Jaydee's POV
"Jaydee, Gumising ka!" Narinig ko ang boses ni Jayem, habang patuloy niya akong inaalog sa higaan. Inaantok pa rin ako at hindi ko man lang mabuksan ang aking mga mata.
"Aweeeeeey?" Reklamo kong nakataas pa ng tono na animo'y nag vo-vocalizalion.
"Nasa TV ka bro!" Siabi niya.
Nararamdaman ko ang bigat niya mula sa aking likuran. Humarap ako sa kanya na nakabukas ng bahagya ang mata.
"Ano naman ang bago do'n? Para namang first time makita sa TV," tinatamad kong tugon sa kanya.
Ako na lead vocalist ng sikat na grupong Peter Pan? Isang sikat na boy group sa Pilipinas at sa international—ano ang bago sa TV?
Tinakpan ko ang mukha ko ng kumot at sinubukang matulog. Pero hindi pa rin siya tumigil.
Argh! Nakakainis na siya. "Ang ibig kong sabihin ay, nasa balita ka. And it's a scandal," Ani niya habang nakasandal pa rin sa likod ko na para bang isa akong walang buhay na unan. Nagulat ako sa sinabi niya at agad na iminulat ang aking mga mata at ganap nang nagising.
"Ano ang sinasabi mong iskandalo?" Tanong ko.
Sa halip na sagutin ako, ay nagbalik-tanong pa ito.
"Anong ginawa mo kagabi ha?" Tanong nitong mapanudyo.
Anong ginawa ko? Hindi ko rin alam, ang naalala ko lang ay…
"Magkakasama tayong lahat sa bar," sabi ko.
"Tapos nawala ka," dagdag ni Jayem. Naghalukipkip siya na para bang kinukwestyon ako.
"Pumunta ako sa washroom," pagpapatuloy ko.
"Pagkatapos?" Sinabi niyang muli at itinaas ang kanyang mga kilay.
“Oh, teka lang ... huwag mong sabihin sa akin naniniwala ka sa kanila?” pagre-react ko pero ipinagpatuloy ko pa rin ang pagpiga sa utak ko at pag-alala sa mga nangyari.
"Nakita ko iyong isang kaibigan ko, pagkatapos ay kinausap niya ako saglit," paliwanag ko ulit.
"Who is that friend?"
"Then ano ang nangyari?" Sunod-sunod na tanong niya.
Nagsawa na ako sa pangungulit niya kaya diretsahan ko na siyang tinanong. "Tungkol saan ba kasi iyang iskandalo?"
Sa wakas, naisip niya nang buksan ang TV.
Ang headline ay, ako ay inaakusahan ng...
panggagahasa?
"Paano nangyari 'to?" tanong ko. Hindi ako makapaniwala, may litrato pa nga sila sa akin sa ibabaw mismo ng isang babae na wala ang pang-itaas kong damit.
Nakakadiri at nakakasuklam! Sa palagay ko ay na-set up ako.
"I swear. Hindi ko maalala na nangyari yun, I promise Kuys," sabi ko kay Jayem.
"Kahit na lasing ako hindi ko magagawa iyon. Kilala mo ako," dagdag ko pa.
"Alam ko. Na-set up ka nga," Sumagot siya na parang nababagabag at nag-aalala. Nakaramdam ako ng gaan ng loob na naniniwala si Jayem sa akin. But with face palm, ano ang gagawin ko sa gulong ito?
Bigla-bigla naman, si Sean—ang pinakabata sa aming members ay pumasok sa loob ng pagtakbo.
"Bro, huwag mong bubuksan social media mo," aniya. Tiningnan ko siya sa pamamagitan ng maliliit kong mata at sinabi sa kanya. "Wala akong Social media."
Napatanga muna siya sandali bago niya napagtanto ang sinabi ko, "Ahhh… good."
Mayamaya pa ay dumating ang iba pang members na sina Kyle, Loey, Dio, Blake at Minx na tumatakbo.
"May mga Pulis sa labas, hinahanap si Jaydee," sabi ni Kyle, habang nagpa-panic.
Lahat sila ay mukhang nag-aalala sa akin.
"Guys, okay lang. Haharap ako sa kanila, bakit ako magtatago? Wala akong kasalanan dito," sabi ko na pilit pinapagaan ang kanilang loob.
"Tama." Pumayag silang lahat. Lumabas ako at sumunod sila sa akin.
Kinausap ko ang pulis na naghihintay sa labas. Nang makaharap ko na sila, nagpakilala agad ako kahit alam kong kilala nila ako dahil sa kasikatan ng aming grupo. "Ako si Jaydee Corpuz, ano ang maipaglilingkod ko?" Sabi ko habang nakangiti sa kanila.
"Gusto ka naming anyayahan sa istasyon ng pulisya para sa paunang pagsisiyasat, ikaw ay inakusahan ng panggahasa sa isang babaeng menor de edad Mr. Corpuz," paliwanag ng Pulis.
Tumango ako at sinunod ko sila ng kusa. Nagbibiyahe kami ngayon patungo sa Police Station. Gayunpaman, wala akong ideya kung ano ang nangyayari.
Bakit ako nasa ganitong sitwasyon, natutulog lang ako ng mahimbing tapos biglang nagising na lang ako na mayroon nang ganitong klaseng balita.
Ngayon ay nakarating na rin kami.
Sa wakas ay nakilala ko ang babaeng nag-aakusa sa akin. Medyo pamilyar nga siya.
Sinusubukan kong alalahanin siya. And luckily, naalala ko siya agad.
"Ikaw iyong babaeng ipinakilala ni Primo."
Si Primo ay aking dating kaklase sa Highschool. Sa pagkakaalala ko, nagkabangga kami pagkalabas ko mula sa wash room. Inimbitahan nila ako sa private KTV room na nirerentahan nila no'ng gabing iyon at nandoon siya, ipinakilala ni Primo bilang pinsan niya.
"Paano mo nasabing ginahasa kita?" Mahinahon kong tanong. Sa halip na sagutin ako, ibinaba nito ang kanyang ulo at nagsimulang umiyak.
"Hey, please stop this. You know I did not rape you. Please," pagsusumamo ko. Sa pagkakataong ito ay medyo naiinis ang boses ko dahil sa palagay ko, sa inaasal niya ay para bang naghahanap siya ng simpatiya sa mga taong nakapaligid sa amin.
"Stop harassing my client!" Sigaw ng boses mula sa kung saan.
Napatingin kaming lahat sa bungad ng istasyon na pinapagsino ang may-ari ng boses.
Ito ay isang babae; isang magandang babae rather. Para siyang isang Anghel na nagmula sa itaas, golden brown at wavy ang kanyang buhok. Parang walang pores ang mukha niya. Matangos ang ilong niya at ang liit ng labi niya.
Medyo matangkad rin at balingkinitan ang katawan.
Napako ang tingin ko sa kanya. Naglalakad siya papunta sa amin na para bang isang ramp model.
"Hello Mr. Jaydee Corpuz," bati nito habang sarkastikong nakangiti.
"Sino ka?" Tanong ko.
"Ako si Atty. Angel Imperial. Ang iyong pinakamalaking bangungot," Sabi naman niya.
"Excuse me?" Galit na putol na sabi ko.
Tumingin siya pabalik at itinaas ang kanyang mukha na para bang nagyayabang.
"Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan!"
"Pasensya ka na pero may hindi tayo pagkakaintindihan dito. Hindi ko siya ginahasa, okay?" Paliwanag ko.
"Narinig ko na ang mga ganoong uri ng alibi ng maraming beses Mr. Corpuz, mas mabuti na i-save mo iyang laway mo para sa paglilitis," sabi niya habang binibigyan ako ng kumpas ng kamay.
"See you in court!" Pagtatapos niya.
Pinagsisisihan ko ngayon na kinamamghaan ko ang hitsura niya, mukhang magaspang ang pag uugali nito.