CHAPTER 3: Ang paghaharap

1045 Words
Angel's POV "Ma'am, gising na po. May naghahanap po sa inyo." Narinig ko ang boses ni Mina habang ginigising niya ako. Bahagya kong minulat ang mga mata ko at tinatamad na tinanong siya. "Sino ba? Hindi ba maintindihan ng gagong iyon na natutulog pa ako?" Inis na sabi ko. "Client maam," sagot naman ni Mina. "Argh." Napakamot ako ng ulo at pilit bumangon sa kabila ng katamaran na nararamdaman ko. Mabigat ang ulo ko, siguro dahil sa alkohol na ininom ko kagabi. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko ang isang babae at isang lalaki na nakaupo sa couch. Tumayo ang lalaki at binati ako. "Good morning." Sa halip na tumugon, maghalukipkip ako. "Ano ba iyon ha? Nakikita mo bang naka pajama pa ako?" Napangiwi ako. "Pasensya na Atty. Nagpunta kami sa law firm, pero wala ka ro'n kaya't sinubukan naming pumunta rito para makita ka." Napatingin ako sa orasan, alas diyes na pala ng umaga, nasa trabaho na nga dapat ako ngayon. Huh! Argh. Ayaw ko pa namang nali-late kahit na isa ako sa may-ari ng Imperial-Jimenez Law firm. "Ano ba ang gusto mong pag-usapan?" tanong ko. "I am Primo Lacsamana at ito ang pinsan kong si Cherry Lacsamana," pakilala ng lalaki sa kanyang sarili at ng dalagitang kasama niya. Napansin kong medyo tahimik ang babae. Ngunit kung gagamitin ko ang kakayahan kong kumilatis ng tao, para siyang isang spoiled brat high school girl. "Nabiktima ba siya ng panggagahasa o ano?" Tanong ko. There is a possibility, palagi kasing ito ang dahilan kung bakit laging lumalapit sa akin ang mga tao. "Yes, magsasampa kami ng reklamo laban kay Jaydee Corpuz, ng Peter pan," sagot ng lalaki. Nagulat ako nang marinig ko ang pangalang iyon. "Jaydee Corpuz?" Paglilinaw ko. Tumamgo naman ito. "Oo. Kagabi, ginahasa niya ang pinsan ko sa bar at nagalit ako sa ginawa niya. Kaibigan ko siya pero pinagtaksilan niya ako." Naalala ko, kagabi nakita talaga namin si Jaydee sa bar, kaya may posibilidad. "May ebidensya ka ba?" Tanong ko ulit. Kinuha ng lalaki ang kanyang cellphone at ini-scan ito. Maya maya pa, ipinakita niya sa akin ang isang larawan ng isang walang shirt na si Jaydee Corpuz sa ibabaw ng dalagitang si Cherry. "Naipakalat na ito sa internet at marahil alam na niya ito," paliwanag ng lalaki. Inikot ko ang mga mata ko at naghalukipkip. "Fine. Summon that guy to the Police station. I will follow you there," sabi ko at dali-dali na silang umalis sa condo ko tulad ng sinabi ko. Inihanda ko ang sarili ko at naligo. Hindi ko lang lubos-maisip na ang taong kumanta ng kantang nagpapakalma sa akin sa pagkabalisa ko ay gagawa ng ganyan. Siya nga. Si Jaydee Corpuz. Nang nakahanda na ako, agad akong pumunta sa istasyon ng pulisya. Sa wakas narating ko ang istasyon sa saktong oras, malapit lang naman ito sa condo ko. Naglalakad ako na para bang nasa isang runway. With my high fashion outfit syempre. Nakita ko ang kliyente ko kasama ang lalaking pinsan niya. At naroon na rin iyong akusado. Parang naiiyak ang dalagita kaya sinigawan ko ang lalaking akusado. "Stop harassing my client!" Napatingin silang lahat sa gawi ng entrance ng istasyon na pinagsisino ang may-ari ng boses. Naglakad ako papunta sa kanila at pagkarating ko, binati ko ang salarin. "Hello Mr. Jaydee Corpuz," bati ko habang nakangiti ng sarkastiko. "Sino ka?" Tanong niya. "Ako si Atty. Angel Imperial, ang pinakamalaking bangungot mo," sabi ko nang may pagmamalaki. "Excuse me?" Sumagot siya ng may galit na iglap. Napatingin ako sa kanya na nakataas-kilay. "Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan!" Sabi ko sa kanya. "Pasensya ka na pero may hindi tayo pagkakaintindihan dito, hindi ko siya ginahasa. Okay?" Paliwanag niya. Sinimulan ng pulisya ang pagsisiyasat at tulad ng inaasahan, mayroon siyang alibi na wala namang kwenta. At tulad ng dati, nakakarindi na ang mga paulit-ulit na mga dahilang ilang beses ko nang narinig. "Narinig ko na ang mga ganoong klase ng alibi ng maraming beses Mr. Corpuz, mas mabuti na i-save mo na lang iyang laway mo para sa pag-uusig," sagot ko habang ikinukumpas ko ang mga kamay. "See you in court!" Pagtatapos ko. I looked so badass right now, pero biglang may epal na sumingit. "Bring it on!" Napatingin kaming lahat sa taong nagmamay-ari ng boses. It was Mia. My younger sister. "Hello Mr. Corpuz, I am Atty. Mia Imperial, your Lawyer," aniya habang inaabot ang kamay sa lalaki. "Salamat sa pagpunta mo rito Atty. Imperial," nakangiting sabi ng lalaki. "Hi Angel, Ikinatutuwa ko na makita ka ulit," bumati rin sa akin si Mia, pero halata namang plastik lang ang pag ngiti niya. Inikutan ko siya ng mga mata at hindi ko siya pinansin. Two-faced biitch! Ang sakit niya sa mata. Humarap siya kay Mr. Corpuz na para bang isang tagapagligtas na santa. "Anyway, Mr. Corpuz, naayos ko na ang piyansa mo, para makauwi ka na sa ngayon at hintayin nalang natin ang paglilitis," Para namang nabunutan ng tinik ang lalaki sa sinabi nito. "Salamat," anito. Samantala, lumingon ako sa kliyente ko at sinabihan ko siya. "Mananalo ako sa kasong 'to." Sabi ko na may malaking kumpiyansa. Tapos na rin ang initial investigation. At naisipan ko na ring umalis. Papunta na sana ako sa sasakyan ko nang makasalubong ko si Mia. Hindi siya umimik at tumayo lang siya sa harap ko. "What?" Naiiritang tanong ko. "Kumusta ka?" Tanong niya habang nakangiti ulit...ng peke! "Ano bang pakialam mo?" Asik na tanong ko. "Sobrang nami-miss ka nila Mommy at Daddy. Sana dalawin mo sila kung may time ka." Ngumuso ako. "Talaga? Huwag kayong masyadong umasa dahil hindi mangyayari iyon." magwa-walk out na sana ako. Pero nagpatuloy pa siya sa pag-rant sa akin. "I just don't get the point why Mom and Dad still loves an ungrateful snake like you," She uttered. Napahinto ako at muling bumaling sa kanya. I smirked at her. "I didn't even ask them to do so. Why not ask them the reason yourself?" Tuluyan na nga akong umalis at hindi ko na siya pinakinggang pa. I also don’t get the point why they are still bugging me. Ang pamilyang umampon sa'kin noon. Ang pamilyang nanakit rin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD