KABANATA 3: CRUZAR

2935 Words
Enrique and I are now roaming around this vintage forest. Napag-alaman namin na kami ay nasa Baliuag, Bulacan; same place where we left. Eternomaravillas brought us to the same forest where the portal appeared, but in different time. Sobrang iba ang lugar na ito. Hindi ganito ang lugar namin sa probinsya. Though our place in province is old-fashioned, but this is way older. Some trees are still standing, marami pang puno sa kakahuyan kumpara sa kung ano siya sa kasalukuyan. Akala ko ang mga ganitong lugar ay sa palabas ko lamang makikita, but I can see them with my two eyes. Habang naglalakad kami papunta sa bayan, nabangga ako ng isang lalaking nakasakay sa isang bisikleta, kaya naman ako ay natumba sa kinatatayuan ko. "Pasensya na, Binibini," he said. I was in awe when I saw him. He is very manly yet his face is very innocent, napakaamo ng mukha niya 'yung tipong hindi gagawa ng kabulastugan. Nakasuot siya ng camisa de chino na tinernuhan ng isang kupas na kayumangging pantalon. Bakas sa mukha niya at kasuotan na siya isang Filipino. Sa tingin ko kasing-edad lamang namin ito dahil hindi pa siya ganoon katanda katulad ng nakita naming mga kalalakihan doon sa kakahuyan. "Ay hindi, ayos lang." I replied and stood up as if nothing happened. "Ayos lang ba talaga? Tumutulo nga 'yung dugo sa tuhod mo, tapos ayos lang?", Enrique said irritably. Doon ko lamang napansin na may sugat na pala ako sa tuhod, at tama si Enrique, medyo nagdurugo nga ito. "Pasensya na ho talaga, hindi ko po sinasadya. Nagmamadali po kasi ako dahil manganganak na po 'yung alaga naming baboy." Halata sa mukha niya na hindi niya talaga sinasadya. "Paano nang gagawin natin dito? Mag-ingat ka naman kasi kapag nagbibisekleta ka, nakakaperwisyo ka ng tao." Nag-uusok na ngayon sa galit si Enrique na animo'y nakapatay ng tao ang bumangga sa akin. "Ano ba Enrique, ayos nga lang ako," mahinahon kong sabi upang hindi na lalong mag-init pa ang galit ni Enrique sa lalaki. "Dalhin ko na lang po kayo sa bahay, gamutin po natin ang sugat mo para hindi na po mas lumala pa," ani ng lalaki. "Paano naman kami na makakasigurado na ligtas sa bahay niyo? Baka mamaya, kung ano pang gawin ng pamilya mo sa amin." Hindi ko na mapigilan ang inis ni Enrique. Namumula na ang mga pisngi niya sa galit sa lalaki, at kaunti na lang ay masasapak na niya ito. "Huwag ka ngang OA, Enrique. Diyos ko, ang layo layo nito sa bituka." I said. "Sige, isama mo kami sa inyo para malinisan itong sugat ko. At ikaw Enrique, kung ayaw mo sumama, d'yan ka lang ha!" Naiinis na rin ako kay Enrique dahil sa ka-OA-han niya. Maliit lang naman na gasgas ito, hindi naman ako mamamatay dito no! Inilabas ng lalaki ang kaniyang panyo upang itali sa tuhod ko para maiwasan ang pagdurugo. I smiled at his concerned action, at napansin ko namang hindi pa rin maayos ang loob ni Enrique. Habang itinatali ng lalaki ang panyo sa tuhod ko, nakita kong malayo ang tingin ni Enrique na bakas pa rin ang galit. "Iaangkas na kita, Binibini, baka kasi hindi ka makalakad nang maayos. Medyo malayo-layo pa kasi ang bahay namin," the man said. Inunahan ko na si Enrique dahil paniguradong hindi na naman papayag 'yon. "Ay sige, mabuti pa nga. Medyo masakit din kasi itong sugat ko," pabebe kong sagot habang kunwari'y iniinda ang sugat kong hindi naman talaga masakit. Gusto ko mas galitin pa si Enrique, at kitang-kita ko kung paano siya nainis sa inasta ko sa lalaki. "Hindi po kasi tayo kasyang tatlo dito sa bisekletang ito, kaya po maglalakad po kayo," the man said while looking at Enrique. Nakita ko kung ano ang naging reaksyon ni Enrique kaya sobra akong natawa. Tinatawanan ko na lamang si Enrique habang sumasakay sa bisekleta, kaya't mas lalo pa siyang nainis. Medyo cute din pala si Enrique kapag naiinis ah, ngayon ko lang napansin. Dahil trip kong mas inisin pa si Enrique, niyakap ko sa tiyan ang lalaki habang nakaangkas sa likod ng bisekleta niya. Bigla namang nanlaki ang mata ni Enrique, at pilit na inalis ang braso kong nakalingkis sa katawan ng lalaki. "Hoy Maya, ano ba 'yang ginagawa mo. Hindi ka ba nahihiya sa kanya?" inis na sinabi ni Enrique. "Bakit ba, baka mahulog ako sa bisekleta kaya kailangan kong kumapit," pang-aasar kong sagot kay Enrique. "Ayos lang po kahit kumapit siya sa akin," ani ng lalaki. Noong sinabi ng lalaki 'yon ay bigla akong dumila kay Enrique upang asarin. When we came at their house, I saw worn out and shabby houses. Katulad ito ng mga kabahayan sa Tondo, Manila ngunit ang kaibahan lamang ay ang mga bahay rito ay magkakahiwalay sa isa't-isa. I heard a screaming pig near their house. Nakita ko roon ang isang manong at batang babaeng nagpapaanak ng baboy na paniguradong tatay at nakababatang kapatid ng lalaking ito. "Totoo ngang nanganganak 'yung baboy niyo." I said. "Ang weird, ngayon lang ako nakakita ng nanganganak na hayop." I was mesmerized how the pig gave birth to those eight cute little pigs. "Linisin na natin 'yang sugat mo, baka maimpeksyon pa," the man said while offering himself to clean this wound of mine. He brought a pail with water inside, and a dry towel. "Ahh." Nasaktan ako noong tinanggal ng lalaki ang panyong nakatali sa tuhod ko, dahil natuyo na ang dugo at dumikit ito sa panyo. After that, he carefully cleansed my wound with water. "Ayos ka lang ba, Maya?", pag-aalalang tanong sa akin ni Enrique. Tumango na lamang ako dahil nakatingin lamang ako sa lalaki habang niliinisan niya ang tuhod ko. "Ako na nga d'yan," biglang umeksena si Enrique sa magandang view ko. He grabbed the wet towel from the man and volunteered to clean my wound. Tumayo na ako bigla dahil na-badtrip ako kay Enrique. Ang ganda ganda na sana ng view ko, sinira pa! "Hindi, okay na pala. Hindi na masakit." I smiled on the man who washed my wound. I want to make Enrique more annoyed at me. Bahala siya sa buhay niya. After washing my wound, their pig was also done giving birth to her children. His father and sister walked towards us. "Ah 'Tay, sila pala 'yung nakasalubong ko sa bayan. Medyo nagkaroon lang ng aksidente kaya inuwi ko na para malinisan 'yung sugat," the man said to his tired father. His father and sister smiled on us sincerely, welcome na welcome kami sa bahay nila. "Hello po, sorry po naabala namin kayo dito sa bahay niyo. Aalis na rin po kami, tapos naman na po hugasan itong sugat ko." Even though his family was hospitable, nahihiya pa rin kami dahil hindi namin sila ganoon kakilala. Hindi namin alam kung ano ang pag-uuagali ng mga tao sa nakaraan. "Taga-rito ba kayo sa lugar na 'to? Ngayon ko lang kasi nakita 'yung mukha niyo, 'tsaka iba 'yung pananalita niyo. Ngayon lang kasi ako nakarinig ng pinagsamang Tagalog at Ingles," his sister said curiously. Oo nga, bakit ang kaswal namin magsalita gayong ibang-iba ang kultura at tradisyon ng mga tao sa panahong ito. Hindi pa pala uso ang mga taglish at conyo rito. "Ay opo, taga-rito po kami. Medyo naligaw lamang kami sa kakahuyan," sabi ni Enrique at biglang siniko ako. Wala akong nagawa kundi ngumiti na lamang sa pamilya ng lalaking nakabangga sa amin. "'Wag muna kayo umuwi, dito na kayo kumain ng merienda. Medyo naghanda ako ng masarap na pagkain kasi nanganak na itong alaga naming baboy," pang-aalok ng tatay ng lalaki. Gustuhin ko mang kumain dito ngunit napangungunahan na ako ng hiya. Hindi pa ako ganoon kalapit sa kanila dahil ngayon lang kami nagkita. "Ay hindi na po, doon na lang po kami kakain sa amin," sabi ni Enrique. "Naku, huwag na kayo mahiya. Ako na nga nakaperwisyo sa inyo. Hayaan niyo na muna kami paghandaan ang aming mga bisita," kalmadong sabi ng lalaki. Ewan ko pero bakit parang ang gaan gaan ng loob ko sa lalaking ito. Siguro dahil sa maamo niyang mukha at ang kaniyang magandang pag-uugali. Ang ganda rin ng pamilya nila dahil sobrang babait, at hindi makikitaan ng anumang problema. Hindi man sila ganoon nabigyan ng maayos na buhay, pero ang kanilang magandang ugali ang nagpapayaman sa kanila. Wala na kaming nagawa ni Enrique kundi tanggapin ang inihandang merienda ng kaniyang ama. Gusto kong tanungin kung nasaan ang nanay niya dahil 'di ko pa ito nakikita simula pa kanina, ngunit wala naman akong lakas ng loob na magtanong. Naghanda ang ama niya ng nilagang saging, kamote, at mais. Sobrang probinsyang probinsya ang dating ng mga pagkain dito. Na-miss ko tuloy ang mga ganitong handa ni Papa Lolo sa tuwing nakakaluwag-luwag kami. "Salamat po, Manong. Ang dami po nito, siguradong mabubusog po kami rito," I said in a formal way. Sinubukan kong hindi makipag-usap ng kaswal upang makasabay sa kanilang kultura. "Sobrang masarap po ang pagkain dito, Manong. Ngayon na lamang po ulit ako nakakain ng ganitong mga pagkain," ani Enrique. Ngayon na lang din ulit ako nakakain ng ganitong mga pagkain, dahil habang nasa Maynila ako ay puro instant noodles at canned goods lamang ang kinakain ko. "Salamat naman at nagustuhan niyo itong pagkain namin. Pasensya na ito lang nakayanan namin, 'di pa kasi kami gaanong nakakabenta ng baboy. Matagal-tagal pa kasi ang pista rito sa'min kaya medyo matumal pa," pagpapaliwanag pa ng ama ng lalaki. Habang sinasabi ito ng tatay ng nakabanggang lalaki sa akin ay napapangiti na lamang ako. I envied him because he experienced having a father in his life. Nangungulila ako sa pagmamahal ng isang ama. Kahit na kasama ko ang Papa Lolo ko, hindi ko maipagkakaila na hinahanap ko pa rin ang pagmamahal at presensya ng isang ama. I feel so bad for my father kasi hindi niya rin naranasang magkaroon ng anak. After we had our snack, the man offered us if he could tour us in their place. He was so nice even Enrique was very mean to him. I was charmed by his attractive facial features. He has a very long eyelashes and thick eyebrows. Even he is a Filipino, he has somehow pointed Hispanic nose. His eyes are very rounded and His fine jawlines highlight his facial structures. I can tell that he has a Spanish blood. At hindi rin naman malabo 'yon dahil ang mga Kastila sa panahong ito ay mahilig manggahasa ng mga babaeng natitipuhan nila. Gagawin ka nilang parausan. Ganyan kasama ang mga Kastilang mananakop sa panahong ito. While we are walking on their place, poverty is very evident. From the houses up to the people. Masasabi ko na ang pamilya na nila ang medyo nakakaluwag-luwag sa lugar na ito. Ang mga bata rito ay nagsisipayatan at naglulubugan ang mga mukha. Wala akong magawa kundi ang kaawaan na lamang sila. "Ganito ba talaga kahirap ang mga tao rito?" Enrique asked the man out of the blue. Nagulat ako sa prangkang tanong ni Enrique kaya pinanlakihan ko siya ng mata. "Hmm, oo eh. Bilang lang may kayang Filipino sa lugar namin dito. Inaagaw kasi ng mga Kastila ang pera kinikita ng mga tao. Maging ang mga ani nilang gulay at prutas ay ninanakaw pa sa kanila. Maswerte na kung makakakain kayo ng tatlong beses sa isang araw dahil minsan nangangatok ang mga Kastila dito upang manguha ng pera at pagkain." Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Sobra akong nasaktan sa nararanasan nila ngayon mula sa mga mapang-abusong mananakop. Mga halang ang kanilang kaluluwa. "Pasensya na sa tanong na 'yon, hindi ko sinasadya...," Enrique apologized to him. "Ayos lang, gano'n kasi talaga rito." He smiled awkwardly. "Wala kaming magagawa. Gustuhin man naming mag-aklas, ngunit ayaw naman naming magaya sa mga tumangkang sumalungat sa sistema ng mga Kastila rito. Ayaw ko sapitin ng pamilya ko ang mga naranasan ng ibang taong kumalaban sa pamahalaan ng Espanya. Sobra silang nakakatakot, mga walang awa." I don't know, but while he was telling their torments from the Spaniards, I'm crying. Naluluha ako sa mga pang-aabusong nararanasan nila. Hindi nila deserve ang lahat ng ito, dahil unang-una, Filipinas ito at ito ay bansa nila, bansa namin. Philippines does not belong to Spain. Philippines belongs to Philippines. I want to ask him if where's his mom. Hindi ko nasilayan ang ina niya noong nandoon kami sa kanila. I'm really curious... Umupo muna kaming tatlo sa ilalim ng punong Mulawin upang magpahinga at magpahangin na rin. Doon lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin siya about his mother. "Pwede ko bang matanong kung nasaan 'yung nanay mo? Hindi ko kasi nakita kanina, gusto lang din sana magpasalamat sa kaniya," I said in a polite way, ayoko ma-misinterpret niya na nangingialam ako sa buhay nila. "Ah, si Mama?... Wala na si Mama... Pitong taon na ang nakalilipas...." I saw him smiled uncomfortably. "Hala, pasensya na hindi ko alam...," pagpapaliwanag ko pa. Ano bang katangahan 'to, ha Maya? "Ay hindi, ayos lang. Medyo matagal na rin naman na 'yon, kaya hindi na ganoon kasakit sa akin, tanggap ko na...." Pansin ko pa rin ang pilit na ngiti sa kanyang mga labi. Sabihin man niyang hindi na 'yon masakit, nararamdaman kong nandoon pa rin ang hinagpis sa puso niya. "Maaari ko bang matanong kung ano nangyari sa kanya?" Nilamon na talaga ako ng kuryusidad ko. "Noong labindalawang taon ako, ginahasa si Mama ng isang Kastilang natipuhan siya." Biglang nanlaki ang mga mata namin ni Enrique dahil sa gulat. "Pauwi si Mama no'n galing sa kakahuyan, at napansin niyang may sumusunod sa kaniyang tatlong Kastila. Sa sobrang takot niya, tumakbo siya ngunit nahabol pa rin siya ng mga 'yon. Hinalay siya ng tatlong Kastilang iyon, at saka pinatay nang walang kalaban-laban." "Paano siya namatay?" tanong naman ni Enrique. "Pagkatapos siyang gahasain ng tatlong Kastilang 'yon, hinampas siya ng malaking bato sa ulo. Naubusan ng dugo si Mama kaya hindi na siya nabuhay pa." Nakita kong nangingilid na ang luha sa mga mata niya, ngunit pinipigilan niya itong hindi tumulo. "Nahuli naman ba ang mga Kastilang gumawa sa kaniya no'n?", kuryosong tanong ko. "Kahit naman makilala sila, hindi pa rin sila makukulong. Sila ang batas dito kaya kahit anong gusto nila, pwede nilang gawin." I admired his braveness. Nagawa niyang dalhin lahat ng ito sa loob ng ilang taon. Wala nang mas sasakit pa sa isang anak na makita ang ina niyang inaabuso ng ibang tao, at ang mas malala pa ro'n ay patayin ng taga-ibang bansa. Sobrang nakakapanginig sa galit ang mga Kastila. "Sige, balik na tayo sa bahay. Magdadapit-hapon na, baka may makasalubong pa tayong Kastila sa daan at matipuhan ka pa," sabay tingin sa akin. Pagkatapos ng biro niyang ito ay tumawa siya. Lumabas ang malalalim niyang dimples, na mas nagpa-cute pa sa kanya. "Huwag ka ngang magbibiro ng gan'yan, natatakot tuloy ako," takot na sabi ko. Habang nasa daan kami, biglang nagtanong itong lalaking kasama namin. "'Di ba hindi kayo taga-rito? Saan kayo nakatira? Bakit parang ngayon lang kayo nakarinig ng kwento pa-tungkol sa mga Kastila...?" he asked strangely. Nagulat ako sa tanong niya. Napansin niya ba na parang hindi namin alam ang patungkol sa nararanasan ng mga Filipino sa kamay ng Kastila? "Ah, eh, taga-roon lang kami sa kabilang baryo. Naligaw lang kami sa kakahuyan, hindi kasi namin ganoon kabisado ang lugar na 'to," pagsisinungaling na sagot ni Enrique. "Akala ko kasi iba tayo ng nararanasan sa mga Kastila kaya naitanong ko," he added. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Kitang kita sa langit kung paano naghahalo ang kulay lila, pula, kahel, at dilaw. Ang sarap sa mata ng dapithapon na ito. Pagabi na pero hindi namin alam ni Enrique kung saan kami tutuloy at matutulog ngayon. Medyo napalayo ang pag-iikot namin ni Enrique at ng lalaking ito kaya naman bahagyang napalayo rin kami sa bahay nila. "Maaari ba kaming makituloy sa inyo? Gabi na kasi baka marami ng Kastila ang umaaligid ngayon," I suddenly asked him. Nagsinungaling na ako para hindi niya mahalata na hindi talaga kami tagarito, sa panahong ito. Nagulat naman si Enrique sa tanong ko kaya pinanlakihan niya ako ng mata. "Sige, ayos lang naman. Tatlo lang naman kami ni Tatay at ng kapatid ko sa bahay," he immediately responded. After niyang sabihin 'yon ay napanatag ako dahil sa wakas, may matutuluyan na kami. Kung hindi siguro ako nabangga nito, baka kung saan saan kami magpalipas ng gabi ni Enrique. Madilim na noong nakarating kami sa tapat ng bahay nila. Napagtanto kong hindi ko pa pala nalalaman ang pangalan niya. Naglakas ako ng loob upang tanungin ang pangalan niya dahil naikwento na niya lahat lahat sa buhay niya pero ang pangalan niya hindi namin alam. "Ahh, ako nga pala si Maya Ysabelle Hermosa. Maya na lang." Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya upang makipagkamay. "At siya naman si Enrique Joaquin Andrade, Enrique na lang," sabay turo kay Enrique na nasa likod ko. I saw him smiled at me. Medyo kinilig ako sa pagngiti niya na 'yon dahil napakaganda ng mga ngipin niya, at lumabas pa ang dalawa niyang malalalim na dimples sa pisngi. Noong nakipagkamay na siya sa akin ay nahawakan ko ang magaspang at malaki niyang kamay. "Ikaw, ano pangalan mo?", tanong ko. "Ako pala si Jua---" "Kuya Juanchooo! Kakain na raw." Narinig ko ang matining na sigaw ng kapatid niya mula sa pintuan ng kanilang bahay. Juancho pala ang pangalan niya. Ang ganda, Pinoy na Pinoy. "Ah, Juancho pala. Juancho Gabriel y Valerio," sabay lahad ng kaniyang kamay habang nakangiti. "Ang mga bagay na nakatala sa tadhana ay darating sa panahong ikaw ay walang kamalay- malay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD