Namilog ang mga labi ni Enrique at nandilat ang kaniyang mga mata. Tinignan ni Enrique ang kaniyang tagiliran at nakita ang mga bakas ng dugo na umaagos parang ilog. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kita ko sa mga mata niya ang panghihina. Marahan itong napaluhod sa sahig habang ang mga kamay niya ay pilit na pinipigilan ang tuluyang pag- agos ng mga dugo. Nang ito ay napaluhod, hindi na kinaya ni Enrique at siya'y bumagsak na lamang sa lupa. Saktong pagkabagsak ni Enrique sa lupa, at agad kong sumpungan ang dalawang tao sa kaniyang likuran. Nasilayan ko sina Gob. Sebastian at Padre Maximo na may hawak na rebolber, at kapwang nakasakay sa puting kabayo. Nangingisi ang dalawa at animo'y tuwang- tuwa sa karahasang kanilang ginawa. Pansamantala kong iniwan si Juancho at nagmadaling pumunta ka

