Kabanata 8 Damn naughty Dumating ang weekdays kaya balik klase na naman kami. Halos mahiya ako sa mga classmates ko dahil ako lang ang hindi nakasama sa kanila sa class review na ginawa nila. Mabuti nalang at may mababait akong kaklase na handang tumulong sa akin sa mg ani-review nila. Nung linggo kasi ay natulog lang kami ni Karlmart buong hapon. Gusto niya pa ngang doon nalang matulog sa kwarto ko at tabi daw kami. Buti nalang at napigilan ko. Kahit busy sa mga majors namin, hindi ko naman nakalimutan ang lunch namin na sabay. Hindi ko na kinalimutan iyon kasi alam kong mahalaga sa kanya na sabay kaming kumain. After my last subject before lunch, nagti-text na siya at sinasabing prepared na ang pagkain namin. Buti nalang din at hindi na nagpa-make up class yung ibang mga teacher namin

