WARNING: This Chapter contains sensitive scenes. read at your own risk.
Angel’s POV
Just got home from the freaking long day I had. Itinapon ko ang sarili sa couch, sumandal ako at ipinikit ko ang mga pagod kong mata. Sumagi muli sa isipan ko ang sinabi ng lalaking iyon kanina.
“Is that your hobby? Bothering people with their own lives? Siguro tama nga ang mga narinig ko tungkol sa'yo. You are a person who lacks attention and love, Naiintindihan kita. I wish you could find someone who could let you feel that you are loved. God bless you.”
Tsk. Akala mo kung sinong magaling!
Bothering people’s lives? May be the other way most of the time.
A person who lacks love and attention? yes it’s true, nobody loves me at wala akong pakialam.
Naiintindihan niya ako? No way, no one will be able to understand me.
No one will understand why I became like this, no one could understand a girl who was wrecked when she was 12.
Muling nagbalik sa isipan ko ang kalunos-lunos na sinapit ko labinlimang taon na ang nakakaraan:
“Angel, anak halika rito!” tawag sa akin ni Mama. Kakauwi pa lamang niya galing trabaho. Pero ngayon ay hindi siya mag-isa, mayro’n siyang kasamang lalaki. Malaki ang katawan nito at hindi rin pamilyar sa akin ang itsura niya.
“Siya ang Papa Rodney mo. Simula ngayon dito na siya titira,” pagpapakilala ni mama sa taong iyon. Ito na raw ang bago kong ama-amahan.
Namatay ang totoo kong papa noong eight-years old pa lamang ako dahil sa isang aksidente. Bilang isang bata ay naroon ang pangungulila ko sa isang ama kaya’t ikinatuwa kong nagkaroon ako ng bagong papa. Buong akala ko ay ganoon pero mali pala. Ang pagdating niya ang naging simula ng kalbaryo sa buhay ko.
Isang gabi kung saan kami lang sa bahay ng amain ko, ang naging simula ng bangungot ko…
“Halika rito!” aniya pagkapasok sa silid ko.
Nang makapasok na siya ay ipinagtaka ko ang pagsara niya ng pinto at ikinandado iyon saka humarap sa akin. “Bakit po?” inosente kong tanong.
“Maglalaro tayo,” aniya habang nakatingin ng matalim sa akin. Para siyang halimaw sa akin paningin.
“Ano pong laro?” walang kamalay-malay ko pa ring tanong dahil hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.
Unti-unti siyang lumapit. Itnulak ako sa papag at pumaibabaw siya sa akin.
“Papa, ano pong ginagawa niyo?” takot at nanginginig na ako dahil marahas na niyang hinawakan ang magkabila kong kamay. Pagkatapos ay tinakpan niya ang bibig ko. “Huwag kang maingay, at huwag mong sasabihin sa mama mo ‘to kung hindi, papatayin ko kayong dalawa, naiintindihan mo?” banta niya sa akin.
Tanging mahinang hikbi na lamang ang lumabas sa lalamunan ko dahil sa lakas ng pagkakatakip ng palad niya sa bibig ko. Wala akong laban sa lakas niya—isa lamang akong musmos na hindi kayang ipagtanggol ang sarili. Napaluha na lamang ako habang ginagawa niya ang mga kababuyang nais niya sa akin. Simula no’n ay paulit-ulit na niya itong ginawa. Lahat ng kahayupan at pang-aabuso ay naranasan ko sa kamay ng demonyo kong amain. Sinubukan kong sabihin sa mama ko, ngunit wala rin siyang nagawa. Hinayaan lamang niya ako habang winawasak ng hayop na iyon.
No’ng ako’y labinlimang taong gulang na, saka lamang ako nagkalakas ng loob. Hindi ko na natiis pa. isang araw nang akmang aabusuhin na naman niya ako ay napahawak ako sa kutsilyong naroon sa aming kusina. Itinago ko ito sa likuran ko habang papalapit siya sa akin. Hindi ko na kaya pa ang ginagawa niya. Punong-puno na ako ng galit.
Nakakakilabot ang sumunod na pangyayari. Hindi ko namalayan, nagdilim ang aking paningin.
Ibinuhos ko ang natitira kong lakas at itinusok ang kutsilyo sa kanyang dibdib.
hanggang sa tuluyan nang dumaloy ang dugo sa kanyang katawan at doon na ako natauhan. Nakita ko siyang nakahandusay sa sahig. Nanginginig ako sa takot nang makita kong dumadaloy ang dugo sa katawan niya.
Nabahiran din ng dugo ang mga kamay ko…
“Ahhhhhhhhhh!!!!!!” napasigaw ako nang makita ko ang ilusyon ng dugo sa mga kamay ko. Nanginginig din ang buong katawan ko at patuloy akong sumigaw.
“Ma’am, calm down!” nakita ko si Mina na patakbong lumapit sa akin. “it’s okay Ma’am,” aniya habang hinahaplos akp sa likod.
“Lumayo ka sa’kin!” Itinulak ko siya at mas lalo akong nanginig. Natataranta na rin siya at tila may hinahanap sa bag na dala niya. At nang mahanap niya ito ay tumakbo siya sa gawi kung saan nakalagay ang CD player ko.
“No!” sigaw ko saka ibinato sa kanya ang flower vase na nasa side table na ikinatakot niya. “Get the freaking medicine in the cabinet!” bulalas ko.
Natataranta niyang kinuha ang gamut para sa panick attack ko. Binalikan niya ako at ipinainom ang gamot sa akin.
Unti-unti na rin akong kumalma.
I took long consecutive breathes until the medicine had finally took effect.
“Ma’am, salamat at okay ka na! nag-aalala po ako sa inyo,” ani Mina habang umiiyak at nakalupasay sa sahig.
Tinapunan ko naman siya ng tingin. “How could you be so stupid?” Singhal ko sa kanya. “Imbes na gamot ang ibigay mo sa akin, inuna mo pa talagang patugtugin yung CD player?”
“A-akala ko po kasi makakatulong iyon para kumalma kayo kasi po, iyon naman po ang ginagawa natin sa tuwing inaatake ho kayo,” pangangatwiran niya. Basag rin an boses niya dahil sap ag-iyak.
“Ang tanga mo! Hindi ba sinabi ko sa’yo na itapon mo na iyon? Gamot ang kailangan ko! Hindi lintik na CD!” galit kong saad.
“I’m sorry Ma’am,” tugon niyang nakayuko.
“Leave me alone!!” Bulyaw ko at umalis na rin siya.
This is me, the dark side of me. And I don’t know how to be not me, who will understand the way I am? Nobody.
Walang kahit sino ang magmamahal sa katulad ko.