Simula
Simula
Nakatingala ako sa langit habang pinagmamasdan ang napakagandang mga ibong lumilipad sa himpapawid. Sumasabay sa eroplanong sinasakyan ko. Sa bawat hampas ng kanilang pakpak ay mas lalo silang inaangat paitaas nito. Napangiti ako ng malungkot. Napangiti sa alaalang mahirap balikan at mahirap pangarapin pa.
Naramdaman ko ang luha sa pisnge ng pumatak ito ng hindi ko inaasahan. Ano ba naman ito, ilang taon na ang nakalipas nandito parin ako sa alaala niya. Ilang taon na ang nagdaan, nakakulong parin ako sa alaala niya. Bakit ang hirap makalimot? Bakit ang hirap tanggapin ang katotohanan? Kasalanan ko naman diba? Kasalanan ko naman kung bakit nawala siya sa akin? Pero bakit pakiramdam ko, malaking panghihinayang ang nawala sa akin.
I closed my eyes. Lumunok ako ng malalim at bumalik ulit sa pagtitingin sa labas ng bintana. Ilang oras nalang at lalapag na ang eroplano sa airport kaya dapat maayos ako at hindi nila makita ang namumugto kong mata. I smiled sadly.
Life is a choice. Yes, I truly believe that. Bakit? Kung hindi mo pipiliing mabuhay, hihinga ka ba? Makakaramdam ka ba ng saya at lungkot? Makikita mo ba ang mundo? Kaya malaki ang paniniwala ko dyan. Everything in this world is a choice. Kung hindi man ikaw ang pumili, ang diyos iyon. Kaya kahit anong pilit ipa-intindi sa akin ni mama, palagi akong dinadala ng maraming katanungan sa isip.
I always look for the bright side of life. I always wish that my life would be very wonderful and adventurous. Not until I met this man. I met the most complicated man I've known. Yes indeed, he is a tactless brat. Spoiled and pampered by a parents. Bulleyer and he loves bullying me. A thief of kiss and touch. A man with pure of obsession and possession. Everything that I want in my life change fastly. Sa isang iglap, para akong bumagsak mula sa langit papunta sa lupa.
Sobrang sakit ng pagbagsak ko katulad ng pagkawala ng kayamanan namin. Paano at kung bakit? My father is a great engineer and my mother is a great business woman. We are one of the best construction venture in the country and supplier of steel and cement in the construction world. I have been exposed of our wealth. I have been allowed to access my father's money and buys things that I don't use. I have been spoiled by my mother…but in one day, in the middle of our progress...our business collapse. My father richness lost, and my mother business bankrupt. Bumagsak kami sa lupa at hindi na muli nakaahon pa.
Kaya nahirapan akong magpatuloy ng pag-aaral hangga't highschool. Diba, ang dating mayaman at abot kamay na mga mamahaling bagay ay nawala ng parang bula. Ang dating marangya at kilos donya ay nawala at napalitan ng isang napaka simpleng babae. And I see it, I clearly see the girl who change the life fastly. Parang kahapon lang, hindi ganito ang suot kong damit pero ngayon malaking pagpapasalamat ko pa sa diyos dahil may nasusuot pa ako. My father die because of problems and poorness. Hindi naka survive at iniwan kami. My mother lost herself kaya iniwan din ako at sumama kay papa sa kabilang buhay. Naiwan akong mag-isa sa kamay ng aking yaya.
Napilitan akong sumama kay Nanay Rosalia sa Manila para doon mag-aral ng college at makapasok sa isang university na pinangarap ko ng husto. Natapos ko ang highschool at senior high sa probinsya namin at ngayon, sa harap ng syudad, sa malalaking building at sa napakaraming tao, makikipag sapalaran ako. I enroll myself in one of the prestigious university in town. Nakapasa at tumulong kay nanay na maglako sa mga bine-benta niyang meryenda. Yes, I become a poor. Kaya sobra akong nahirapan mag adjust lalo pat wala akong kaalam-alam sa paghahanap ng pera. My parents didn't let me know about this and it's very hard. Ang hirap mabuhay!
Iyon ang inisip ko sa loob ng ilang taon na pag-aaral sa prestihiyosong university. Gamit ang sariling pera na galing mula sa bahay na binenta, nagamit ko yun sa pag-aaral at ang nakukuhang pera sa paglalako ay binibigay kay Nanay Rosalia para sa araw-araw na gastusin. Halos hindi ako kumain para lang makatipid at matapos ang pag-aaral. Tinapay at kape ang lakas at sandata ko sa kolehiyo pero sobrang saya ang naging bunga ng matapos ko ang pag-aaral at mabigyan ng opportunity sa ibang bansa para sa master of degree. Sobra akong masaya sa araw na iyon pero biglang bumagsak ang naramdamang saya ng maalala ang lalaking pinakamamahal ko.
Iiwan ko siya at tatanggapin ang inaalok na scholar? Iiwan ko siya kapalit ng masteral degree ko? Kailangan ba talaga ako pumili? Kailangan ba talaga ako maipit sa dalawang importante sa buhay ko? Sino ang pipiliin ko? At ano ang mangyayari sa akin kapag pinili ko itong desisyon?
Kaya ngayon sa paglapag ng eroplano sa airport, napahinga ako ng malalim at ngumiti sa sarili. Tatlong taon ang tinagal ko bago makauwi ngayon at makita muli ang bansang iniwan ko. Tatlong taon kapalit ng pagiging successful ko sa buhay. Napangiti ako ng makita ang natitirang pamilya sa akin. Bagama't hindi ko sila kadugo pero ramdam ko ang pag-aalaga at pagmamahal nila sa akin. Bitbit ang maleta, masaya akong lumabas ng arrival area at hinarap si Nanay Rosalia at Tatay Rogenio at ang kanilang nag-iisang anak na lalaki, nagulat sila at tuwang-tuwa ng makita ako. I hugged them tightly.
"Na-miss ko kayo sobra. Kumusta na Tay at Nanay?" Maluha-luha kong tanong.
Ngumiti si Nanay Rosalia at tumingin sa akin ng sobrang saya.
"Maayos na maayos kami anak. Itong si Carlo ay nakapagtapos na ng highschool." Sabi niya.
Napatingin ako kay Carlo. Para ko na siyang bunsong kapatid. Ngumiti siya sa akin at yinakap ako. Nagulat ako sa laki at taas niya. Dati hanggang dibdib niya lang ako pero ngayon halos niya malagpasan ang taas ko.
"Uyy congrats ah!" Sabi ko.
Ngumisi siya at tumango.
"Salamat ate!" Magalang niyang sabi.
Nagkamustahan pa kami ng ilang beses bago ako matahimik ng marinig ang isang sobrang pamilyar na boses. Napalinga-linga ako kung saan nanggaling iyon pero wala akong makita. Sino nga ba ang tinutukoy ko? At bakit ko naman siya iisipin? Imposibleng salubungin ako nun e halos magmakaawa yun nung umalis ako. Malamang sa malamang, kinamumuhian ako ng lalaking iyon. I sighed heavily.
Binalewala ko nalang iyon at piniling umalis nalang ngunit sa pagharap ko mula sa entrance ng airport, nakatayo siya at suot-suot ang isang formal attire. May salamin sa mata at may isang mapaglarong ngisi sa labi. Natuod at natigilan ako sa paglalakad kaya nagtaka si Nanay Rosalia sa akin.
"Anong nangyari sayo anak?" Tanong niya.
Huminga ako at umiling sa kanya. Hindi ko natanggal ang pagtitig sa lalaking sobrang nagbago. Ang lalaking iniwan ko para sa napakalaking oportunidad. Ang lalaking binitawan ko para sa pansariling kapakanan. Ngumiti ako habang pinagmamasdan siya. Ang layo na rin siguro ng narating niya. Sa kilos at itsura niya ngayon, hindi nalang siya isang ordinaryong tao sa bansang ito.
Hindi ko alam kung sa akin ba siya nakatitig o hindi. Natatakpan kasi ng salamin ang mata niya. Kaya imbes na tumunganga at maghintay ng himala, nabuhayan akong naglakad papunta sa direksyon niya. May ngiti pa sa labi habang palapit ngunit bigla nalang akong napahinto at nawindang ng may isang napakagandang babaeng lumapit sa kanya at hinalakan siya sa labi. Sa mismong labi niya, sa labing paborito kong haplusin at tikman. Sa labing pinangulilaan ko ng ilang taon. Hindi matanggal ang pagkakagulat ko sa nakikita lalo pat tumagal ang halikan nila ng ilang segundo. Namuo ang luha, at pumatak na parang isang gripo.
Nang magbitaw ang labi nila, ngumiti ang lalaking mahal ko hanggang ngayon ng ubod ng tamis sa babae. Hindi matawaran ang sakit at pighati sa puso ko habang nakikita ang kasiyahan sa mata niya habang nakatitig sa babae. Para akong nawala sa sarili at gumuho ang mundo. Lahat ng ginawa ko sa buhay ay parang isang oras na nawala. Ang tanong ko, nagkamali ba ako sa pinili?
Hindi na ako makakilos ng yakapin ng braso niya ang baywang ng babae at maingat na umalis sa harap ko. Nanginginig ang tuhod ko sa sobrang gulat at panghihinayang. Diba ito ang pinili ko? Diba ito ang sinakripisyo ko? Diba ito ang binitawan ko? At diba ito ang sinugal ko? Bakit parang ngayon nagsisisi ako. Bakit parang ngayon nanghinayang ako ng sobra sa kanya? Bakit ko siya binitawan?
Diba magaling ako sa pagpipili, bakit mali ang napili ko? Bakit sa tingin ko, isang malaking kawalan sa buhay ko ang nawala? Ganito naman ang buhay diba, pili lang ng pili. And it's my biggest lost. My biggest devastation.
I try to comfort myself after that scenario happened last day. I try to compose myself again and back to what I have choose before. My dream. Pero nawala nga talaga sa aking pag-iisip ang mga pinili ko noon simula ng makita ko siya kahapon. Simula ng makita ko ang ngiti niya sa babae, ang porma niya, ang mukha niya, ang pagiging maaliwalas niya. At isa lang ang pumasok sa isip ko, he has already move on.
At mas lalo pang naging totoo ng malaman ko mula sa internet na fiancee na niya pala ang babaeng sinundo kahapon. Na mapapangasawa na niya pala. Mugto na mugto ang mata ko sa sobrang pag-iyak at panghihinayang sa lalaking sinayang ko. Halos hindi ako makatulog ng ilang araw habang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang statement niya.
"I loved her and she's my life now."
It breaks my heart again. Kahit tatlong taon na ang nakalipas, parang bumalik lang ako sa unang araw ko ng umalis ako at pinili ang oportunidad. Para akong nawalan ng lakas at pag-iisip dahil sinabi niya. I feel so empty. After for one deadliest week pass, nagsimula akong maghanap ng trabaho para sa natapos ko. Nagsimula akong mag-apply sa iba't-ibang company pero walang may tumanggap sa akin. Sa sobrang pagod dahil sa paghahanap ng trabaho, natigilan ako ng makita ang isang malaking billboard sa harap ng inuupuan kong building. Pawis na pawis ang mukha ko habang pinagmamasdan ang lalaking imposible ko nang mahawakan at maabot.
Nasa akin na noon e. Pinakawalan ko pa. Kaya ngayon magsisi ka habang buhay. Napatitig pa ako sa malaki niyang larawan, nakasuot siya ng american suit at attache case sa kamay niya. Sobrang seryoso ng mukha niya at ang appeal niya ay sobrang nakakakuha ng atensyon. Ngumiti ako ng malungkot bago binasa ang nasa billboard.
