Chapter 14: Save

1031 Words
Angel’s POV “Okay, fine! I’ll see what I can do,” sabi ko sabay ikot ng mga mata para lang matigil na ang pangugulit niya. Baka-sakaling pakawalan na niya ako. But deep inside me, I really don’t want to help him. The nerve of you Mister Corpuz! At kapag nakaalis ako rito mananagot siya sa ginawa niya sa akin. I need to find a way to get out of this place so I had to agree with him for now. “Thank you. I owe you a lot Miss Imperial,” aniya at kunwari mukhang sincere habang nakatitig sa akin. Tumango lamang ako sa kanya. Pero banas na banas na ako sa kanya. “You want a room for you to take a rest?” he asked me politely. Kanina ay binigyan niya akong ng pagkain na kinain ko mag-isa sa dinning room ng bahay niya. I had no choice but to take it since I haven’t eaten the whole day. Still I never loose my guard against him. “Sure,” tipid kong sagot habang nakahalukipkip. I’m trying hard na manatiling kalmado. Giniya niya ako papunta sa taas, bumungad doon ang dalawang kwarto. At sa tingin ko, ang isang kwarto ay siyang tinutulugan niya. Ugh! I don’t think I can stand being with a man on the same roof. Natatakot ako, pero hindi ko dapat ipakita iyon sa kanya. Wala akong laban, kailangan kong tatagan ang loob ko. I almost didn’t realize that he was talking to me because my mind was wondering. “Feel free to get in,” aniya. I just smirked at him, at bago pa man ako pumasok sa loob ng kwarto ay tiningnan ko siya na nananatili pa ring nakatayo sa harap ng pinto. “What? You’re waiting for me to thank you?” I mockingly asked. Umiling lamang siya at napayuko na parang batang na-bully, may kaunting pagkurba sa kanyang labi na tila mahinang napapangiti. Walang kibo na umalis na lamang siya. Pumasok na ako sa loob ng kwarto. All I saw was a plain room with just bed, blanket and pillows. Walang anumang palamuti sa mga dingding. Sinigurado kong naka-lock ang pinto at napasalampak ako sa malambot na kama at napatitig sa kisami. Argh! This is pissing me off! I am not supposed to be here but what kind of life is this? Why am I trapped in this bullshit place? Kahit yung walang kwentang cellphone ko, walang signal! Naiinis na ako! I really need to get out of this place right now. Tumayo ako at lumabas, nagtungo ako sa harap ng pinto ng kwarto niya at itinapat ang tainga ko sa pinto nito. Tulog na ba siya? Gabing-gabi na rin naman kaya baka nga tulog na siya. This is the perfect time to escape. Dahan-dahan akong lumakad palabas ng bahay, madilim ang paligid at halos walang ilaw man lang na nagbibigay liwanag sa paligid. Maingat akong naglakad gamit lamang ang ilaw mula sa flashlight ng cellphone ko at napansin kong halos kagubatan lang nakikita ko. Leche! Saan ba ang daan? Hindi ko inalintana kung ligtas ba ang lugar, desperada na akong makaalis kaya itnuloy ko ang paglalakad. Hindi ko mahanap ang sasakyan na inakala kong sasakyan ko. Sobrang dilim at malalaking puno lamang ang nakikita ko. May mga naririnig akong huni ng mga ibon at kun anong hayop. Nararamdaman ko na ang lamig ng hangin. Oh Lord, please help me overcome this! Ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad kahit hindi ko alam kung saan ang patutunguhan ko. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang kung anumang papasalubong sa akin. “Ahhhhhhhhhhhh!!!!!!!!” sigaw ko sa sobrang takot nang bigla akong bumagsak sa kung saang malalim na hukay. Naunang sumayad sa lupa ang pwet ko, buti na lang at malambot ang lupa kaya hindi naman sobrang sakit ang pagkakabagsak ko. Sinubukan kong tumayo at natuklasan na lampas tao ang lalim ng hukay na iyon, at kahit anong gawin ko, wala man lang ako makapitan para makaakyat sa taas. “Tulong!” takot na takot na sigaw ko. Hindi ko na alam kung gaano na kalayo ang kinaroroonan ko mula sa bahay ni Jaydee Corpuz. Kung magsisigaw man ako, baka hindi niya ako marinig. Is this the end of me? Hopelessness was slowly consuming me as soon as the rain started to pour out. I sat down from the pit started to cry. If this is my karma for being so wicked all these years, I get it. But why does it have to be me? Why not those people who made me like this? Why? Hindi ko na naipigilan ang mga luhang parang agos na bumubuhos mula sa mga mata ko. Bigla pang bumuhos ang ulan at pinatay niyon ang flashlight ng cellphone ko dahil na off na ito. Tuluyan na akong nilamon ng dilim. Okay, if this is it, I am finally accepting my end. Why will I ever be sad? Nobody will be sad to lose me. Not even a single soul. I was about to close my eyes and finally let the pit bury me. But a bright light that stroked my face made me opened my eyes once again. I saw a shilouette of a person holding a light pointed towards me. “kumapit ka!” sigaw niya sabay hagis ng isang lubid. As I heard his voice, I recognized him, and I was so sure that it was him. Jaydee Corpuz. Naiiyak na napatayo ako at sinubukan kong kumapit sa lubid. At nang makakapit na ako nang mahigpit at dahan-dahan niyang hinila iyon pataas. Nararamdaman ko ang pag-angat ko, anumang mangyari ay buong puso kong ipinagkatiwala ang sarili sa taong sinusubukan akong iligtas ngayon. At sa wakas ay narating ko na ang itaas. Sa sobrang emosyon na nararamdaman ko ay nagawa ko siyang yakapin. Nanginginig ako habang yakap-yakap ko siya at umiiyak ako na parang isang bata. “It’s okay, ligtas ka na,” aniya sa malamig na tinig na tila nagbibigay ng kapahingahan sa akin. Sa unang pagkakataon ay hindi ako nakaramdam ng takot kahit pa magkadikit ang aming mga balat at katawan. It was then I realized, I have nothing in this moment but only him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD