Tuluyan akong iniwan ni Juancho. Hindi tulad noon na hindi niya maatim na magkaroon ako kahit na maliit lamang na sagot, ngayon ay wala na itong malasakit sa akin. Nanunuyo na ang kniayang pag- ibig na ang akala ko noon ay magtatagal. Nanghihina akong lumapit sa batisan upang linisan ang sugat kong ito. Nakadama man ako ng hapdi, ngunit pinilit ko pa rin ang sakit upang hindi lang ito maimpeksyon. Tumutulo ang luha ko habang nililinisan ang sugat ko hindi dahil sa sobrang sakit nito, bagkus nasasaktan ako sa pag- iwan sa akin ni Juancho. Nangungulila ako sa kaniyang mga halik. Nang akin siyang hinalikan kanina, wala akong naramdamang bugso ng damdamin. Hindi ko alam kung ano ang nag- udyok sa kaniya upang gantihan ang mga halik na iginawad ko sa kaniya, ngunit ang sigurado ko lamang ay a

