CHAPTER 6: Mama

950 Words
Jaydee's POV Isang mabigat na umaga. Marahil dahil ngayon ang unang pagdinig sa kaso, Tulad ng dati, palagi akong ginigising ni Jayem mula sa higaan. Kakain na kami ng agahan na niluto ni Dio, ang pinakamagaling na cook sa members. Tulad ng dati, ang pagkaing inihahanda niya ay palaging mabango at masarap. Nasa hapag-kainan na ang lahat at maingay na kumakain. Nakaupo lang ako sa upuan sa tabi ni Jayem at katabi niya ang room mate niyang si Sean. Sa tabi ni Sean, sina Minx at Dio na kumakain ng tahimik. Sa kabilang side ng lamesa ay sina Loey at Harvey na nagkukwentuhan habang sumusubo ng pagkain. Sa tabi nila sina Kyle at Blake na nagbabangayan dahil sa isang slice ng karne. "Hoy akin na!" Anas ni Kyle. Naiinis siya kay Blake na patuloy na kumukuha ng pagkain sa plato niya. Malamlam ko lang silang pinagmasdan na nakapangalumbaba at wala rin akong gananag kumain man lang. "Uy, bakit hindi ka kumakain?" Napansin ako ni Jayem. Hindi ako nag-abala na magsalita at lahat ay itinuon ang pansin sa akin. Bigla akong naging awkward habang tinitignan ang bawat isa sa kanila na nag-aalala na nakatitig sa akin. "Bakit ganyan kayo makatingin?" Tanong ko na tila hindi komportable. "Kuys, alam namin na may pinagdadaanan ka ngayon, kaya mas lalong kailangan mong kumain okay?" Sabi ni Blake na puno ng pag-aalala sa boses, at nagsimulang ilagay ang mga pagkaing kinuha mula kay Kyle sa plato ko. Si Kyle na kaninang galit kay Blake ay nagsimulang kumuha rin ng isang slice ng karne at inilagay din sa plato ko. Ang lahat ng members ay nagsisimulang maglagay rin ng mga pagkain at ang aking walang laman na plato ay biglang napuno sa isang iglap. "Aweeeeeyyy ... bakit niyo ginagawa 'to? Para naman akong bibitayin nito," bulalas ko. Pero sa totoo lang, naantig ako sa ginawa nila. "Kain na," sabi nilang lahat. Paano ba ako tatanggi sa ito? Sinimulan kong kainin ang pagkain mula sa plato ko at biglang pakiramdam ko ay nagugutom ako ngayon. Habang kumakain kami, nagsimula ulit si Blake sa pagpapatawa. "Kailangan nating kumain ng marami, lalo na ako. Dahil kung makilala ko ang mga masasamang taong nang-aaway kay Jaydee, dudurugin ko sila gamit ang mga kamay ko!" Tumayo pa siya at itinaas ang kamao at hinimas ang muscles ng braso. Pinagtawanan siya ng lahat. "Hoy, tumigil kayong lahat sa pagtawa. Seryoso ako, ninanakaw ng mga taong iyon ang sigla ng bro natin," anito at dahan-dahang umupo ulit mula sa kanyang upuan, siguro nasabi niya iyon dahil masyadp na akong apektado sa sitwasyong ito. "Nga pala, anong nangyari sa plano mong pakikipag-usap sa Lawyer ng kalaban?" Biglang tanong ni Sean. Bumuntong hininga ako at biglang naalala ang nangyari kagabi. "As expected, hindi niya ako pinakinggan," sagot ko na may malungkot na tono. "Pero ang weird mg kinilos niya no'ng hinawakan ko siya," pagpapatuloy ko. Lahat sila ay nagtaka sa sinabi ko. "Anong hinawakan mo siya?" Nang-iintrigang tanong ni Blake. "I mean hinawakan ko ang braso niya malapit sa siko para pigilan siya sa pag talikod, tapos bigla siyang sumigaw at nag-panic," paliwanag ko. "Ahhhh ..." sabay-sabay nilang sabi. "Nanginig pa nga siya," dagdag ko. Sounds exagerated, pero totoong nangyari talaga. At hindi ko maiwasang magtaka kung bakit siya ganoon at hindi ko mapigilang isipin ito. Sa kalagitnaan ng aming almusal, isang hindi inaasahang bisita ang nag-doorbell. "Sino kaya iyon?" Tanong ni Loey. "Bubuksan ko ang pinto," nag-volunteer si Blake at tumayo mula sa kanyang upuan at naglakad papunta sa pintuan. Matapos ang ilang segundo, bumalik siya kasama ang isang hindi inaasahang bisita. "Ma?" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ko ang Mama ko na nakatayo sa likuran ni Blake. "Hello sa lahat," Bati niya sa members. "Hello, Tita," Lahat sila ay sumagot. "Anak ko, kumusta ka?" Humarap siya sa akin. Ang Mama ko ay nakatira sa isang liblib na lugar sa Lalawigan ng Quezon, ang aming bayan kung saan ang balita sa social media ay hindi ganoon kadaling maabot ang mga ito. Mayroong isang TV doon pero wala siyang internet dahil hindi naman daw siya techy at mahilig magbabad sa social media dahil sa tingin niya ay toxic ito. Ang balita tungkol sa akin ay nasa social media lamang at hindi sa TV dahil kinokontrol ito ng SDM Entertainment. Iyon ang dahilan kung bakit malamang ay hindi niya alam ang tungkol sa iskandalong kinasasangkutan ko. Tahimik ang lahat at walang nangahas na magsalita. "Na-miss lang kita anak, kaya nga nagpunta ako rito para bisitahin ka." Parang nadurog ang puso ko sa ideyang hindi alam ng Mama ko ang tungkol sa sitwasyon ko ngayon. Nag-isip agad ako ng alibi. "Ma, sorry po, wala akong oras ngayon dahil busy kami sa concert namin." Tiningnan ko ang lahat na may expression ng pagmamakaawa sa kanila na maki-ayon na lang sa akin. "Ah, opo Tita. Abala kami sa darating na concert, pupunta kami ngayon sa Angency," pagsalo sa akin ni Jayem. "Pasensya na po Ma, babawi ako after ng tour----bibisitahin ko po kayo sa atin," sabi ko naman uli. Tumawa naman ang mama ko. "Ay, hindi mo na kailangang magsorry anak. Okay lang, sapat na para makita kita at malaman na Okay ka," Aniya at ngumiti ng matamis. Ibinigay niya naman sa akin ang bag na hawak niya. "Heto oh, barley tea. Inumin mo 'to palagi para maging malakas ka, kailangan mo iyan sa trabaho mo." Tinanggap ko ito ng may masayang ngiti. "Ang dami naman nito Ma," sabi ko. "Ang batang ito! Siyempre dinamihan ko para i-share mo sa mga kaibigan mo," sagot niya habang nakangiti. "Salamat po Ma."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD