CHAPTER 7: The First Trial

1010 Words
Angel's POV I woke up from a long sleep simula no'ng uminom ako ng high dosage ng gamot para sa panic attack ko kahapon. Pinatay ko ang alarm ng cellphone ko. Ang ilaw mula sa screen ay parang sinusunog ang mga mata ko na dahilan para mahirapan akong dumilat. Umupo ako mula sa kama at iniunat ang mga braso saka kinusot ang pagod kong mga mata, kinuha ko ulit ang cellphone at tiningnan ang oras. 6 A.M. na, I have to prepare for the trial. Tumayo na ako ng tuluyan at inayos ko ang kama ko saka lumakad patungo sa closet ko. Inihanda ko ang sarili ko, at pagkatapos ay dumeretso na sa Korte. Bahagya kong nararamdaman ang kaunting hilab sa tiyan ko na nagpapahiwatig na nagugutom ako. Hindi ko iyon inalintana at nagpatuloy na papunta sa court room. Umupo ako sa tabi ng client ko na nakaupo na sa designated seat namin. "Good morning Attorney," bati ni Mr. Lacsamana at Cherry. Binigyan ko lang sila ng malamig na ngiti at itinuon ang atensiyon sa harapan. Maya-maya pa ay nagsimula nang dumating ang mga tao sa courtroom, Isa na roon si Jaydee Corpuz na kasama ang abogado niyang si Mia at Walong Nag-gu-gwapuhang lalaki. Hindi mapigilang mapataas ang kaliwang kilay ko habang tinitingnan ko siya. Nagsimula ulit tumibok ang puso ko. Sumandal ako sa sandalan ng upuan ko at tila hindi ako komportable sa presensya niya. Siguro ay epekto pa rin ito ng nangyari kahapon. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla nang hindi ko inaasahan ang sumunod niyang kilos. Bigla siyang lumapit sa akin at tumayo sa harap ko. I was amazed of how freaking perfect his move was. Napaka-swabe ng tindig niya, na tila nagdadala ng pakiramdam na hindi ko inakalang mararamdaman ko balang araw. Wow. "Okay ka na ba?" He pulled that question na mayroong tono ng pag-aalala. Tinapunan ko naman siya ng matalim na tingin. "Why on earth do you care?" Mataray kong tugon. Hindi man lang siya nag-abalang sumagot, sa halip ay binigyan niya ako ng paper bag na hindi ko namalayan na hawak niya pala kanina pa. Hindi ko naman maiwasang ma-curious nang pa-simple kong ibinaba ang paningin ko sa bag. What could be inside that freaking bag? And why on earth is he giving that to me? "It's a barley tea," he said and finally ended my curiousity. "Bigay sa'kin 'to ng mama ko kaninang umaga, good for the health daw 'to." Looking at his feline eyes, tila tumuyo ang lalamunan ko habang pinagmamasdan ang mga labi niyang unti-unting gumuguhit ng matamis na ngiti. Hindi ko lang talaga ma-gets ang catch kung bakit nagbabait-baitan siya sa akin. Well, I guess talent talaga iyon ng mga artista---Ang umarte! "Mr. Corpuz, hindi ako tumatanggap ng suhol," masungit kong sabi. "What? Sorry. Hindi gano'n ang gusto kong ipahiwatig. Nag-aalala lang ako sa nangyari sa'yo kahapon kaya, naisip kong baka makakatulong 'to sa'yo," paliwanag niya. Tumawa ako ng mapanuya. "I don't need anyone's concern." I paused at bahagyang tumitig sa mga mata niya. "Especially, when it comes form you." Inis ring napatitig sina Primo at Cherry sa kanya. Pero bago pa man magsimula ang tensiyon sa pagitan nila ay bigla namang dumating ang Judge. Magsisimula na ang hearing. Ang unang nagbigay ng testimony ay si Jaydee Corpuz at ako ang magtatanong sa kanya. Nakaupo siya sa witness stand habang ako naman ay nakatayo sa harapan niya. "Ginoong Corpuz, maaari mo bang sabihin sa amin kung nasaan ka noong Enero 14 2020?" Simulang tanong ko. Walang pag-aalinlangang, sumagot siya. "Nasa Pier Kapitan bar po kami, kasama ko ang mga kagrupo ko. Doon kami nag-celebrate ng Birthday ng dalawa sa members namin na si Dio at Kyle." The jerks seems still so calm for now. "Sinasabi mo sa amin, na no'ng gabi ng Enero 14, 2020 nasa bar ka kung saan nangyari ang krimen. Maaari ko bang tanungin kung kilala mo ang dalagitang nakaupo roon?" Sabi ko sabay turo ng daliri ko sa biktima na si Cherry. Kalmado pa rin siya at confident sa pagsagot ulit. "Hindi ko siya talagang kilala, no'ng gabing iyon ko lang siya nakilala. Dahil sa pinsan niyang si Primo, ang dati kong kakilala, nakasalubong ko siya no'ng paplabas ako ng washroom." "Sinasabi mo na kilala mo si Ginoong Primo?" Tumango siya at kalmado pa rin. "Opo," maayos na sagot niya. Naghalukipkip ako at nagsimulang maglakad, I am trying to think of questions that will shake him off. "Sinasabi mong nagkita kayong dalawa no'ng gabing iyon," pagkukumpirma ko. "Opo," Sagot niya. I think, now is the time to throw the bomb to him. "Alam kong karamihan sa mga narito ay maaaring nakita na ang larawan na ito sa social media. Ngunit nais kong ipakita ang katibayan na ito sa korte." Napatingin ako sa kanya at napansin kong sunod-sunod siyang napalunok. Habang ginagawa niya iyon, medyo nakakunot ang noo niya at napapakagat-labi pa siya. Ang mga emosyong pinapakita ng kanyang mukha ay nag-iiba sa antas ng inis, at kaba sa pag-aalala kung anong iniisip ko. And s**t! Medyo nakakaakit. Pull yourself together btch! Iwinaksi ko ang kagagahan ko at sinimulang i-flash ang larawan sa screen. Ito ang iskandalo na larawan na nakita na ng lahat. "Ginoong Corpuz, alam mo ba na nangyari ito?" Malisyosong tanong ko. Hindi siya nag-abala sa pagsasalita. Nakaupo lang siya doon na blangko ang ekspresyon, parang nag-iingat siyang hindi magkamali. "Ginoong Corpuz?" Untag ko sa kanya. Bahagya niyang ibinaling ang kanyang ulo at kahit na nag-aalinlangan ay pinagsisikapan niya akong sagutin. "Sa totoo lang, hindi ko naalala na nangyari iyan." Bingo! Huli ka na. Lalo akong na-eexcite. "Kaya't may posibilidad na ginahasa mo siya hindi ba? Dahil sa kalasingan mo nagsimula kang gumawa ng mga kahalayan sa kanya," I slurred as if I am like a dragon who is trying to eat her prey. Tumalikod ako at humarap sa Judge. "I have no further questions your honor."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD