Jaydee's POV
“I have no further questions your honor.” Pagkasabi niya ay pinagmasdan ko siyang lumakad papunta sa upuan niya. I am fully amazed of what she did, though I believed that I was all prepared for this day, she managed to turn me down.
Para sa isang taong hindi ko gaanong kilala, to say that she had unusual techniques was an understatement. Dedepensahan ko dapat ang sarili ko pero na-distract niya ako.
Umalis na ako mula sa witness stand at bumalik na sa upuan na nakatalaga sa akin. Nang marating ko iyon ay tinapik ako ni Jayem na nakaupo sa likuran ko.
Maging ang ibang members ay gano'n din ang ginawa.
Ang kasunod na tinanong ay si Primo. Tumayo siya at lumakad patungo sa witness stand. This time, it was Mia's turn to ask questions.
“Mr. Primo Lacsamana, ayon sa isang reliable source, ikaw ang kumuha ng eskandalosong larawan na ito. Maaari mo ba itong patotohanan sa harap ng korte?” Panimula niya.
“Opo totoo po iyon,” lakas-loob na tugon ni Primo.
Nagsimulang maglakad pabalik-balik si Mia at naghihintay ang lahat ng nasa court room sa kanyang susunod na kilos.
“Ang ibig sabihin, nakita mo ang buong pnagyayari?” Lumapit siya sa lalaki at tiningnan ito ng mata sa mata. Nakita ko kung paanong tumulo ang butil ng pawis mula kay Primo na tila na-iintimidate siya kay Attorney Mia.
“Hindi ko nakita talaga, ang totoo nasa wash room ako. Iniwan ko silang dalawa sa KTV room tapos pagbalik ko iyon na ang nadatnan ko.”
Natawa nang mahina si Mia sa sinabi ng lalaki.
“At nakuha mo pang kumuha ng larawan kahit nakikita mo nang hinahalay ang pinsan mo?” Ani muli Attorney Mia na nagtaaas na nag boses.
Pinagmasdan ko si Primo na tila na-distract na rin.
“Sinong tao ang nakakita na may ginagawang kahayupan sa mahal niya sa buhay ang kukuha pa ng larawan habang ginagawa ito? Hindi ba't kahihiyan din ito para sa pinsan mo Ginoong Lacsamana? Not unless you did it on purpose?” Taas-kilay niyang tinitigan ang lalaki na tila hinahamon niyang dumepensa sa alegasyon niya.
Yumuko naman si Primo bago sumagot. “Ginawa ko iyon para magkaroon ng ebidensiya.”
“Sa tingin ko ay hindi. Ang totoo ay sinamantala ninyo ang kalasingan ni Mr. Corpuz para i-set-up siya at palabasin na ginahasa niya ang pinsan mo. Hindi ba?” Tumingin siya sa gawi ni Cherry na nag-iwas naman ng tingin sa kanya.
“Of course not!” Galit na saad ni Primo.
“I have no further question your honor.”
Natapos na rin amg unang paglilitis, and I am feeling upset. Nandito pa rin ako sa lobby kasama ang members.
“It's okay, kahit hindi ka nakapalag kay Attorney maldita, niresbakan ka naman ni Attorney Mia,” Pag-aalo ni Blake sa akin. Napa buntong-hininga na lamang ako.
Sakto namang dumating si Attorney Mia. “Hi Mr. Corpuz, can we talk?” Tanong niyang nakangiti.
“Ah, yes sure,” I replied.
Sinenyasan naman ako ng mga kasama ko na mauuna na silang umuwi sa dorm.
Nagtungo naman kaming dalawa ni Attorney Mia sa cafe ng trial court building.
“I want to say thank you for defending me a while ago Attorney Mia,” I started the conversation habang nakaupo na kami sa table ng cafe.
We were sitting opposite to each other, she started to drink her coffee then answered me. “It's nothing. You are my client, and it is my job to defend you.”
Ngumiti siya at pinasada ang mga daliri sa mga hibla ng kanyang buhok. Bigla akong nakaramdam ng guilt knowing na lumapit pa ako kay Attorney Angel para humingi ng tulong. I did not even give her a chance to prove herself.
“But still, thank you pa rin, for believing in me,” I said giving her a smile.
“Alam ko naman na mabuti kang tao, I’ve been a fan of yours since you debuted.” Aniya saka ngumiti.
“You are a good singer, and a good person too. That’s how I see you every time I watch your reality shows.”
Natawa pa kaming dalawa.
“Thank you,” tugon ko naman. Na flutter ako sa sinabi niya.
Sandaling naghari ang katahimikan sa aming dalawa hanggang sa bigla kong naitanong.
“I just wonder how are you related to Attorney Angel imperial?” Medyo nagsisi ako na naitanong ko iyon, parang ang rude lang ng dating. Pero natawa lang siya bilang reaksiyon.
“She is my foster sister,” sagot niya.
“Foster?” Paglilinaw ko naman.
“Yes, she is adopted by my parents.” She paused for a bit then continued to tell their story.
“She left home eight years ago, naiinggit kasi siya na ako iyong totoong anak. You know, she is so mean and rude. My parents loved her so much, pero hindi siya nakuntento.” As she said it, sadness was drawn out of her face. A moment of silence conquered us again for a while.
Nagsalita naman siyang muli at ipinagpatuloy ang pagkukwento.
“I treated her like a sister, even now, but she always pushes me away.”
Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya, tumango na lamang ako at itinuon ang atensiyon sa kape ko. Habang umiinom naman ako ay biglang may dumating
“Oh, well look who’s here.”
Ibinaba ko ang tasa ko at lumingon sa gawi ng nagsalita.
It was her, Angel imperial.
“So, having a coffee together,” Anito na nakatingin ng malisyoso sa aming dalawa ni Attorney Mia.
“You’re both dating?” Walang pakundangang tanong niya.
“Interesting. The lawyer and her client, having an affair. Oh wow!” Mapanuya niyang ani.
Nanatiling tahimik si Mia at tila pinipiling huwag patulan ito.
Pero sa tingin ko ay sumosobra na ito. Kaya nagpasya akong ipahtanggol si Atty. Mia.
“Is that your hobby? Bothering people with their own lives? Siguro tama nga ang mga narinig ko tungkol sa'yo. You are a person who lacks attention and love, Naiintindihan kita. I wish you could find someone who could let you feel that you are loved. God bless you,” Sabi ko na nakangiti pa rin sa kanya.
Nagpasya na akong umalis ng cafe kaya tumayo na ako.
“Thank you for the time Attorney Mia. Mauna na ako sa'yo,” Paalam ko.