Chapter 13: Danger

1038 Words
Angel’s POV Nakakaawang nilalang. Hindi ko mapigilan ang inis na nararamdaman ko sa kanya habang pinagmamasdan siya palabas ng ng pinto. He is freaking annoying. Nang tuluyan na nga siyang maklabas ay napahawak ako sa aking sintido. Maghapon na ako rito sa opisina at pakiramdam ko ay masusuka na ako sa mga paperworks na nakatambak sa lamesa ko. Sa halip ay hindi ko na lamang inalintana iyon at nagpatuloy ako sa trabaho ko. Hindi ko na naisipan pang kumain para lang matapos ko lahat. Lumipas ang oras nang hindi ko namamalayan, 5 P.M. na pala. Nagpahinga ako saglit at sumandal sa malambot kong upuan. My eyes suddenly felt the strain from reading and being on the computer screen for too long. Bigla akong nakaramdam ng antok kaya naman ay tinawagan ko si Mina para sunduin ako. “Hello Ma’am?” she answered. “Pick me up now, just fifteen minutes.” I did not let her talk and I just turned off my phone. I stood up, took my things and head down to the parking lot. Galing ako sa 20th floor kaya medyo matag-tagal akong makakakbaba sa parking lot na nasa basement, depende na rin kung maraming makasabay sa elevator. At nang makababa ako ay nakita ko nang naka park ang ferrari kong itim. Wow, bumabawi yata ang bruha ngayon dahil ang bilis niya lang nakarating. Lumakad ako papunta sa pintuan ng kotse at nakabukas naman ito. Sumakay na ako at itinapon ang sarili sa malambot na backseat. Ipinikit ko na ang mga mata ko at inutusan na si Mina na paandarin ang sasakyan. “Let’s go home.” Hindi siya sumagot at naramdaman ko na lang na umandar na ang sasakyan. Tuluyan na nga akong nahimbing sa pagkakatulog. Nang ako ay magising, napasulyap ako sa ceiling at doon ko napagtantong nakahiga ako sa isang hindi pamilya na lugar. How the heck that b***h didn’t woke me up? Inikot kong muli ang paningin, hindi talaga ito ang ceiling ng bahay ko. At nakahiga ako sa isang couch na hindi naman sa akin. Where am I? Bumangon ako at inikot muli ang paningin. It was a studio type house with a pleasing interior. Mukha naman itong disenteng bahay pero hindi ko maiwasang makaramdam ng takot. Whose freaking house is this? Why am I here? “Mina?” tawag ko sa assisstant ko habang patuloy na nag-iikot ng paningin. “Nasaan ka ba?” natatakot kong sigaw. Am I being kidnapped? That could be possible. Maraming galit sa akin, at alam kong isa si Mina doon dahil sa masamang pagtrato ko sa kanya. Posible rin talagang na kidnap niya ako. Patuloy ko siyang tinawag pero sa tingin ko ay walang ibang tao roon. Tatayo na sana ako nang marinig ko ang mga mahihinang tunog ng mga yapak galing sa hagdanan na nakaharap sa giliran ko. Dahan-dahan ko itong pinagmasdan at hinintay ang kung sinumang nagmamay-ari ng mga yapak na iyon. Naghanap ako ng bagay na maari kong gamiting self defense laban dito at nasumpungan ko sang flower vase na nakalagay sa side table. At sa wakas ay nakita ko rin ang mga paa nito. Unti-unti itong naglalakad pababa. Nagsisimula nang kumaba ang dibdib ko. Finally, nagpakita na rin ang taong iyon na nakasuot ng pink pullover shirt at faded jeans. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino ko ang taong iyon. At kahit nakahanda na ang flower vase sa kaliwang kamay ko para ihagis sa kanya ay bigla na lamang akong nanigas at naubusan ng lakas para ibato iyon sa kanya. The man was… Jaydee Corpuz. Napapitlag ako nang magsimula siyang lumapit. “Don’t you dare come near me,” I warned him. Hawak-hawak ko pa rin ang vase pero naninigas na ang kamay ko. Bigla akong nawalan ng lakas para ibato iyon sa kanya. “Hindi ko intensiyong saktan ka. I just want to talk,” pakiusap niya. “Nakipagsabwatan ka ba kay Mina para kidnap-in ako?” He shook his head, “Hindi ko alam ang sinasabi mo.” “Of course you do!” sigaw ko at parang pakiramdam ko ay makararanas akong muli ng panic attack. “Put it down please,” pakiusap niya. “Noooooo!!!!!!” sumigaw akong muli at ibinato yung vase sa gilid imbes na sa kanya. Napahawak ako sa buhok ko at sinabunutan ko ang sarili. Nanginginig na ang kalamnan ko. “Anong problema?” tanong niya. Napahawak ako sa dibdib dahil nahihirapan akong huminga. Para akong baliw na nagsisigaw at napalupasay pa sa sahig. That moment, he finally realized that something was wrong with me. He started to get my bag and searched for something. At nahanap nga niya ang gamot kong pampakalma. Kumuha siya ng isang tabletas at ipinainom iyon sa akin. Naghari ang katahimikan nang magsimula na akong kumalma. “I’m sorry. I didn’t know about your condition,” pagbabasag niya sa katahimikan. Nanatili akong matigas sa kanya at tinapunan ko siya ng masamang tingin. “You think this could solve your problem?” Napabuntong-hininga siya. “Hindi ko naman talaga intensyong gawin ‘to, pero no’ng bigla kang pumasok sa sasakyan ko, hindi na ako nakapag-isip ng maayos.” Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa paliwanag niya. “What the heck are you saying?” taas-kilay kong tanong. “I was inside my car, I waited for you to come out and probably talk to you again, but I was surprised to see you came and opened the car door and actually came inside the backseat. Bigla ka na lang sumandal at pumikit without even checking kung sino yung driver ng sinakyan mong kotse, I was rattled and I didn’t know what to do so I thought of taking you all the way here, I’m so sorry.” Napasapo ako sa noo. Nakaka-frustrate! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. “What do you want?” He gazed at me with passionate eyes. And my eyes had nowhere to escape but just to stare at him too. “Help me clear my name,” He pleaded. Maraming beses na niyang sinasabi ‘to sa akin, and still I don’t get its point. Why me? Why the heck you are making my world mad?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD