KABANATA 64: REUNIDO CON MI AMOR

2105 Words

Tinitigan lamang ako ng lalaking nakausap ko at saka hindi pinansin. Bakas sa kaniyang mukha na hindi niya ako pinaniniwalaan. Napangisi lamang ito sa akin at saka pinagtabuyan ako. “Naku hija, umalis ka na lamang dito sa aming lugar. Wala akong panahon upang makipagbiruan sayo. Hindi alam ng mga Kastila na dito kami nakatira at saka hindi naman kami konektado sa kanila at wala kaming planong makipagkasundo sa kanila. Ang gusto lamang namin ay manirahan dito nang tahimik. Saka na lamang kami lalaban oras na kami na ang sugurin nila,” sagot nito sa akin sa matulis na mga mata. “Pero, seryoso ako. Narinig ko ang usapan ng mga tauhan ni Gob. Sebastian na magtutungo sila rito upang sugurin kayo dahil ang akala nila ay may koneksyon kayo sa Katipunan,” sabi ko naman sa kanila. “Umalis ka na!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD