Angel’s POV.
Papunta ako ngayon sa kliyente ko, we will be having a meeting regarding with the second hearing. Alas-diyes na ng umaga pero hindi pa rin dumadating si Mina. Umaakyat na lahat ng dugo ko papunta sa ulo dahil sa inis dahil late na ako kaya napagpasyahan ko nang tawagan siya.
“Hello?” sagot niya sa mahinang tono na wari mo’y hindi nakakain.
“Ma’am, pasensiya na ho, hind ako makakapasok ngayon, masama po kasi ang pakiramdam ko. Hindi po ako makatayo—”
“Punyeta ka, bakit hindi ka nagsabi?” pagpuputol ko sa kanya.
“I’m sorry ma’am, hindi na nga po ako makadilat—”
I cut her off. “Damn it. Get lost!”
I dropped the call, took the keys and went my way to the parking lot. I guess I have to drive myself today. Napakapabaya talaga ng Mina na iyon, nakuha pang magkasakit, alam naman niyang napaka-busy ko lagi.
Pero, habang nagmamaneho ako papunta sa Condo unit ng mga Lacsamana, hindi ko napigilan ang sarili kong daanan muna ang babaeng iyon. Bumili ako ng mga gamot at kaunting pagkain.
Pagkarating ko sa bahay niya ay agad akong kumatok ngunit nang subukan kong pihitin ang door knob ay napag-alaman kong bukas pala ito.
Burara talaga ang babaeng ito, paano kung pasukin siya ng masamang tao rito?
Pagkapasok ko sa bahay niya ay agad akong dumiretso sa kwarto niya at nakita kong nakahiga siya sa kama niya. Totoo ngang may sakit siya dahil kitang-kita sa itsura nia ang pagkatamlay at pamumutla. Humakbang ako palapit sa kaniya at idinampi ko ang mga palad ko sa noo niya. Nakakapaso ang init niya.
Nag-ikot ako ng mga mata at ibinigay ang gamot sa kanya, iinilapag ko rin ang pagkain sa side table niya. “Kainin mo ‘to, hindi ka pwedeng magkasakit ng matagal, busy ako,” saad ko sa kanya at pagkatapos ay tinalikuran ko na siya, nagsimula akong humakbang pero natigil ako nang tinawag niya ako. “Ma’am.”
“Ano?” naiiritang tugon ko sabay lingon ng aking ulo.
“Thank you po,” aniya saka ngumiti, pero walang emosyong napatingin lamang ako sa kanya. “Huwag kang assuming na as if I did it because I care, concerned lang ako sa sarili ko at sa mga transactions ko,” mataray kong sagot saka tuluyan nang umalis.
Narating ko na ang dapat kong pupuntahan, nag-park ako ng sasakyan sa tapat ng café na nasa ground floor ng building ng condo unit ng mga Lacsamana. Napag-usapan namin na hindi na ako tutuloy sa mismong unit nila at dito ko na lamang sila sa café kikitain.
At kapag minamalas ka nga naman, hindi mo aakalaing may makikita kang hindi mo inaasahan, at hindi mo naman hiniling na makita o makasalubong kahit kailan.
Even sharing the same air we breathe is a never for me!
It was Liza Imperial.
My foster mother, the most perfect mother of all. Actually, sa sobrang perfect niya, hindi mo na maabot ng standard niya.
Simula kasi noong aksidenteng namatay ang Amain ko sa mga kamay ko ay ipitatapon ako sa bahay-ampunan. Menor de edad pa raw kasi ako noon kaya hindi pa ako mananagot sa krimeng nagawa ko at napatuanyan din na self defense lang ang nangyari. Simula noon, hindi ko na nakita ang magaling kong ina. Si Liza Imperial at ang asawa niyang si Peter Imperial ang mga umampon sa akin.
Pareho kaming napatigil sa tapt ng isa’t isa, kalaunan ay nginitian niya ako. Pero bakas ang pag-aalinlangan sa mukha niya at tila nag-iiwas din siya ng tingin.
“Can we talk?” She asked. I rolled my eyes, hindi ako nagbitiw maski isang salita, sa halip ay sumenyas akong sa loob ng café na lamang kami mag-usap.
Oh f**k. Why am I even doing this?
“How are you?” simula niyang tanong nang makaupo kami na magkaharap sa table.
Napangisi ako at naghalukipkip saka sumagot. “You see, I’m very fine. I am successful now.” I smiled proudly while showing a bit of sarcasm.
Tumango siya at ngumiti. “I am happy to know that,” tumigil siya saglit at sinubukan niyang hawakan ang kamay ko na kalapag sa table. “Whatever happened in the past, I hope that we will just leave it there and let’s start again, miss ka na namin ng daddy mo,” Aniya.
Natawa ako sa sinabi niya. Start again? For almost eight years? How dare she say that?
“Isn’t that too late for you to say that?” singhal ko.
“We just bumped into each other today and it was by chance, paano kung hindi pala tayo nagkasalubong ngayon? I bet you won’t be able to talk to me about it.” naghalukipkip ako at tinitigan siya ng may poot. “How could you say that when all these years, you have never reached out to me?”
Mamasa-masa ang kanyang mga mata at napayuko ang ulo niya, tumayo ako at kinausap siya sa huling pagkakataon. “Simula noong umalis ako sa puder niyo, wala na akong kaugnayan pa sa kahit sino sa inyo. Yung apelyido ko na lang ang hindi ko mababago. But don’t worry, I will never mess up this name for your reputation’s sake.” I walked away an ran towards my car.
Hindi ko mapigilan ang mga luhang nag-uunahang bumagsak sa mga mata ko. Pumasok ako sa sasakyan ko at idinukmo ko ang ulo ko sa manibela, doon ay hindi ko na napigilang mapaiyak.
The wound I had eight years ago suddenly gave me so much pain right now. And suddenly, all of the memories of that day flashed into my mind:
Those times when I thought we were a family, Daddy Peter and Mommy Liza were both Lawyers, they adopted me from an orphanage where I was brought after my tragic life in the hands of my Mother and step Father. They had a daughter named Mia and we were like real sisters, minahal nila ako na parang tunay na kadugo.
That’s what I thought, not until…
That one unforgettable day. Masaya sana ang araw na iyon, nakuha ko ang resulta ng bar exams. Nakapasa ako at tope notcher pa, samantalang si Mia naman ay kabaliktaran. Hindi siya nakapasa kahit man lang 75%I was so expectant as I waited the mail of the ratings delivered to our house.
Pero, nang mga dumaang araw ay hindi ko inaasahan ang nangyari.
Pinagpalit nila ang resulta.
“Anong ibig sabihin nito Angel?” galit na tanong ni mommy.
“Mom, hindi po iyan totoo. Pumasa po ako, paano pong nagyari ito?”
Napatingin ako kay Mia na tila ba walang ekspresiyon ang mukha.
“Paano mo nagawa sa akin ito Mia?” tanong ko. Pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay trinaydor ako.
“Hindi ko alam ang sinasabi mo,” pagkakaila niya.
“How dare you put the blame to your sister!” Sigaw naman ni daddy Peter.
“Hindi po kayo naniniwala sa’kin? Bakit po? Dahil hindi niyo ako totoong anak?” tanong ko, at sa mga oras na iyon ay unti-unti nang nadudurog ang puso ko.
“Of course! My own daughter will never fail just like her parents!” sigaw muli ni daddy na lalong nagpasikip ng dibdib ko.
Those words of him cut deep. So deep that the knife had never been pulled out until now. I walked out from that house despite the heavy rain.
“Angel!” narinig ko ang tawag ni mommy ngunit nagpatuloy lamang ako sa paglalakad palayo, palayo sa bahay na iyon na inakala kong totoong nagmamahal sa akin.
Mag-isa akong umiyak noong araw na iyon, walang kakampi kundi ang ulan na nagkukubli sa mga luhang bunga ng hinagpis.
Iang boses ang pumukaw sa akin…
“Are you okay?”
****
“Are you okay?” untag sa akin ng bioses ng kung sinuman, dahilan para makapag-angat ako ng tingin. At ikinalaki ng mga mata ko nang mapagsino ko ang taong iyon.
“Ano bang pakialam mo?” angil ko sa kanya.
It’s him again, Jaydee Corpuz.
For the second time.
“Now, who’s bothering someone’s life? Is it still me?” naiinis kong tanong.
“Bakit ba kailangan niyong bumalik sa buhay ko?” sigaw ko saka pinaandar ang sasakyan at umalis.