Chapter 15: I'll be there, first in your memory

1869 Words
Angel’s POV Nakabalik ako sa sala niyang nakatayo sa pinto na parang basang sisiw na babad sa basang damit ko habang nakabalot ako ng towel na binigay niya. Ang langit ay parang umaatungal na galit na halimaw, ang tunog ng kulog na sinasabayan ng kidlat at malakas na ulan ay nagdudulot ng kaunting kilabot sa puso. Suddenly, he came back from upstairs bringing dry clothes for me. “Sorry, I only have my shirts here and…” He looked down as if he was shy about what he is about to say. “And undies.” Napatitig ako sa mga damit na binibigay niya, ang nakikita ko lang ay isang malaking sando, basketball shorts, at boxers’ shorts? “Are you crazy? You’re letting me wear those boxers? You’re gross!” Kinuha ko ang damit at ibinato sa kanya at tumama iyon sa mukha niya. "Sandali lang ha? Hindi pa gamit ‘tong mga ‘to for your information, Miss," paliwanag niya. “I’ll take this back; Sa tingin ko, magiging okay ka sa basa mong damit.” Inikot niya ang kanyang mga mata at binawi ang damit, tumalikod sa akin, at nagsimulang humakbang palayo. “Sandali!” Once again, he turned his head back at me. “I’ll take that,” sabi ko at kinuha ang damit sa kanya. Agad akong tumakbo papunta sa kwarto at naligo. Pagkatapos noon, sinuot ko na ang damit at ang, ugh. Boxers. Seriously, I really look ridiculous with these crazy things and the boxers underneath me made me feel like my treasure is going to expose at any moment, plus wala pa akong bra para matakpan ang mga bundok ko. Anyway, ayos lang dahil flat ang dibdib ko kaya hindi nakakaabala na humarap sa kanya ng walang bra, tsaka medyo makapal ang sando. At bakit ko pa siya haharapin? Siguro dapat akong magtago sa kwartong ito hanggang sa dumaan ang bagyo. Pero nilalamig ako, I think I need to consume something that would make me feel warm. Kaya napagpasyahan kong bumaba at tanungin siya kung may makakain man lang ba siya sa kusina niya, pero pagkababa ko ay nakita ko siyang nakaupo sa couch at may dalawang mainit na kape sa mesa. “Coffee?” he politely offered. Though I felt awkward towards him, nagpasya akong umupo sa couch sa tapat niya. Nararamdaman ko na sinusubukan niyang umiwas ng tingin sa akin. "May beer ka ba?" matapang na tanong ko sa kanya. I was rubbing my hands against my arms because I felt really cold. “What?” his eyes widened with shock still not looking at me. Tumango ako para kumpirmahin kung totoo nga ang narinig niya. I just felt the need that alcohol is the best way to warm me up right now, after the near-death experience I had a while ago, I think I freaking deserve that. Gusto ko ring madaling makatulog at hindi ako matutulungan ng kape. Tumayo siya at pumunta sa kanyang kusina at bumalik pagkatapos ng limang minuto. Dalawang lata talaga ng beer ang dala niya. I’m impressed. Sa kabila ng pagiging liblib ng lugar na ito, he still has a bunch of supplies. Another thing that surprised me was, he gave me a jacket. Ibinigay niya sa akin ang isang lata ng beer at iniwan niya ang isa para sa kanya. Pilit pa rin niyang iniiwas ang tingin sa akin hangga't maaari. “You wear that because it’s cold, and to cover that thing.” Inilagay niya ang kanyang mga kamay sa kanyang dibdib hudyat na ang tinutukoy niya ay ang aking boobs. Oh my gosh! Maybe my nips were obvious that is why he kept on looking away from me. Ugh. Mabilis na uminit ang pisngi ko sa kahihiyan, tahimik na nagmamakaawa na sipsipin ako sa mga unan ng sopa at sa limot. Sa kasamaang palad, ang buhay ay hindi gumagana sa ganoong paraan. Kinuha ko ang jacket at sinuot ito hangga't maaari. I felt so embarrassed but at the same time, medyo naantig ako sa maginoo niyang kilos. Umupo siya at uminom ng beer niya na hindi pa rin tumitingin sa akin. Silence ruled between the two of us and it was really awkward. I was sneaking prolonged glances at his handsome face habang nakatingin pa rin siya sa mga ibang mga bagay maliban sa akin. Ano ang dapat kong sabihin? Kailangan ko ba talagang magpasalamat sa pagligtas niya sa akin? But no, I shouldn’t. it was his fault, if he didn’t bring me here, that s**t won’t happen. But, “Haish… thank you!” I groaned. At tinitigan niya ako sa wakas. "Ayos lang, kasalanan ko naman. If I didn’t bring you here, it won’t happen,” sabi niya at bumuntong-hininga. “Exactly,” I answered rolling my eyes. “I’m sorry,” he cooed. Habang sinasabi niya iyon, nakaramdam ako ng konting guilt sa puso ko. “Kapag lumipas na ang bagyo, ipinapangako kong ilalabas kita rito. I am sorry that I did this to you, I was just desperate to clear my name, I was foolish to think that doing this might help me but I guess, it will just add to my charges.” Medyo natunaw ang puso ko habang binibigkas niya ang mga katagang iyon. Searching my inner soul, malalim kong iniisip ang mga tamang salita na sasabihin sa kanya. “Are you really sure that you are not guilty of that crime?” Tanong ko sa kanya sa tono na parang nasa prosecution kami. Umiling siya. “Hindi ko talaga alam; Wala akong malay sa mga oras na iyon.” To say he was anxious would have been an understatement of massive proportions. I looked up in awe and quirked an eyebrow at him in amusement. I folded my arms. Humalukipkip ako. "Paano kita matutulungan kung gano’n?" ugh. It seriously gives me a headache. Bigla akong tumayo at umalis sa kinauupuan ko, inubos ko ang laman ng lata ng beer sa isang lagok lang. I feel heavy and seriously cold and I think I am not feeling well so I decided to totally leave him there. Walang sabi-sabi, iniwan ko na lang siya at pumunta sa kwarto. Ni-lock ko ang pinto, humiga sa kama, at tumingala sa kisame. Ang kanyang mukha ay nag-flash sa aking isipan at ang aking mga mata ay pumikit, ang malalim na yakap ng pagtulog ay humihila sa akin mula sa kamalayan. “Uhmmmm...” Napaungol ako at sinubukan kong idilat ang aking mga mata pero parang nahihirapan talaga akong gawin ‘yon. Naramdaman kong may mabigat sa katawan ko na hindi ko talaga kayang tiisin. I tried my best and with my eyes half open, nakita ko ang mukha niya. Wala akong lakas para bumangon and I was actually worried that he might be the one I am carrying in my body. Ano ang sinusubukan niyang gawin? Is he trying to do something to me? Shit! Hindi ako dapat nagtiwala sa kanya. Inipon ko ang lahat ng lakas ko, sinubukan kong bumangon ngunit tila mas malakas sa akin ang puwersang humihila sa akin pabalik para mahiga. "Don't force yourself, you're weak," sabi niya at hinawakan ang noo ko. "Mataas ang lagnat mo." Ano? Wala ba talaga siyang ginagawa sa akin? Gumaan ang pakiramdam ko. Napahiga na lang ako at nakita kong kumuha siya ng basang tuwalya at piniga sa palanggana. Sinimulan niya itong ipunas sa aking noo, sunod ay ang aking mukha, at hanggang sa aking mga braso. Slowly, I am letting my body trust him again, realizing that he was actually taking care of me, trying his best to cool down my temperature. Inilagay niya sa akin ang kumot. "Magpahinga ka na lang diyan, ipagluluto kita ng sopas." Tumayo siya pero hinila ko iyong damit niya, dahilan para bumalik siya sa pagkakaupo. "Nilalamig ako," bulong ko. Hinawakan niya ulit ang noo ko. Ang pagpunas ng mainit na basang tela ay hindi talaga gumana. "May alam akong isa pang bagay na maaaring magpainit sa iyo," sabi niya. Tumingin siya sa akin, nakahawak pa rin sa noo ko. "Pwede ba kitang yakapin?" Sa tingin ko papayag ako. Ang init ng katawan niya ang magiging pinakamagandang paraan para mapalamig ang temperatura ko. Kaya sa tingin ko kailangan kong hayaan siyang gawin iyon. Tumango na lang ako, at nang makumpirma niya ang pagsang-ayon ko ay agad siyang humiga sa kama at kinulong ako sa malalawak niyang braso. I was settled in his chest, at pakiramdam ko ligtas ako doon. Pumikit ako at nakatulog ulit. *** Tumama sa mukha ko ang sinag ng araw na naging dahilan ng paggising ko, dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nasisilaw ako sa sikat ng araw. Sa wakas, nawala na ang bagyo. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nagkasakit. Kakagising ko lang ngayon, at bumuti na ang pakiramdam ko. Mag-isa lang ako sa kwarto, at hindi ko na matandaan kung gaano na ako katagal doon. Well, I have some memories of him being with me in this bed. Bumangon ako pero nakaupo pa rin sa kama. Noon ko lang napagtanto na naririnig ko ang tunog ng musika mula sa isang taong tumutugtog ng piano. It was fascinating, it was enchanting to the ears. Pamilyar sa akin ang tunog na iyon at hindi ko maiwasang ipikit ang aking mga mata at hatakin mula sa malalim na paggunita: Tag-ulan noon, I ran away from home, feeling devastated. Nakaupo ako sa sidewalk na basang-basa sa ulan at wala akong pakialam. Pakiramdam ko ay ito na ang pinakamagandang posisyon na kinalalagyan ko. Sa ilalim ng ulan, itinatago ang mga luhang walang tigil sa pag-agos mula sa aking mga mata. Walang nagmamalasakit sa akin, walang nagmamahal sa akin. Nakasandal ako sa tuhod ko at patuloy na humihikbi na parang sugatang lobo. “Excuse me…” sabi ng boses sa itaas ko. It was angelic and pure and it gave me the curiosity to see his face. Naramdaman ko ang pagtigil ng ulan sa aking katawan. Dahan-dahan akong tumingala at doon ko nakita ang isang matikas na binata, malamang ay kasing edad ko, na may hawak na payong, at pilit akong nililim mula sa ulan. Kasing gwapo niya ang boses niya at matamis siyang nakangiti sa akin. Para siyang anghel na ipinadala mula sa itaas. Wala akong lakas ng loob na magsalita at nakatitig lang ako sa perpektong mukha niya. "Hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan mo at sa palagay ko hindi ang pagyakap sa iyo ang magiging tamang paraan para i-comfort ka pero, sana, kahit ito man labg ay makatulong sa’yo..." Nakita ko kung ano ang sinusubukan niyang ibigay sa akin. It was a CD Album. ‘Lights out by Jaydee’ iyon ang nakalagay na title. "Sa tuwing malungkot ka at iniisip mong walang sinuman na nandiyan para sa’yo, pakinggan mo lang ang mga kanta dito," sabi niya habang nakangiti. “I will be there first in your memory.” That smile he gave me that moment, that smile I will never forget. The person who made me feel that I was not alone all these years is right in front of me once again. Playing gracefully with his piano. I didn’t realize that rivers of tears were coming out of my eyes. The man I have always wanted. The calm in my stormy world. Jaydee Corpuz. He turned his face to me and our gaze had met. (Translated by: Jeliebee)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD