Kabanata 1
Maagang nagising si Winter ng araw na iyon. Today is their school field trip with her grade three students at Del Fierro Academy. Agad siyang naligo at nagbihis ng isang simpleng jeans at t-shirt. Naglagay din siya ng kaunting make-up bago sinipat ng maigi ang kanyang kabuuan sa salamin. Napangiti naman siya nang makuntento siya sa kanyang itsura.
Sabi ng karamihan, siya ang bukod tanging nagmana sa kanyang ina sa kanilang apat na magkakapatid pagdating sa ugali at itsura. Well, totoo naman.
She got her mother's round innocent eyes. Pati ang mahaba at itim na itim nitong buhok ay nakuha niya rin and even her height. Mas mukha pa ngang ate kaysa sa kanya ang bunsong kapatid nilang si Summer kapag nagtabi sila. Mana kasi ito sa tatay niya at maging ang dalawa niyang nakakatandang kapatid na lalaki.
Huminga siya ng malalim bago tumayo na at bumaba na para mag-almusal. Naabutan niya ang kanyang ama na umiinom ng kape habang pinagmamasdan ang kanyang Mama Nahara na nagluluto ng almusal.
"Good morning!" Masigla niyang bati sa dalawa.
Magkasabay na lumingon ang mga ito. Agad na sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ng kanyang ina. "Good morning. Are you ready for the trip?" Tanong nito.
"Yup!" Masigla niyang sagot.
Nang dumako ang kanyang tingin sa Daddy niya, nanatiling pormal ang mukha nito. Well, what would she expect? Rain Azrael Velasquez rarely smiles pwera nalang kung ang kanilang ina ang nagpapangiti dito. Pero kahit pa hindi palangiti ang daddy niya, he loves and treasure them, his children, very much.
"Kung ganun ay maupo ka na. Malapit na 'tong matapos," ani ng kanyang ina.
"Tulungan na po kita, Ma," presinta pa niya.
Her mother is a good cook while her father, well, she can't comment on that. He's terrible as hell!
"No need. Kaunti lang naman 'to. Summer won't eat with us dahil inumaga na ng uwi while your brothers, hindi talaga nakauwi. Ewan ko ba sa mga yan. Saan kaya sila nagmana," buntong hininga nitong sambit.
"Hindi po ba kay Daddy?" Nakangisi niyang wika at napasulyap pa dito.
Her father immediately shook his head. "Of course not!"
"Hindi nga ba?" Tukso naman ng kanyang ina.
The three of them shared breakfast together while talking about random things about her work. It's been three years since she started teaching at the academy. Maybe, it's a small thing to other women whose family status was like hers, pero proud na proud siyang sa edad niyang bente sais, may matatawag na siyang stable job.
"Oo nga pala, you'll be accompanied by bodyguards today since malayo ang pupuntahan ninyo. I will also deploy some of our men to inspect your destination para makasigurado tayo," Rain uttered.
Nakanguso siyang lumingon sa lalaki. "Is it really needed, Dad?"
"Of course. Mas mabuti ng makasiguro tayo. The last time that I let my guard down, something happened to your brother. At ayoko ng mangyari pa ulit ang bagay na iyon."
Wala na siyang nagawa pa kundi ang tumango. Pagkatapos niyang kumain, tuluyan na siyang nagpaalam sa dalawa at sumakay na sa van na maghahatid sa kanya sa academy kung saan niya katatagpuin ang mga kasamahan niya.
"Good morning, Winter!" Bati sa kanya ni Gina, ang isa sa mga guro ng academy na close friend niya.
"Good morning. Mukhang medyo late yata ako ng dating," aniya nang mapansin na marami ng mga bata sa oval.
"Hindi no! Sadyang excited lang talaga ang mga yan kaya napaaga. Wala pa nga ang school bus eh."
Mahina siyang natawa. Noong kabataan niya rin excited siya sa tuwing may field trip sila kaya naiintindihan niya ang mga ito.
"Ganun ba. Halika na. Puntahan na natin ang mga bata para mahanay na natin sila incase na darating na ang sasakyan," aya niya sa babae.
Sumang-ayon naman ito at sumunod na sa kanya. Minutes later, they gathered their students since pareho naman ng grade ang estudyante nila ni Gina. Magkaibang section nga lang.
"Excited na ba kayo for the trip?" Tanong pa niya sa mga ito.
"Yes po, Teacher Winter!" Sabay-sabay at malakas na sagot ng mga ito.
"Kung ganun, dapat behave tayo kapag nakarating na doon, okay? Tapos makikinig kay teacher, ha? Kapag walang pasaway, magbibigay ng gifts si teacher sa inyo."
Sa sinabi niya at tuwang-tuwa ang mga ito at nagtatalon pa. "Thank you po, teacher!"
Napangiti naman siya habang pinagmamasdan ang masasaya nitong mga mukha. Pakiramdam niya punong-puno ang puso niya sa tuwing nakikita niyang masaya ang lahat sa paligid niya, hindi lang bata kundi pati narin ang mga kagaya niya.
"Kaya halos ayaw na ng mga batang yan na umalis ng grade three dahil gustong-gusto nila ang teacher nila," ani ng isang pamilyar na boses.
Nang lumingon siya ay bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Ariel, ang isa sa mga co-teacher nila na naka-assign sa sa Grade five.
Gwapo si Ariel, matangkad at neat kung manamit. Crush nga ng karamihan sa mga teacher na kasamahan nila ang lalaki. Kung tutuusin ay papasa din naman kasi ito bilang artista at mas malaki pa ang kikitain nito. Pero pinili ni Ariel ang pagiging teacher dahil ito ang nais ng lalaki.
"Hello, Sir Ariel," magalang niyang bati.
"Kumain ka na ba? Aalis na tayo maya-mayang konti."
"Tapos na po. Kumain po ako sa bahay bago ako umalis."
"Ganun ba? Sayang naman. Aayain pa naman sa sana kitang kumain," nanghihinayang nitong sambit.
"Ako po, Sir Ariel hindi pa ako kumain. Tayo nalang ang magsabay!" Presinta ni Gina.
Napansin niya ang pilit na ngiti ni Ariel bago umiling. "Ahm, pinapatawag pa nga pala ako ng principal. Maiwan ko muna kayo," anito at iniwan na sila.
Nakanguso naman si Gina habang nakatitig sa papalayong bulto ni Ariel. "Tsk! Mukhang may gusto parin sayo si Sir Ariel ah."
Mahina siyang natawa. Noong nakaraang taon lang dumating si Ariel sa academy. Makalipas ang isang buwan ay niligawan siya ng lalaki. Pero dahil wala pa sa isipan niya ang pakikipagrelasyon, binasted niya ito. Isa pa, sa kabila ng angkin nitong gandang lalaki, wala naman siyang nararamdaman para rito. But she's happy that they still stayed friends kahit na minsan nagpapahapyaw parin ito sa kanya.
"Hayaan mo na. Makakahanap din siya ng babaeng para sa kanya," buntong hininga niyang wika.
"Sayang talaga. Kung ako lang ang niligawan niyan, sasagutin ko yan agad. Kaso palong-palo siya sayo. Hindi ko rin naman siya masisisi. Ang ganda mo kaya. Kamukha mo yung tita mo na model."
Hindi na siya nagkomento pa sa sinabi ni Gina at ilang sandali pa, dumating na ang bus sa sasakyan nila. At dahil hanggang grade six ang kasali sa field trip, anim na na malalaking buses na provided mismo ng academy ang gamit nila.
Matapos makapwesto ng mga estudyante, isa-isa ng umandar ang bus. Magkasama parin sila ni Gina dahil sila mismo ang nagpapafacilitate ng mga estudyante nila. At dahil halos tatlong oras ang byahe papunta sa destinasyon nila, nakatulog na ng halos lahat ng estudyante na kasama nila. Maging siya nga ay nakaramdam na ng antok lalo pa't maaga siyang nagising kanina.
"Idlip ka muna. Gigisingin nalang kita maya-mayang konti," suhestiyon ni Gina.
"Paano ka?"
"Hindi ako inaantok. Naka-energy drink ako eh."
"Sigurado ka?"
"Oo naman. Ako na muna ang bahala sa mga bata. Tulog din naman ang mga yan kaya walang problema."
Tumango siya at sumandal na sa kanyang kinauupuan. Mabilis lang din naman siyang hinila ng antok kaya't hindi na niya namalayan kung ano ang nangyari. Nagising nalang siya dahil sa ingay ng sigaw at iyak ng mga bata.
Agad siyang nagmulat ng mga mata at inilinga ang tingin sa paligid. Mabilis na nawala ang antok na nararamdaman niya nang makita ang ilan sa mga armadong mga kalalakihan ang pumasok sa loob.
"A—anong nangyayari?" Natataranta niyang sambit.
Hinanap ng kanyang mga mata si Gina at nakitang naroon ito sa unahan habang yakap-yakap ang ilan sa kanilang estudyante. Akmang lalapit siya sa mga bata na pinakamalapit sa kanya para patahanin ang mga ito nang magpaputok ng baril ang isa sa mga kalalakihan.
"Tahimik! Kapag nakarinig ako ng anumang ingay, babarilin ko sa ulo!" Singhal nito.
Mabilis din namang naunawaan ng mga estudyante ang sinabi ng estranghero. Tahimik na umiyak ang mga ito habang tinatakpan ang mga bibig.
Maging siya ay napaiyak narin. Where are her bodyguards? Bakit hinayaan siya ng mga ito na maipit doon? Why is there no rescue? Kailangan niya ang mga ito para sa kaligtasan ng mga estudyante niya!
O baka naman... Baka naman... Napasulyap siya sa mga hawak nitong baril. Her father is a mafia boss kaya may ideya siya sa mga kalibre ng baril dahil marami namang ganun sa mansion nila. And the men infront of them were holding a high caliber of guns!
Inilinga ng isa ang mga mata nito sa paligid hanggang sa dumako sa kanya. Ngumisi ang lalaki bago naglakad papunta sa gawi niya. Nakaramdam naman siya ng labis na kaba habang nagdarasal na sana may dumating na saklolo mula sa pamilya niya.
"Nandito ang target!" Sigaw nito.
Pumasok pa ang ilan sa mga kasama nito at sapilitan siyang dinampot.
"Bitiwan niyo ako! Ano bang kailangan niyo sa’kin?"
"Manahimik ka at sumama ka nalang samin o pasasabugin ko ang bungo ng batang 'to!" Nanlilisik ang mga mata nitong asik sabay tutok ng baril sa isa sa mga batang kasama nila.
Mabilis siyang huminto sa pagpupumiglas at kahit labag sa loob niya, sumama siya sa mga lalaki pababa ng bus.
"Saan niyo ba ako dadalhin?" Umiiyak niyang tanong.
Wala siyang nakuhang sagot mula sa mga ito bagkus ay isinara ng mga ito ang pintuan ng bus habang ang iba nitong mga kasamahan ay may kanya-kanyang dalang container at sinimulan na ng isaboy ang laman sa paligid ng bus.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtanto kung ano ang laman ng container.
Gasolina!
They're planning to burn the bus with the children and Gina inside!
"Hindi!" Sigaw niya at muling nagpumiglas mula pagkakahawak ng dalawang lalaki sa kanya.
Subalit ilang sandali pa'y walang pag-aalinlangang sinindihan ng isa sa mga lalaki ang lighter nito sabay hagis papunta sa bus. Agad na nagliyab ang apoy. Halos mabaliw na siya sa pagsigaw at pagpupumiglas pero wala siyang magawa. At dahil hindi na nakayanan pa ng sistema niya ang nangyayari, unti-unti siyang nanghina hanggang sa nagdilim na ang paningin niya…