KABANATA 4: LA CARA REAL

3028 Words
Noong narinig ko ang pangalan niya ay nanginig ako sa takot at pangamba. Hindi ako nagkakamali, siya 'yon. Siya ang trumaydor sa ating bansa. "Anong nangyayari sa'yo, Maya? Bakit namumutla ka riyan?" tanong ng ama ni Juancho. Napansin ni Enrique ang takot ko habang naghahapunan kami rito kina Juancho. Napansin din naman iyon ng ama at kapatid ni Juancho, kaya pinasinungalingan ko na lamang ang totoong dahilan. "Wala po, natakot lang po a-ako... sa ikinuwento ni J- Juancho kanina habang p- pauwi kami," I said in a trembling voice. Hindi ko mabigkas nang maayos ang pangalan niya. Sobrang sakit na ng dibdib ko sa kakakalabog ng puso ko. "Pasensya ka na, Maya. Hindi ko sinasadya." Juancho apologized even though he did nothing wrong. It was just pure accusations and judgments. Nakokonsensya ako dahil hindi naman niya kailangan humingi ng tawad kasi wala naman siyang kasalanan. I'm still wondering, because his actions and behaviors contradict on what the history says. I know he was a brutal and inhumane traitor, pero bakit ganito niya kami pakitunguhan? Mayroon ba siyang maitim na plano para sa amin? Nilalamon na ako ng kuryosidad ko. "Kanina ka pa nakatulala riyan ha, iniisip mo pa rin ba 'yung sinabi ko sa'yo kanina?" Juancho sat beside me outside their house. Nagpapahangin lamang ako rito dahil kanina pa kumakalabog ang puso ko sa kaba. Iniwan ko muna si Enrique sa loob dahil nagku-kwentuhan pa sila ng ama ni Juancho. "H- Hindi, ayos lang a- ako. Nagpapahangin l- lang ako rito," pinasinungalingan kong sagot habang nanginginig sa kaba. Ewan ko pero kahit na alam kong siya si Juancho Gabriel ay ang gaan pa rin ng loob ko sa kaniya. Dama ko rin namang tapat at totoo ang bawat kilos at ugali niya sa amin. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung paano naging traydor ang isang inosenteng taong ito. "Alam mo ba na ang ibig sabihin ng Maya sa salitang Español ay 'ilusyon' at ang Hermosa naman ay 'maganda'?" Nagulat ako sa sinabi ni Juancho na ito. Nakatingin lamang siya sa mga bituin sa kalangitan habang sinasabi ito. Hindi ko alam na marunong din pala siyang magsalita ng Español. "Ano ibig sabihin no'n?", pagtatakang tanong ko sa kaniya. "Magandang ilusyon, magandang ilusyon ang kahulugan ng pangalan mo...," humarap siya sa akin at saka'y ngumiti. Hindi ko alam kung mamamangha ba ako o malulungkot sa sinabi niyang ito. Maganda man ito pakinggan sa mga tainga, ngunit kapag inanalisa mo naman ang totoong kahulugan nito ay dudurugin ka. Walang ilusyon ang maganda, dahil lahat ng ilusyon mapanlinlang. Lumipas ang buong gabi na wala akong tulog. Sobra pa rin akong nangangamba na matulog sa iisang bubong kasama ang traydor sa kasaysayan kahit pa sabihing magaan ang loob ko sa kaniya. Ayokong ibigay ang buong tiwala ko sa kaniya dahil baka sa huli ako lang ang maging kawawa. "Kumusta ang tulog mo, Maya?", pag-aalalang tanong sa akin ni Enrique. Sobrang bangag ako kinabukasan dahil miski sampung minuto ay hindi ako nakaidlip sa kaiisip. "Enrique, may sasabihin ako sa'yo. Do'n tayo sa labas." Gustong gusto ko na ipaalam sa kaniya ang totoong katauhan ni Juancho. Hindi ko pa man siya ganoon kakilala pero gusto ko lamang malaman ni Enrique ang posibleng kapahamakan na matamo namin kapag kasama namin si Juancho. Hinila ko si Enrique papunta sa ilalim ng punong mangga, at nagpasya kaming umupo sa isang ugat na nakausli sa lupa. "Anong problema, Maya? Bakit kagabi ka pa nababalisa at namumutla riyan?", tanong ni Enrique. "Enrique, diba alam mo namang AB History ang course ko? Pinag-aralan kasi namin na...." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil pinipigilan ako kalabog ng puso ko. "Na?", Enrique asked curiously. Naniningkit na ang mata niya sa sobrang kuryosidad sa aking sasabihin. "Na si Juancho ang... pumatay sa mga Katipuneros." My voice was shaking the moment I confessed it to him. Nakita ko ang naging reaksyon ni Enrique sa sinabi ko, at nahalata ko sa kaniya ang takot na kagabi ko pa nararamdaman. "Sabi na nga ba masama 'yong taong iyon. Kaya pala hindi magaan ang loob ko sa lalaking 'yon." he said. "Pero hindi pa naman ako sigurado ro'n Enrique kaya maghunos dili ka riyan," pagpipigil ko pa sa kaniya. "Tara na umalis na tayo dito baka patayin pa tayo ng pamilya niya." Sa gitna ng aming pag-uusap ni Enrique, biglang narinig namin si Juancho na nasa likod namin. "Bakit kayo aalis? Saan kayo tutungo?", maamong tanong ni Juancho. Hawak hawak niya ang isang palakol na ginagamit nila sa pagsisibak ng kahoy, na nagdulot ng mas matinding takot sa amin ni Enrique. "Huwag na huwag kang lalapit sa amin! Lumayo ka." Enrique was covering me, protecting me from the uncertain jeopardy from Juancho. Nakaharang ang isa niyang kamay kay Juancho upang pigilan ito sa paglapit. Nasa harap namin ang isang walang kamuang-muang sa nangyayari na si Juancho. Gulat na gulat siya sa ikinikilos namin ni Enrique. "Ha? Bakit naman? May nagawa ba akong mali sa inyo?" Juancho said, figuring out what he has done for us to act this way. Kitang kita ko sa nangungusap niyang mata na inosente siya, at walang bahid ng kasamaan. Ang dating takot na nararamdaman ko mula sa kaniya ay unti-unti nang napalitan ng konsensya. Sigurado akong mabait siya, at maling mali ang ginawa namin na hinusgahan agad siya nang hindi namin kinikilala ang tunay na pagkatao niya. Unti-unti akong umalis sa likuran ni Enrique upang sana ay humarap kay Juancho. May pangamba mang nakadikit sa aking puso, ngunit gusto ko itong madaig ng tapang. Enrique keeps of preventing me walking towards Juancho, ngunit nagpupumiglas ako. Nang ako ay nasa harap na ni Juancho, lumuhod ako upang humingi ng tawad mula sa mapangmata naming isipan sa kaniya. "Patawad, Juancho...." Nakayuko lamang ako habang binibigkas ng mga labi ko ang mga katagang ito, dahil alam kong hindi siya masamang tao tulad ng naiisip namin. Pinipilit naman akong itayo ni Enrique ngunit hindi ako nagpapapigil. "Bakit ka naman humihingi ng patawad? Wala ka namang nagawang masama sa akin." Tumayo ako upang yakapin nang mahigpit si Juancho. Nabitiwan ni Juancho sa lupa ang dala dala niyang palakol. I was crying while embracing him. I keep on apologizing to him. "Pasensya ka na talaga, Juancho." I walked out away from them. I left Juancho hanging on his own curiosity. Sinundan naman ako ni Enrique sa aking dinaraanan. Habang sinusundan niya ako sa aking paglalakad, tinatanong niya ako kung bakit ako lumuhod at humingi ng tawad kay Juancho. Hindi ko na lamang pinapansin itong mga tanong niya at nagpapatuloy lamang ako sa paglalakad, hanggang sa hinila na lamang niya ang braso ko na nagpatigil sa mabilis kong paglalakad. "Ano ba, Maya! Anong nangyayari sa'yo?" Nag-iinit na sa galit si Enrique. Ayaw na ayaw niya akong nagmumukhang kawawa kaya nama'y galit na galit ito sa akin ngayon. "Mabait siya Enrique! Hindi ko alam bakit bigla na lamang natin siyang hinusgahan nang hindi siya kinikilala. Paano kung mali pala ang nalalaman ko at nailagay natin siya sa alanganin nang dahil lang sa pag-aakala nating masamang tao siya. Enrique, kinakain ako ng konsenya ko!" Bumuhos na naman ang mga luha ko pabagsak sa aking pisngi. I brushed my fingers on my cheeks to wipe away my tears. Enrique hugged me tightly while keeps on saying sorry. "Pasensya ka na, Maya." He even hugged me more tightly. I don't know why I feel this way. Masyado akong nadala sa kabutihang loob ni Juancho. Gustuhin ko mang magalit sa kaniya dahil siya nga ang traydor ng Filipinas, pero nananaig pa rin sa puso ko ang tunay niyang pagkatao. Tutulungan ko ang taong ito mapigilan kung ano man ang nakatala sa kasaysayan. Wala na akong pakialam kung magalit man ang mga dalubhasa ng kasaysayan sa gagawin kong pagbabago na ito, but all I want to do is to alter his fate of being a traitor. Gusto ko siyang makilala hindi bilang traydor, kundi isang tanyag na bayani sa kasalukuyan. Habang nakayakap ako kay Enrique, nakita ko si Juancho na nakatingin lamang sa amin. Nakangiti siyang nakatingin sa amin sa malayo. Nanlalambot ako sa mga ngiti niyang napakainosente. Bumitaw ako sa pagkakayakap ko kay Enrique at lumapit ako papunta kay Juancho. "Juancho, tara uwi na tayo," nakangiti kong sabi sa kaniya. He also smiled back at me, and the three of us started walking to Juancho's house. Simula noong humingi ako ng kapatawaran kay Juancho para sa panghuhusga namin ay mas gumaan ang dibdib ko. Tila nawala ang isang punyal na nakatarak sa puso ko. Habang nasa bahay kami, nadatnan namin ang kapatid ni Juancho. Base sa pagkakarinig ko, Elena ang pangalan niya. Naghahanda siya ng aming kakainin para sa aming tanghalian. Naghanda siya ng iilang nilagang saging at kanin upang pagsalu-saluhan naming apat. "Oh, andiyan na pala kayo. Kumain na tayo, nakahanda na ang pagkain sa hapag," pang-aalok ng tatay ni Juancho. Pumasok na kami sa munting bahay nila Juancho upang kumain na ng tanghalian. Habang kumakain kami, panay ang kwentuhan nilang mag-ama sa iba't-ibang mga bagay. Mahahalata mo na sobrang lapit ni Juancho sa kaniyang ama, sa kaniyang pamilya. Nakasisiguro rin akong totoo ang pakikitungo niya sa amin ni Enrique. Nang matapos kami sa pagkain ay lumapit sa akin si Elena upang ibigay ang kasuotan na dapat kong suotin sa panahon na ito. "Ate, ito ho muna suotin mo baka kasi makita ka ng mga gumagalang Kastila rito at matipuhan ka. Medyo... maigsi po kasi 'yong suot mo," Elena said. Binigyan niya ako ng isang lumang camiseta at isang kayumangging saya. Si Juancho ay kasalukuyang nililigpit ang aming mga pinagkainin, samatalang si Elena naman ay narito rin sa labas, nagwawalis sa kanilang maliit na bakuran. Gusto kong makipagkwentuhan sa kapatid niyang si Elena. Gusto kong mas makilala pa si Juancho, kaya'y lumabas ako at magtatanong-tanong ako rito sa kapatid niya. Nang magawi ang tingin sa akin ni Elena, pinasalubungan ko siya ng ngiti at sumenyas na lumapit sa akin. "Bakit po, ate? May kailangan po ba kayo?" Nakangiti si Elena habang sinasabi ito. Maganda si Elena, nahahawig ang mukha niya sa kuya niyang si Juancho. Parehas na parehas ang kanilang ilong at mata, mas morena nga lang si Elena kaysa kay Juancho. Balingkinitan ang kaniyang pangangatawan at may katangkaran din siya wangis ng kaniyang kuya. "Ay, wala naman. Gusto ko lang makipagkaibigan sa'yo." Kailangan kong makuha ang loob niya upang maging komportable siya sa pagkukwento patungkol sa kanyang kuya. "Ah, ako nga po pala si Elena. Elena Martina Gabriel. Labingwalong taong gulang po ako." Her smile was very wide. She really is a good girl. Ang ganda ng pagpapalaki ng ama nila sa kanilang magkapatid. Her father raised them well. Mabubuti silang tao, hindi mo sila kakikitaan ng ugaling masama. "Ako pala si ate mo Maya, Maya Ysabelle Hermosa. Dalawampu't isang taon na ako ngayon." I shook her hand with a smile on my lips. Kung gaano kagaan ang loob ko sa kuya niya, ganoon din sa kaniya. Napakainosente rin nitong babae na ito. She's a pure and warmhearted girl. "Kumusta pala pag-aaral mo, mahirap ba?" I asked her without even knowing if she's studying or not. Ngumiti lamang siya ulit sa akin, ngunit sa kaniyang pagngiti ay nangingibabaw ang hinagpis. Kitang-kitang sa kaniyang mga mata ang kalungkutan. "Hindi po ako nag-aaral, Ate. Isa lamang po akong hamak na Indio. Walang pinag-aralan, walang pangarap sabi nila, at walang patutunguhan sa buhay." Her tears fell down on her cheeks. She's grieving, sa tingin ko ilang taon niya nang kinikimkim ito. "Bakit? Hindi ba libre ang pag-aaral niyo rito?", I asked her. "Mayayaman lang po ang nakakapag-aral sa panahon ngayon, diba? Kapag mahirap ka, wala kang bilang sa lipunan. Isa ka lamang utusan, dukha, at mababang uri ng tao." Ang sakit sakit ng mga salitang binibitawan ni Elena. Bawat salitang binibigkas ng labi niya ay tumutusok sa puso ko. Mahirap maging mahirap, dama ko 'yon, ngunit iba ang ang mahirap sa panahong ito. Kakawawain ka lamang ng mga taong mas nakatataas sa'yo. Mas masahol pa sa hayop ang turing nila sa'yo. "'Yung kuya mo, si Juancho, nakapag-aral din ba siya?", tanong ko ulit sa kaniya. "Nakapag-aral si Kuya Juancho. Pinaaral siya ni Tiya Pia sa Maynila, ngunit umuwi rin ang Kuya ko dahil hindi niya natiis ang matinding pangmamaliit at pangmamaltrato sa kaniya ng pinsan ni Papa." Mas naging mainit ang kuryosidad ko kay Juancho nang malaman ko ang lahat ng ito kay Elena. "Bakit? Ano bang ginagawa ng Tiya Pia niyo kay Kuya Juancho mo?", I asked her. "Minsan, hindi siya pinapakain ni Tiya Pia sa buong araw. Kung papakainin man siya, mas masahol pa sa pagkain ng baboy ang ipapakain sa kaniya, laging panis at inaamag. Madalas pa siyang pagbibintangan na nagnanakaw raw siya ng pera at gamit sa kanilang bahay. Tapos wala siyang maayos na tulugan, lagi siyang pinatutulog sa sabsaban ng alaga nilang tupa." Hindi ko in-expect na naging ganito kahirap ang pinagdaanan ni Juancho para lamang makapagpatapos. Sobra akong hanga sa katatagan at katapangang ipinamalas niya. "Ano namang naging reaksyon ni Juancho?" "Sabi ni Kuya Juancho, ayos lang daw ito sa kanya para daw makapagtapos siya at maiahon ang pamilya namin sa kahirapan, kaso hindi na raw niya talaga masikmura ang labis na pangmamaltrato na nararanasan niya sa kamay ni Tiya Pia. Ikinuwento niya sa akin na gabi-gabi raw siya umiiyak at nangungulila sa amin ni Papa, kaso wala naman siyang magawa dahil ito lang daw ang alam niyang paraan upang mabigyan kami ng magandang kinabukasan." Unti-unting bumabagsak ang malalaking butil ng luha mula sa mga mata ni Elena. Maging ako ay nagiging emosyonal na rin sa mga naririnig kong paghihirap ni Juancho. "Bakit siya tuluyang tumigil sa pangarap niyang makapagtapos?" "Sabi niya, sobrang pagod na raw siya. Hindi na raw niya kayang tiisin lahat ng paghihirap. Sobrang laki ng ipinayat ni Kuya Juancho no'n. Madalas din siyang hinihimatay at nawawalan ng malay dahil minsan wala siyang pagkain sa buong araw. Tubig lang ang tanging bumubusog sa kumakalam niyang tiyan." "Ang tapang ng Kuya mo. Ang tapang ng pamilya niyo." I said. "Siguro kung ako ang malalagay sa sitwasyon niya ay mas pipiliin ko na lang kitilin ang buhay ko kaysa sa mamuhay habang unti-unting pinapatay." Tama lang pala ang ginawa kong paghingi ng tawad kay Juancho. Hindi ko akalain na ganito siya katapang para harapin ang mga hamon ng buhay na ibinabato sa kaniya. "Ang sabi ni Kuya, mag-aral daw ako para hindi ako magaya sa kaniya. Pipilitin daw niya akong pag-aralin upang ako raw ang tumupad ng mga pangarap niya para sa amin. Maghahanap daw siya ng pagkakakitaan para masustentuhan ang pag-aaral ko," kwento pa niya. "Ano namang nangyari?", tanong ko pa. "Sabi ko sa kaniya, ayos lang kahit hindi na ako mag-aral. Sa halip na aksayahin pa namin 'yung pera sa pag-aaral ko, sabi ko ilaan na lamang niya iyon upang makapagpasimula ng negosyo." Unti- unti nang umaayos ang lagay niya. Nawala na ang lungkot na kanina pa namumutawi sa kaniyang tono ng pananalita. "Marunong ka naman magbasa at magsulat, diba? Nakita kita kasi kagabi, nagsusulat ka." Nginitian ko siya upang mas gumaan ang aming pag-uusap. "Ah, oo naman po. Si Kuya pa nga po mismo ang nagturo sa akin magbasa at magsulat eh. Tinuruan niya rin po ako ng ilang salitang Español na kaniyang natutunan sa paaralan." Halata na ang galak sa mga mata niya. Napawi na ang hapis na matagal nang nakadikit sa kaniya. "Oh? Edi maganda! Sobrang swerte mo na magkaroon ng kapatid, kuya na katulad niya. Buti ka pa may kuyang pwede hingan ng tulong." I smiled awkwardly. Wala lang, nainggit lang ako sa kanya sapagkat naranasan niya magkaroon ng kapatid, samantalang ako simula pagkapanganak ay nag-iisa lamang. Walang maiiyakan, walang mapagkukwentuhan, at walang mahihingian ng tulong kapag nangangailangan. "Bakit Ate Maya? Wala ka po bang kapatid?", tanong ni Elena. "Wala, Elena. Pero ayos lang, kasi alam mo mas tumatag at mas tumapang ako dahil natuto akong gawin at diskubrehin ang mga bagay bagay nang ako lang mag-isa," pagpapalusot ko. Pilit kong pinagtatakpan ang puwang sa puso ko na matagal nang nangungulila. "Nasaan po ang mga magulang mo Ate Maya? Bakit parang nag-iisa ka nalang po sa buhay?", tanong ni Elena. "Ah, ulilang lubos na ako Elena. Bata pa lamang ako namatay na si Papa at Mama. Tapos nitong nakaraan naman, iniwan na rin ako ni Papa Lolo. Kaya, mag-isa na lang ako ngayon. Ganoon talaga, 'yon lang ang hindi mo mapipigilan sa buhay na ito, ang pagkamatay ng mga minamahal mo sa buhay." "Pasensya na po sa tanong ko Ate Maya. Hindi ko po sinasadya," malungkot na sabi ni Elena. "Ay, hindi. Ayos lang 'yon, Elena, ano ka ba!" "Oh ano namang pinagkukwentuhan niyo riyan?" Nagulat ako sa biglang pasok ni Juancho sa aming pag-uusap. Pinunasan ni Elena ang kaniyang mata upang maalis ang mga bakas ng luha. Pinunasan ko na rin 'yong akin. "Umiyak ba kayo? Bakit namumugto mga mata niyo?", dagdag na tanong pa niya. "Wala 'to, Juancho. Napuwing lang kami, medyo malakas kasi 'yong hangin kanina." Wala na akong ibang naiisip na pagpapalusot kundi ito lamang. "Gano'n ba?" Bakas sa mukha ni Juancho ang hindi paniniwala sa amin. "Oo, Juancho, ano ka ba." I said. "Oh siya, babalik na ako sa loob. Maiwan ko muna kayong magkapatid d'yan. May sasabihin lamang ako kay Enrique." Iniwan ko na sina Juancho at Elena sa labas ng kanilang bahay. Sa aking pagpasok ng bahay nila, nadatnan ko ang nakanganga at tulog na tulog na si Enrique. Inistorbo ko ang mahimbing niyang tulog upang ipamalita itong nalaman ko tungkol kay Juancho. "Hoy! Gising, Enrique!" Sinampal ko siya upang magising sa kaniyang pagkakatulog. "Ay potangina." Nagulantang ako sa malakas na pagkakamura ni Enrique dala ng gulat niya sa aking pagkakagising. Nagulat din maging sina Elena at Juancho na napatingin sa aming dalawa ni Enrique. "Bwisit ka, Maya. Humanda ka sa'kin," pambabanta pa niya. "Ang iyong masalimuot na karanasan ang humulma sa kung sino ka ngayon"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD