at me, not unless I did something that needs a reprimanding.
Nagagalit din naman si Mama but not like this.
I’m a grown up woman and I can perfectly handle myself. Atsaka kasama ko din naman si Dylan. He will never let anyone harm me.
“Nandito na tayo!”
Nagbayad si Lucy pagkatapos naming bumaba sa tricycle. Ang sabi ko ako na since niyaya niya ako pero dahil gusto niya kaya hindi na lang ako nakipaggilgilan.
Inutusan si Lucy ng nanay niya na mamalengke, kaunti lang naman ang bibilhin niya kaya inuna na namin ‘yon bago ako magpasama sa convenience store.
Weekdays kaya kakaunti ang tao sa palengke sanay naman akong nagpupunta sa mga ganito pero naninibago pa din ako dahil matagal na mula ng magpunta ako ng palengke.
Ngayon ko lang narealize na ang dami ko pa lang mga bagay na hindi na ginagawa after what happened. Narealize ko din na I did not just change as an individual, my way of living was also changed.
“Sandali lang Kali, may bibilhin lang ako doon sa may isdaan. Dito ka na lang muna kasi medyo basa doon baka magdumi pa ang sapatos mo.”
“Sige. I’ll wait for you here.”
Mag-aalas dyes pa lang pero nagugutom na ako. I’ll just treat Lucy and also as a thank you sa pagsasama saakin.
Wala naman akong masyadong bibilhin kaya ayos lang maghintay isa pa konti lang din naman iyon at baka abutin lang ng ilang minuto.
I was busy looking at some stores when I feel that someone approach me.
I happily faced someone thinking that it was Lucy but my smile vanished when I saw the person completely. Hindi pala si Lucy kundi iyong girlfriend ni Garren.
Mas matangkad siya saakin kaya bahagya pa akong tumingala ng kaunti. Her aura screams elegance. She’s wearing a floral summer dress at nakalugay ang mahaba at kulot na itim na buhok. May hawak itong bayong at mukhang namalengke din.
“You are the girl kanina right?” she said, ang hinhin ng boses.
Hindi niya ba nagegets na ayaw ko siyang makita? She should have get it earlier noong iniwan ko silang dalawa. She’s making me uneasy.
Pero dahil hindi ako bastos I awkwardly smiled at her.
“Yes,” tipid kong sagot.
“Kaibigan ka ba ni Garren? I heard kasi na you are from Manila and knowing Garren he has lots of friends in Manila also,” she said while smiling.
Ano bang gustong palabasin ng babaeng ito?
“We used to. Nakasalubong ko lang siya kanina you have nothing to worry about.”
Dineretso ko na siya, I already know her reason for approaching me kahit na halata namang napipilitan lang siya. I know because why would she bother to have a conversation with me kung wala siyang gustong ipakahulugan doon?
That earned a smirk from her na ikinabigla ko. What the hell is wrong with her?
“Sige mauna na ako, I still have some stuffs to buy.”
Saktong pag-alis nung babae ay ang paglapit naman ni Lucy, minuto lang naman ang nakalipas pero parang ilang oras siyang nawala.
“Sino ‘yon? Kakilala mo?” takhang tanong niya. She’s still busy fixing her ecobag.
“Hindi ko siya kilala pero girlfriend yata ni Garren,” I said casually kahit hindi naman talaga ako sure.
Kumunot ang noo ni Lucy, “Ah si Candice naku huwag kang lalapit sa babaeng ‘yon. Patay na patay ‘yon kay Garren lahat talaga ng babae na lumalapit don nilalapitan niya din. Akala mo naman totoong girlfriend kung maka-asta!”
“They are not in a relationship?” I asked, confused.
“Hindi no!” natawa pa si Lucy na para bang isang malaking biro ang sinabi ko.
Bago kami umuwi ay nilibre ko muna si Lucy as a thank you. But in reality I want to ease my mind from overthinking. Kaya ba hindi pinapansin ni Garren si Candice kasi wala talaga silang relasyon? Eh bakit parang payag na payag naman siyang malandi?
May pahawak hawak at haplos pang nalalaman.
Nakakatawa! Wala naman palang karapatan pero kung makabakod wagas, if only she knows who am I to that man’s life before.
“Alam mo hindi na ako magtataka kung bakit ganon umasta si Candice.”
We are in a milk tea shop halos mauubos na ni Lucy ang sa kanya samantalang hindi pa ako nangangalahati dahil sa pag-ooverthink.
“Bakit naman?” I asked as I sip on my milk tea.
Hindi muna sumagot si Lucy but she eyed me from head to toe.
“Eh ang ganda mo kasi! Kanina nga pinagtitinginan ka din nung ibang mga lalaki kanina sinasamaan ko lang ng tingin. Kahit nga iyong si Garren panay din ang tingin sayo. Baka naakit sa alindog mo?” tatawa-tawang pahayag ni Lucy.
Muntik na akong masamid sa sinabi niya. I look at her in pure disbelief.
“Ano bang pinagsasasabi mo? Kilabutan ka nga, that man is a jerk. I know him kaya maniwala ka saakin.”
“Paanong jerk akala ko ba hindi kayo close?”
Oo nga naman, bakit ko ba sasabihin na hindi kami close tapos may mga ganito akong biglang sasabihin. Napaghahalatan na nagsisinungaling ako.
“I-i just know besides m-maraming lalaki na ganyan sa Manila.”
That was close. Lucy did not look convinced pero hindi ko na lang binigyang pansin pa. Masyado lang siguro talaga akong paranoid.
“Ah basta malakas ang kutob ko na may gusto sayo si Garren.”
Umiling ako dahil hindi ko na talaga kinakaya ang mga sinasabi ni Lucy. What makes her think that Garren feels that for me? Impossible.
Wala yatang balak matapos si Lucy sa pang-aasar saakin ultimo kahit nakasakay na ng tricycle para umuwi tinatawanan niya pa din ako. Pasalamat siya at hindi ako napipikon.
Ala-una nang makauwi kami ni Lucy, dumeretso siya sa kanila dahil kailangan niya pang dalhin ang mga pinamili samantalang ako naman ay sa bahay lang din.
My mother is still working kahit pa nandito na sa probinsya kaya I wasn’t expecting to see her in the entrance, nakapameywang habang nakatingin saakin.
“Saan ka nagpunta, hindi ka man lang nag-paalam,” panimula niya.
Nagtanggal pa muna ako ng sapatos, nakakapagod din naman kahit magkwentuhan lang kami ni Lucy.
“Sumama ako kay Lucy, she said she will go to market kaya sumama ako para may bilhin.”
Akala ko pagsasabihan at sesermonan niya ako pero nung narinig niya ang pangalan ni Lucy she seems to relax. Teka so if it's just me magagalit siya kasi wala siyang tiwala saakin? Medyo nakaramdam ako ng inis but I’ve calmed myself because I had an agenda to plan.
I can’t afford to have another argument with her lalo pa’t sa kanya nakasalalay ang pag-alis ko dito.
“Kumain ka na? May pagkain sa kusina,” she said and left.
Huminga ako ng malalim at pumasok na sa loob ng bahay dala dala ang mga pinamili ko.
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng kwarto kinuha ko kaagad ang laptop. May wifi naman kaya kaagad akong nagconnect.
It might be impossible to search for that girl but I still want to try.
It took me 30 minutes to find the mystery girl which turns out to be Candice Lyn Marquez. Based on her pictures in i********: she’s also living a luxurious life. Ang dami kong nakikitang branded na bags and clothes na mukhang literal na mamahalin.
Wala akong nakikitang interesante sa feed niya except to a blurred picture she just recently posted. Kung titignan sa unang pagkakataon it is not something interesting to look at but when you are familiar with the person she posted you’ll know.
Blurred na picture pero alam ko na kung sino.
Sa dami ng pwedeng makita ‘yon pa talaga.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit pati comments binasa ko pa. Majority of the comments are asking who’s the lucky man while others are sort of congratulating her.
Para blurred picture congratulations agad? Humor me.
I close my laptop dahil nag iinit lang ang ulo ko.
Why would I care about those two anyway? Hindi iyon ang dapat kong iniisip kundi ang plano para mapapayag si Mommy na umalis ako dito at bumalik sa Manila.
That's the goal and I should focus on it.
Kinabukasan napagdesisyunan kong lumabas. Mababaliw yata ako kapag nanatili lang ako sa kwarto maybe I’ll get inspired with my surroundings.
“Kali, bakit nandito ka sa bukid?” Nilapitan ako ni Lola ng makita ako sa di kalayuan.
She’s busy feeding the ducks and chickens. I smiled when she finally got near me. Natutuwa ako kasi I can see that she’s enjoying what she’s doing.
Lola looks just like my mother. Pero hindi naman nakuha ni Mama iyong malabot na ekspresyon ni Lola. My mother is feisty and she’s the type of a person that never backs down in an argument.
Both of my grandparents are nice kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako dinadala ni Mama dito kahit minsan.
As I watch the people here I can see the contentment and happiness to what they were doing. Something that I want after I graduate that I want to pursue. Na hindi ko lang gagawin kasi kailangan at wala akong choice. A passion that will keep me going and will make my life more meaningful.
Nagmano ako kay Lola.
“May pupuntahan ka ba? May kailangan ka?” she said in her gentle and soothing voice.
“Hindi po, wala po kasi akong magawa sa bahay kaya lumabas muna ako.”
Lola doesn't know what to say and I understand since hindi niya naman din alam kung anong mga ginagawa ko sa buhay. But I appreciate that she’s considering things.
“Pwede po ba akong tumulong?” I suggested. Curious talaga ako sa kung papaano nila ginagawa ang mga trabaho sa bukid. Kung titignan mukhang simple lang pero natitiyak ko na mahirap ang mga iyon.
“Sige apo, kung gusto ikaw na ang magtuloy nitong pagpapakain ko ng mga bibe,” she said while smiling.
I happily accept the container na naglalaman ng pagkain para sa mga bibe. Tinuruan muna ako ni Lola kung anong gagawin bago ako hinayaang mag-isa.
Nung una medyo nahirapan ako dahil natatakot ako sa mga bibe pero kalaunan ay nasanay na din ako. It was actually fun.
“Mang Jose, Manang Lisa magandang umaga ho.”
Not until I heard that familiar voice. Bakit ba palagi na lang sumusulpot ang taong ito?
Nakatalikod ako kina Lola kunwari hindi ko sila naririnig and I’m just busying myself with feeding the ducks.
“Anong sadya mo hijo?” tanong ni Lola.
“Kailangan niyo raw ho ng tulong?”
“Ah oo sana may mga ani kasi ng mangga na kailangan ilagay sa truck pero ayos na, salamat pa din sa pagpunta.”
Tumutulong siya sa mga Lola ko? Kaya naman pala paborito but the thing is why would he do that? Hindi sa dapat ay hindi since tumutulong naman siya. And the way I see it parang hindi ito ang unang beses na ginagawa niya ang bagay na ito.
Did he know that I’m acquainted with them since the first time he moved here? Or maybe just like me he was also clueless.
“May bago kayong tauhan?” tanong ni Garren
I stiffened when he spoke suddenly. Teka ako ba iyong tinutukoy niya?
“Ha? Wala hijo bakit?”
Hindi ko narinig na sumagot si Garren but I really wish na sana umalis na siya ng tuluyan. Bakit kasi kahit saan ako pumunta nandon din siya? Our last encounter is embarrassing for me, I don’t want him to misunderstand me and think that I’m still affected kaya nag walk out ako.
“Wala ho, akala ko may baguhan mukha ho kasing hindi sanay sa gawain. Uuna na ho ako.”
Ako ba ‘yong pinariringgan niya?