Attorney. Karlmart Jarden Heinrich Lagunzad, the young and the most best attorney in town.
Tumulo ang luha ko sa sobrang saya dahil sa narating niya. Sabay sa pagpatak ng luha ay ang sobrang panghihinayang sa lahat. Paano kaya kung siya ang pinili ko, anong mangyayari sa amin?
Umiling nalang ako at ngumiti ng malungkot sa lalaking naiwan at binitawan ko. May kasalanan ako pero habang buhay kong pasasalamatan ang nangyari sa amin. Ang pagkakataon na ibinigay ng panahon at ang ibinigay nito sa amin. Tumayo muli ako at nagpatuloy sa paghahanap ng trabaho. Saan ba ako makakahanap ng trabaho na pasado sa natapos ko? Bakit tila hindi ako pinagbibigyan ng panahon ngayon? I already apply to the best bank company here. Nag apply din ako sa Bangko Sentral ng Pilipinas pero fully employee din sila.
Damn it, I graduated Bachelor of Science in Accountancy and take my Master of Accountancy in University of Warwick, England. Iniwan ko ang lalaking pinakamamahal ko para lang maabot iyon pero bakit ngayon wala akong mapasukan na trabaho? Bakit tinatanggihan ako ng bansa? Ano bang nangyayari ngayon?
Huminga ulit ako ng malalim pagkatapos ng dalawang bank company na in-applayan ko. Nawawalan na ako ng pag-asa. Tumayo ulit ako mula sa gilid ng puno at napatingin sa Napakatayog na gusali. Isang sikat na banko iyon kaya nabuhayan ulit ako. Huling pag-asa ko nalang ito. Ngumiti ako sa guard ng tumapat ako sa glass door nito. I sighed hard.
"Hello po kuya. Mag-a-apply po sana ako, may slot pa po ba?" Umaasa kong tanong.
Umiling ang guard at malungkot na ngumiti sa akin. Sa reaction palang iyon nawala na ang kaisa-isahang pag-asa ko.
"Sorry miss pero naunahan ka na. Hindi na kami tumatanggap e." Sagot nito.
Napapikit ako at huminga ng malalim. No choice kung 'di umuwi nalang muna ngayon at mag-isip ng tamang gawin. Baka bukas makahanap na ako. Umuwi nalang ako at malungkot na humarap kay Nanay Rosalia. She hug me.
"Okay lang. Baka hindi lang sayo ang araw na ito." Mahinahon niyang sabi.
Tumango ako at pumasok na sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at pumikit para matulog. Sa pagpikit ng mata ko, biglang tumunog ang cellphone ko kaya napabangon ulit ako. Kinuha ko ang cellphone at binasa ang mensahe. It was from four digit.
I read it.
Text:
Good afternoon. Tomorrow is your interview for the position as the secretary. Please, be on time and visit this place for the interview, Lagunzad Firm.
Nangunot ang noo ko. Teka, wala naman akong natatandaan na nag-apply ako bilang secretary ah! Bakit may nag text sa akin na ganito? Sino ba ito? Scammer? At ka-apelyido pa niya ang meeting place para sa interview ah. Baka niloloko lang ako nito.
Kaya nang matapos ang gabi at pumutok ang araw, gumising ako ng magaan ang loob. Naligo at kumain ng almusal. Umalis ulit ako para magpatuloy sa paghahanap ng trabaho. Pagkatapos ng dalawang oras na paglilibot sa ka-Maynilahan naubos na naman ang pag-asa ko. Grabe panginoon, ano ba itong nangyayari sa kapalaran ko? Bakit walang may tumatanggap sa akin? Sa sobrang frustration, napaluha ako sa gitna ng isang park. Huminga ako ng malalim at tinignan ang message sa akin kahapon. Wala akong ibang choice at kahit hindi ko alam kung totoo iyon, susubukan ko.
Nakakapagtaka lang kasi hindi naman ako nagpasa ng resume ko sa firm na iyon e. Paano ako nagkaroon ng files doon? Imposible talaga. Kaya kahit walang kasiguraduhan sa alok ng texter, pumunta ako para masubukan. Huminga ako ng malalim habang nasa harap ng isang parang bahay na firm. Malaki naman siya at two storey house kaya hindi ka maniniwala na isang firm ito. Hindi na ako nag-aksaya pang mag-ayos ng sarili kahit alam kong sobrang dungis ko na. Niligay ko lang ang takas na buhok sa tainga matapang na kumatok sa pinto. I nipped my lips tightly.
Kumatok ako ng kumatok kahit pa hindi ako sigurado kung may tao. Ilang sandaling katok pa at tinigil ko na. Wala atang tao. Tumalikod nalang ako at inamin sa sarili na isa yatang scam iyon. Sa firm pa ngalang hindi na kapani-paniwala. Nagsayang lang ako ng oras dito. Humakbang ako paalis ngunit napatigil ulit sa kalagitnaan ng hakbang ko. Isang boses na sobrang lamig ang nagsalita sa likod ko sanhi ng pagkakatigil ko sa paglalakad. Tahip-tahip na kaba ang naramdaman ko ng marinig iyon at kahit hindi pa ako nakaharap, kilalang kilala ko ang may-ari ng boses na iyon.
"I believe you knock many times in my door. Are you looking for something?" A voice with so much coldness.
Napapikit ako lalo pat ng naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko. Oo, ramdam na ramdam ko na ang mainit na katawan sa likod ko at sigurado akong malapit siya sa akin. Nagsilabasan ang pawis sa noo ko at napalunok ng sobrang lalim. Huminga ako ng sobrang lalim at napapikit na nanalangin sa itaas na isang panaginip lang ito.
"A-hh a-ano hmm nagkamali lang ata a-ako." Nauutal kong sabi.
Narinig ko ang mapaglarong halakhak sa likod ko. Mas lalo akong kinabahan.
"Look, walang nagkakamali sa akin. At mas lalong walang nagkakamali sa pagpunta sa bahay ko." Mahinahon niyang sabi.
Umiling ako at nakatalikod parin.
"Baka talaga may kailangan ka sa akin. Wanna come inside and talk it?" He said devilishly.
Umiling ulit ako at huminga ng malalim. Napilitan na akong humarap na sana hindi ko nalang ginawa dahil naka balandra sa aking mga mata isang namamawis na dibdib. Bumaba ang naghahabulan na pawis pababa sa tiyan niya na nagdulot ng sobra panunubig ng bagang ko. s**t, that absess with sweat. Basang basa ng pawis ang kanyang katawan pati ang buhok na nakalinya pababa sa tinatago niyang ahas ay basang basa. Napalunok ako ng sobra-sobra habang hindi matanggal ang mata ko sa katawan ng isang lalaking hindi pa ako sigurado kung sino. Nakasuot lang siya ng tiwalyang puti, siguro ay galing sa banyo.
I heard his chuckled as I surveyed his body flexible hot. Napakagat ako sa labi at napilitang alisin ang paningin doon. Inangat ko ang mata sa mukha ng lalaki at hindi na ako nakapagsalita ng makita ko ang ngisi niya. Ang mata niya, ang ilong niya, ang labi niya at ang panga niya. Maging ang kilay niya, naubusan ako ng hangin sa katawan ng mas lalo siyang ngumisi. Nanlalaki ang mata ng umatras ako ngunit napatigil ulit ng maramdaman ko bakal na rehas sa akin baywang. Umiling iling ako at pumikit sa sobrang gulat.
"May kailangan ka nga talaga sa akin. Pag-usapan natin yan sa loob ng kwarto ko." Malagkit niyang bulong.
Umiling iling ako at nagpumiglas dahil natakot ako sa sinabi niya. Ngumisi lang siya at hinila ako papasok ng bahay niya.
"H-hindi teka nagkamali lang ako." Nauutal kong sabi.
Ngumisi lang siya at mas lalong natuwa ng makapasok kami sa bahay niya. Nagulat ako ng itulak niya ako sa sofa kaya doon ako bumagsak at naramdaman ang malambot na sofa. Napatingin ako sa kanya ng nakangisi niyang i-lock ang pinto kaya napatayo ako at lumapit sa kanya. Namuo ang luha ko ng makitang naka-lock ang pinto at nasa kanya ang swipe card nito.
"P-pakiusap palabasin mo ako.." Pagmamakaawa ko habang nakatingin sa kanya.
Lumamig ang mata niya at kumuyom ang braso sa sobrang galit na pinipigilan. Hinawakan ko ang doorknob at umaasang mabuksan iyon pero hindi talaga. Kailangan ko ang swipe card na nasa kamay niya.
"Bibigyan kita ng pagkakataon. Magiging secretary kita at dito ka sa bahay ko titira." Malamig niyang sabi.
Natahimik ako. Tumingin ako sa kanya na umiiling.
"Sabi ko na e. Dapat hindi nalang ako naniwala doon e." Umiiyak kong sabi.
Ngumisi siya at lumapit sa akin. Umatras ako at siniksik ang katawan sa pinto. Nang wala na akong maatrasan pa, nilagay niya ang isang braso sa pagitan ko at ang isa sa gilid ng baywang ko. Titig na titig siya sa akin at may ngisi sa mga labi. Namuo ulit ang panibagong luha habang pinagmamasdan ko ang mata niyang sobra kong pinangulilaan. He is still the same, handsome and ruthless.
"Papagbayarin kita sa batas na nilabag mo. Kaya magiging secretary kita at yaya sa bahay ko. Ngayon, kung hindi mo ako susundin kaya kong baliktarin ang buhay mo at ilagay ka sa rehas ng mga bakal." Malamig ang boses niya.
Pumikit ako at tumulo ang luha sa mata. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya sa akin. Kahit pa wala siyang suot pang itaas, namamawis parin ang katawan niya.
Nanginginig ang tuhod ko at kabang-kaba sa ginagawa niya. Humikbi ako dahil sa sobrang panghihinayang.
"A-anong nangyari s-sayo?" Nauutal kong tanong.
Ngumisi siya at pinakita sa akin ang mapaglaro niyang mukha. Ang mukhang minahal at minamahal ko hanggang ngayon. Ang mukha niyang hindi mawala sa alaala ko. Ang mukha niyang hinding hindi ko makalimutan.
"I become like this when you leave and choose that f*****g opportunity. Sayang marami ka pa sanang oportunidad sa akin kung ako ang pinili mo. But then again, kailangan mong pagbayaran ang ginawa mo sa akin. Tapos na ako sa pagmamahal sayo at ang habol ko nalang sayo ay pahirapan yang buhay mo." He said ruthlessly.
Tumango-tango ako kahit tumutulo ang luha ko. Wala na talaga siyang nararamdaman sa akin. Galit at pagkamuhi nalang ang natira kaya gusto niya akong maghirap. Ngumiti ako ng malungkot sa magiging kapalaran ko, papayag ako kung magiging masaya siyang makita akong nahihirapan. Papayag ako para mawala ang sama ng loob niya sa akin. Papayag ako para mawala ang pagkamuhi niya sa akin. Kung iyon ang magiging susi para maging mabuti ang nararamdaman niya, papayag ako.
"K-kailan ako magsisimula?" I ask stutteredly.
Ngumisi siya at nakita ko ang kasiyahan sa mata niya. Ang kasiyahan na makakabawi na siya sa akin. Sa p*******t na ginawa ko, sa pang-iiwan ko sa kanya. Tama na rin ito para makalaya na siya sa sakit na idinulot ko.
"Ngayon na."
And that day is the start of my hell life with him. Yes, because I am jail in the house with the most ruthless man I've ever known. And that day, I gladly accept my fate. To be his secretary and housemaid. To be his slave.