Nagpatuloy ang aming pagpupulong sa pagpaplano kung paano namin mapapabagsak ang pamahalaang Kastila, unang una sa aming lugar. Suminag ang pag- ibig ng Katipunan sa bayang sinisinta, at handang ibuwis ang buhay makamit lamang ang kalayaang ilang taong ipinagkait sa amin. Pagkatapos ng pagpupulong ay agad kaming umuwi upang maghanda ng aming mmga gagamitin para sa aming pag- aaklas. Hindi na rin namin hinayaang kumagat pa ang dilim bago kami umuwi dahil lubhang delikado sa labas gayong nakakatunog na ang ibang nasa pamahalaan. Batid naming may mga umaaligid na sa paligid kaya naman hindi na namin hinintay na bawian pa kami ng buhay bago kami tuluyang umalis dito. Sa ibang direksyon dumaan ang iba naming kasama, samantalang kami namang tatlo nina Juancho at Enrique ang siyang naiwan. Sil

