CHAPTER 12: Desperate

1043 Words
Jaydee It’s almost two weeks that passed since the mess I’m in. Sino bang mag-aakala na makakadalo pa ako sa out of the country wedding ni Jayem sa kabila ng sitwasyon ko? That’s how his influential power works, kung kapangyarihan lang ang pag-uusapan, kaya naman ni Jayem na baliktarin ang sitwasyon. Pero mas pinili naming iresolba ito sa tamang paraan. Dahil kami ay mga lalaking may paninindigan. And we stand to what is true, and the truth is that I am innocent of this crime that they are throwing at me. But honestly, napapagod na ako sa sitwasyon kong ito. Gustong-gusto ko nang bumalik sa dati. I wanted to be back at work, perform with the members in a concert. Ahhh, naiinggit ako sa kanila ngayon. Naghahanda sila para sa world tour. Masaya sana kung kasama ako, pero hindi naman ako pwedeng magpakita sa publiko sa ngayon. I want to write a song again; I want to interact with the fans, hindi ang magmukmok lang dito sa dorm. Anytime soon, the decision might be out. And I just can’t sit here and wait, I have to do something. Kaso, hindi ko alam kung paano. Dahil bored na ako, ay naisipan kong umupo sa couch at binuksan ang CD player ko at poinatugtog ang kauna-uanahang solo album kong may pamagat na Lights Out. Naupo ako at sumandal sa couch at ni-relax ko ang sarili ko. Nang mapatingin ako sa shelf, nakita ko ang mga lumang sulat galing sa fans ko noong kasagsagan ng album launch ko bilang isang soloist. Honestly, I hadn’t that much time to read them one by one because of my busy schedule. May mga nababasa naman ako pero mangilan-ngilan lang. And I suddenly felt sorry for those who sent those letters. Mayamaya pa ay napagpasyahan kong kumuha ng kaunti para basahin. Dear, Jaydee. Thank you for your music. It helps me a lot especially with my struggle sleeping at night. Much love – Tinkerbell Daisy. Napangiti ako, dahil naramdaman ko ang sobrang pagmamahal na binigay sa akin ng fans ko. Naisipan ko tuloy kung ganoon pa rin ang nararamdaman nila ngayon at noong isinulat nula ang mga iyon. Marahil ang iba ay galit na sa akin ngayon. Ever since, wala talaga akong social media account. Kaya hindi ko alam kung ano ang mga kumento ng karamihan sa fans online, kaya wala talaga akong idea sa kung ano ang trending ngayon. Only through those letters they are able to express their feelings and messages. Wala nga akong natatanggap na bago ngayon. Nagpatuloy ako at nagbukas ng panibago. It was a pink scented paper folded and covered with a red ribbon. I opened it and started to read. Dear Jaydee, You might never remember me. But to me, you will always be a fresh memory. Hindi ko malilimutan ang araw na iniligtas mo ako. Your music saved me that one rainy and worst day of my life. Thank you for healing me with the album you gave me. You will always be in my heart. – from Miss Dandelion   Napangiti ako nang malapad. Masaya akong malaman na kahit paano ay may na-cocomfort sa pamamagitan ng music ko. If only I could reply to the one who sent me this, I will thank her instead. For believing in me, at sana ay ganoon pa rin ang nararamdaman niya. Should I make a way for me to end this dark era of my life? I have to. For the sake of my fans who believes in me. I Have to create music that will save people from their misery. Kaya naman ay nakaisip ako ng lame idea. Hindi ko alam pero sa tingin ko ay ito lang ang tanging paraan para matapos na ang lahat ng ito. I have to ask her again. That lawyer. If I can’t negotiate with the Lacsamana, I may be at least try harder in convincing their lawyer. Tama, iyon nga ang dapat kong gawin. Alam kong gusto niya lang masiwalat ang katotohanan, pero nabubulag lamang siya sa pagkamuhi niya sa mga rapist. Kung makukumbinsi ko siya na inosente ako, baka matulungan niya ako. Inayos ko ang sarili at nagtungo na sa parking lot ng dorm, ginamit ko ang ferrari ni Jayem at nagmaneho ako patungo sa opisina ni Atty. Angel Imperial. Nang makarating ako roon ay naabutan kong nakababad sa paperworks ang babaeng pakay ko. Pinukaw na lamang ng kanyang sekretarya ang kanyang atensiyon. At sa sandaling mapatingin siya sa akin ay agad kumunot ang noo niya. “Why on earth you’re here again?” masungit niyang tanong sabay itinuon muli ang atensiyon sa kanyang laptop. “Aren’t you tired of begging me to defend you? For Pete’s sake! Ni hindi nga ako ang abogado mo.” Huminga ako nang malalim at nag-ipon nga lakas ng loob saka nagsalita. “Please give me a chance to prove to you that I am not who you think I am.” Sandali niya akong tinitigan na tila hindi makapaniwala, pagkatapos ay natatawa siyang sumagot. “Bakit ba kailangang ako?” “Dahil alam kong hindi ka titigil hangga’t hindi mo ako naipapakulong,” walng emosyong sagot ko. “Nakakatawa ka Mr. Corpuz!” aniyang muli saka naghalukipkip at ngumiti nang sarkastiko.  “You can’t escape with me Mr. Corpuz,” aniya muli saka tumayo at isinandal ang mga palad sa tables na nasa likod niya na siyang nagdadala ng buong timbang niya. “I’m dying to see you rot in jail,” sambit niya na may puno ng galit sa mga mata. Pagkatapos ay naupo at iponagpatuloy ang kanyang ginagawa. “Makakaalis ka na, at huwag na huwag mo a akong guguluhin pa tungkol diyan dahil wala kang mapapala sa akin.” Tumango na lamang ako at bigong lumabas ng pinto ng kanyang opisina. Bumalik ako sa sasakyan, ngunit nanatili pa rin salugar na iyon. Desperado na ako, n halos umabot na sa puntong ayaw ko nang umalis doon at aabangan ko na lamang siyang lumabas ng building. If I can’t ask you in hook. May be I need to do it by crook.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD