CHAPTER 5: Atake

1455 Words
Angel's POV Umaga na at ngayon ay papasok na ako sa trabaho, lumabas ako mula sa kwarto ko patungo sa labas. Ngunit hindi katulad ng ibang araw, kakaiba ngayon. Pakiramdam ko ay tinatawag ako sa isang sulok ng bahay kung saan nakalagay ang dating CD player ko. Doon ay nakita ko ulit ang Album na iyon. Matagal na mula noong huling pinatugtog ko ang mga kanta no'n. Nanatili akong nakatingin sa direksyong iyon na may blangkong ekspresyon. Parag dinadala ako nito sa malalim na alaala ng nakaraan. "Ma'am?" Untag sa akin ng boses ni Mina na nakatayo na pala sa harap ng pintuan. "Good Morning Ma'am," bati niya at tulad ng nakasanayan, hindi ako sumagot. Sa loob ng halos apat na taon na driver ko sya ay naitanim na niya sa isipan niya na hindi ko siya babatiin, sanay na siya at nakaya niya naman akong pakisamahan sa kabila ng pagiging cold ko sa kanya. "Hey," tawag ko sa kanya. "Yes ma'am?" sagot niya. "Nakikita mo ba iyang album na iyan?" Itinuro ko ang daliri ko papunta sa isang album na nakapatong sa CD player habang si Mina namam ay sumunod ng tingin. "Ah. Opo," sagot niya at tumango. "Itapon mo," utos ko. "Po?" Naguguluhang sagot niya. "Bingi ka ba?" Asik ko naman sa kanya. "Sabi ko, itapon mo!" Pag-uulit ko. Na-realize niya rin sa huli at kahit naguguluhan man siya, ginawa niya rin ang sinabi ko. Naglakad siya patungo sa CD player at kinuha ang album sa ibabaw nito at inilagay sa loob ng kanyang bag. Agad naman akong naglakad palabas ng condo unit ko at nagpunta hanggang sa parking lot. I arrived at the firm five minutes before office hours. Nakita ko ang secretary ko na si Kate na tumatakbo para sa buhay niya, making it sure na mauuna siya sa akin sa pagdating sa opisina. She knows what will happen to her kapag nauna na naman ako sa kanyang makarating sa office. But sorry b***h! Hindi ko papayagang mauna ka sa'kin. Tumatakbo siya mula sa entrance na sinusubukan akong abutan sa pagpasok sa elevator, pero isang hakbang na lang ang layo ko mula sa pag-abot nito at panigurarong nakapasok na ako bago pa siya dumating. Sa wakas ay nakapasok na rin ako. isinara ko na kaagad iyon para hindi siya makasabay sa akin. Better luck next time girl! Ngumisi ako at tinaas ang mga mata ko. Maghanda na siya dahil sigurado akong papahirapan ko siya nang maigi sa gagawin ko sa kanya. Sa wakas, narating ko rin ang 20th floor ng building. Pumasok ako sa opisina at nakita ko ang ilang mga empleyado na nasa kani-kanilang office chairs habang umiinom ng kape. Ang bawat taong nadaraanan ko ay binabati ako pero hindi ko lang sila pinapansin tulad ng lagi kong ginagawa. Sa wakas ay nakapasok na rin ako sa private office ko. Umupo ako sa swivel chair ko, nagpahinga saglit at nakahalukipkip kong hinintay na iluwa ng pintuan ang kawawa kong sekretarya. Makalipas ang ilang minuto, dumating siya na naghahabol ng hininga na para bang sumali siya sa isang marathon. Mukha siyang sobrang stressed at haggard na puno ng pawis sa mukha. Nasira ang maganda niya sanang outfit na bagay sa golden blonde wavy hair niya at pulang lipstick. Sarkastikong ngumisi ako sa kanya at parang naiinis naman ang mukha niya. Alam niya kung ano ang gagawin ko sa kanya. Tumayo ako at kumuha ng isang file na kasing kapal ng isang encyclopedia. "You photocopy this, one copy each." Ibinigay ko ito sa kanya at para siyang masusuka sa pagkalula sa dami ng mga papel na dapat niyang i-photocopy. "Advice ko sa'yo, dito ka na sa office matulog para lagi kang mauna sa akin," panunuya ko. Nang walang anumang reklamo, lumabas lang siya sa office para simulan ang kalbaryo niya. Nakita ko ang isang maliit na butil ng luha mula sa mga mata niya pero wala akong pakialam. Bumalik ako swivel chair ko at nagsimulang magtrabaho. Sa kalagitnaan ng pagiging abala ko ay may Biglang pumasok sa office ko. Tumingin ako sa may pintuan para tingnan kung sino ito. Si Georgina Jimenez, isang Lawyer din na ka-partner ko sa firm na ito. "What?" Tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay ko. "Ano na naman ba ang ginawa mo do'n kay Kate?" Pangongompronta niya. Si Georgina ay classmate ko noong College. Hindi ko siya kaibigan, kaklase lang, period. We both agreed to establish Imperial-Jimenez firm dahil alam namin pareho na matalino kaming klase ng mga babae at mayroon kaming iisang layunin. But eversince we build our company, hindi ko masasabing naging close talaga kami. Well, I am not really that friendly witch. "Bakit? nagreport ba siya sa'yo?" Mataray ko pa rin tanong. Pinasada ko ang daliri sa buhok ko at isinandal ang likod ko sa upuan. "Iyon lang ba ang pinunta mo rito?" Suminghal ako at ngumisi. "Silly," bulong ko pa. "Umiiyak siya sa labas dahil binigyan mo siya ng maraming files para i-photocopy," ani niya at tinaas ang kilay habang nakahalukipkip at nakatayo sa harap ng mesa ko. “Oh come on! Isang taon na mula nang maging secretary ko siya, hindi pa rin siya sanay?" sa pagkakataong ito, sa kabila ng malalaking mata ni Georgina, nagawa niya itong magmukhang maliit dahil sa inis na nararamdaman niya sa akin. “You should all deal with me. I will never change myself for anyone. If you think na babait ako sa kanya dahil kinausap mo ako, it won't happen kaya makakaalis ka na,” masungit kong sabi. Inikot niya ang mga mata at sumuko na lang sa pakikipag argue sa akin. "Whatever," sagot niya at umalis na. I just smirked seeing her leaving my office. Pero wala pa ngang segundo mula nang makaalis si Georgina ay pumasok naman si Kate. Ano bang problema ng mga taong ito? "Ma'am, may naghahanap po sa inyo," sabi niya. Nagtaas ako ng kilay. I have no idea kung sinuman ang taong gustong makipag-usap sa akin. Or maybe, isa lang kliyente iyon. Unti-unti ay bumukas ang pinto at ipinakita sa akin ang taong sinasabing naghahanap sa akin. Walang iba kundi ang magaling na lalaking si Jaydee Corpuz. I know I met him several times already, pero sadyang kakaiba lang ang awra ng pagpasok niya ngayon. "Hi Attorney Imperial," Bati niya. Hindi ako bumati, sa halip ay tinanong ko siya. "Anong ginagawa mo rito?" Sabi ko habang nakataas ang kilay at nakahalukipkip. "Gusto lang sana kitang makausap," he cooed. Lalabas na sana sa office si Kate pero pinigilan ko siya. "Don't you dare step out of this room!" Sigaw ko. Ang kawawang Kate ay bumalik na lang sa kinatatayuan niya. Gumaan naman ang pakiramdam ko. Hindi ko talaga matiis na maiiwan mag-isa kasama ang isang lalaki. Humarap ako kay Jaydee Corpuz at sinimulang bugyain siya. "Mr. Corpuz, sa palagay ko naliligaw ka, hindi ako ang Lawyer mo. Don't be confused, pareho kaming Imperial ng abogado mo pero ako si Angel at siya si Mia,” paliwanag ko habang pekeng nakangiting mapanuya. "Alam ko, ikaw ang gusto kong kausapin," sagot naman niya. "Excuse me?" Hindi makapaniwalang tugon ko. "Alam mo, Wala akong kasalanan. Please tulungan mo ako, hayaan mo akong manalo sa kaso." Napatawa ako ng sobra sa sinabi niya. The audacity of this jerk! Ang lakas ng loob pumunta rito para sabihin iyon? "Seriously? Humihingi ka ng tulong sa akin?" Tumayo ako at napalapit sa kanya na nakatayo sa harap ng aking mesa, humarap ako sa kanya at naghalukipkip. "Nakalimutan mo na bang abogado ako ng kalaban mo?" Mariin kong tanong. Nababaliw ba siya? "Kilala kita, gagawin mo ang lahat para manalo sa kasong ito kahit na inosente ako, kaya nagmamakaawa ako sa iyo. Please, my career is at stake," pagsusumamo niya. Bakit ako magmamalasakit? Tsk! So pathetic. "I believe I can't help you Mr. Corpuz, mali ang taong nilalapintan mo, dapat mong kausapin ang sarili mong abugado tungkol dito. Put your trust in her, alam kong gagawin niya ang lahat para lang talunin ako, it's her ultimate dream, just so you know," paliwanag ko sa kanya. And heck! Hindi ko hahayaang mangyari iyon. Hindi ako magpapatalo sa bruhang Mia na iyon! Tumalikod ako at humakbang pabalik sa upuan ko. Pero nagulat ako nang hawakan niya ako sa kaliwang braso malapit sa siko ko. "Please," Sabi niya. Napahawak ako sa dibdib ko nang magsimulang tumibok ang puso ko ng mabilis. "Ahhhhhhh!" Sigaw ko at nagsimula na akong mag-panic. "What's wrong?" Tanong sa akin ni Jaydee habang sinusubukang hawakan ulit ako. "Huwag mo akong hawakan!" Sigaw ko habang nakaharap sa kanya ang palad ko habang nanginginig dahil sa reaksyon ng katawan nang dumampi ang balat niya sa akin. Inaatake yata ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD