Chapter 1

1607 Words
CHAPTER 1 Am I really ruining my life? Isa sa mga palaging sinasabi saakin ng mga tao. Kesyo masyado daw akong nagpapadala sa emosyon ko sa pagkawala ni Daddy. Na bakit daw hindi pa ako makapagmove-on. Gusto kong matawa dahil para sa kanila napakadaling sabihin ng mga ganoong klaseng bagay pero ni minsan ba naisip nilang ilagay ang mga sarili nila sa posisyon ko? It was so easy to say such statements but in reality, wala naman talaga silang pakialaman lalo na sa nararamdaman mo. Is it not ok to grieve the way I want? “Kuya makikilagay na lang mga gamit sa van, thank you.” si Mama Abala ang driver namin sa pag-lalagay ng mga gamit na dadalhin sa Batangas. Matapos ang sagutan namin ni Mommy kagabi ay hindi na kami nagpansinan pa. More so hindi ko na siya pinansin. Ganoon naman palagi, mag-tatalo kami at hindi magpapansinan pagkatapos. Ang kaibahan nga lang Mommy would always yield first. Ako? I never yield, ever. I admit, what I’m doing is wrong at baka nga sumosobra na ako, but my point is she should have asked for my opinion first. Because the way I see it, parang sinasabi niya lang na naiintindihan niya ako para lang matapos ang usapan. But in reality, she never cares. Through the years, Dad has always been my confidante. Siya lang ang nakakaintindi saakin. Ngayon na wala na siya, I have no one by my side. I feel so alone. When Dad passed away, my relationship with my mother drifted away. At ngayon naman balak niya akong ipatapon sa probinsya niya na kahit kailan ay hindi ko pa napuntahan. What a wonderful way to punish me. See, it is not me who's ruining our relationship, it was all on her! “Paki-ayos na lang ng pagkakasara ng mga pinto at bintana, Manang.” “Kailangan niyo pa ba talagang umalis?” sabi ni Manang. May katandaan na ito pero malakas pa rin. She looks so sad I want to hug her tight. Kung sana kaya ko siyang i-comfort kagaya ng palagi niyang ginagawa sa akin. She held my mother’s hands and I tried to look away. Seeing her like this hurts a lot. She’s worked for our family since I was a child. Bukod kay Dad siya lang ang palagi kong nakakasama. Growing up, Mommy always kept herself busy from work. I was ok with that dahil nandiyan naman si Dad at Manang para samahan ako. I can’t believe na dadating ang araw na parehas silang mawawala saakin. My mother heaves a heavy sigh as she tries to comfort Manang. Pinahid ko ang luha sa aking pisngi. “Sorry manang pero ito na lang kasi ang naiisip kong paraan. Hindi naman kami magtatagal doon. I just want to keep Kali away from her bad habits.” My clench fist when she said those words. Ako lang ba ang problema? “Kung ganoon ay mag-iingat kayo,” sabi ni Manang at bumuntong hininga ng malalim. We travel for at least 3 hours. I keep myself busy by reading a book that my father gave to me. Alam kong gusto na akong kausapin ni Mom pero hindi ko binibigyan ng pagkakataon. I was so angry at what she did. Tingin niya ba na kaya akong ayusin ng paglipat namin ng ibang lugar? Or maybe she’s just using me as an excuse para makauwi sa kanila. As far as I remember matagal ng walang komunikasyon si Mom sa family niya. My phone suddenly beeped so I had to check it and abandon my train of thoughts. It turns out na si Dylan pala iyon. And then it hit me, hindi ko nga pala nasabi sa kanya ang biglaang plano ni Mommy. Baka pinuntahan ako noon sa bahay. I can already imagine the shock and disbelief painted on his face. Nag-text ako at inoff ang phone pagkatapos. Alam kong tatawag siya kaya inunahan ko na. Wala ako sa mood magpaliwanag dahil naiinis pa rin ako sa mga nangyayari. “You know that I’m doing this for your sake right?” panimula ni Mommy. Narinig ko naman ang sinabi ni Mommy but I pretend I didn’t at mas pinili na ituon ang atensyon sa view na nakikita ko sa labas. I wasn't ready to talk about what just happened. Masama pa din talaga ang loob ko sa nangyari. If she thinks that a simple explanation like this can make me change my mind, then I’m sorry to say it will not. Mas lalo lang niyang pinalalala ang galit ko sa kanya. “You know what, fine I’ll let you go this time pero pag nasa bahay na tayo I’ll talk to you again.” Mom hugged me sideways and kissed my head. She’s at it again. Naiinis ako lalo kapag ganito si Mommy, she’s really good at pretending na magiging maayos ang lahat. Nakakatawa kasi problem solver siya sa company nila pero pagdating sa pamilya hindi. Batangas… Can’t wait to ruin my life in a different unfamiliar place. Ang awkward. Pagkalabas na pagkalabas pa lang namin ng sasakyan may mga nakahilera na kaagad para sumalubong saamin. I think some neighbors were also here. Ganito ba talaga dito kapag may bagong dating? Anyway, hindi gaano karami ang mga gamit na dala ko dahil hindi ko naman planong mabulok rito sa probinsya. Gagawa ako ng paraan para makaalis dito as soon as possible. Sa ngayon makikisama at makikipagplastikan muna ako. “D’yos ko, kayo na ba iyan Karina? Ang laki-laki na ng anak mo,” sabi ng isa yata naming kamag-anak. Lumapit ito kay Mommy at tumulong sa pagpasok ng mga gamit namin sa loob ng bahay. “Si Karina? Anak ni Aling Kristina? Hindi ba at sa Maynila naman iyan nakatira, bakit kaya biglang umuwi?” “Naku, ay ewan ko rin ba ga. Ay ako nga rin ay nabigla.” “Akala ko pa naman nakalimot na, mukhang alam pa rin naman pala ang lumingon sa pinanggalingan.” It was far from my expectation na ganito ang sasalubong saamin, mga tsismis at pasaring. I’m still angry with my Mom but I can’t help myself but to check on her. Wala akong ideya na ganito pala ang tingin sa kanya ng mga tao rito. Iyon kaya ang dahilan kung bakit hindi kami pumupunta rito? Did something bad happen to her? Mom is not the type of person na nagsheshare ng buhay niya. Wala siyang pakialam sa kahit anong sabihin sa kanya ng mga tao bagay na mukhang namana ko pa yata. My Mom smiled at me ng makalapit siya saakin. Hindi nakalagpas sa mapang-usisa kong mga mata ang pagkailang at discomfort. She must have heard their gossip. Balak kuhanin ni Mommy ang bag ko pero iniiwas ko iyon. “Ako na po,” I said bago siya iniwan doon at nagtungo sa nakabukas na gate ‘di kalayuan. Iyon na yata ang bahay nina Lola. Sa pictures ko lang nakikita ang bahay nila rito but seeing it personally amazes me. Nakakapanibago na napapaligiran ako ng mga puno at iilang mga alagang hayop. May maliit na garden din sa ‘di kalayuan. Maganda rito kaya lang hindi ako nababagay dito. Papasok na sana ako sa bahay pero may nakaagaw ng atensyon ko. Hindi lang ito basta bagay kundi tao. Sa ‘di kalayuan ay may natatanaw ako isang lalaki na abala sa pagkuha ng mga damo. There’s a huge empty land sa gilid ng bahay nina Lola at may mga nagtataasang damo rito. Nilalagay niya ang mga nakuhang damo sa dalang malaking basket na hindi ko alam ang tawag. He was so far away from my position at dahil medyo malabo rin ang mata ko I had to squint and get closer. Why do I feel like I’ve seen him before? Hindi ko masyadong makita ang mukha niya pero iyong katawan niya parang pamilyar. Hindi ako namboboso ng lalaki ah! I know how to appreciate din naman pero, that's too much. And besides hindi ko pa nakikita iyong lalaking willing magpaboso saakin. I really have to stop thinking corny jokes, nakakakilabot. Unfortunately, ang aking pagbabalak na alamin kung sino ang lalaki ang siyang nagdala saakin sa kapahamakan. Hindi ko napansin na may butas pala sa harapan ko kaya aksidente akong napatapak doon. Nagshoot sa butas ang paa ko dahilan para muntik na ako matumba. I squealed in shock, thank goodness at nagawa kong ibalanse ang sarili kaya hindi ako tuluyang natumba. What’s worse is that the guy I’ve been eyeing before was now looking at me. No, let me rephrase it, naglalakad na siya palapit saakin! What the? I tried to get away from him, but my foot got stuck. I was already panicking at dahil doon mas lalo akong hindi makaalis. Bakit siya lalapit? Papagalitan niya ba ako dahil tinitignan ko siya ng patago? Pero hindi ko naman sinasadya na napatingin ako sa kanya! “So stupid, come on Kali think!” Never in my wildest dream na naisip o pinangarap kong mapahiya ng ganito. Mukha akong stalker na nabuko bigla at ngayon na wala na akong kawala hindi na ako makakatakas pa. Natigil ako sa pagpumiglas when suddenly, strong hands held my waist and effortlessly lifted me. Eyes wide with shock, tumingin ako sa lalaki na gumawa noon. “Huh, akala ko namamalikmata lang ako. Guess we meet again, Kalila,” he said while smirking. Dahil wala akong glasses at contacts I was having a hard time thinking who this man is. Feeling close kaya baka kilala ko. Then it hit me when I realized the owner of the damn voice. “Garren,” I almost whispered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD