Naestatwa na lamang ako sa aking kinatatayuan nang maging kami ay tinutukan na rin ng mga patalim ng mga tauhan ni Gob. Sebastian. Bumutil sa aking mga noo ang malalamig na mga pawis na sanhi ng labis kong kaba. Nakabusal din ang bibig ni Juancho at mariin itong nakatingin sa akin. Puno ng sugat at pasa ang kaniyang katawan kung kaya naman ay hindi ko sinubukan tumingin sa kaniya dahil hindi ko kayang titigan siya sa ganoong kalagayan. May hiwa siya sa leeg at may bakas ito ng tumulong dugo dala ng pagkatutok sa kaniya ng matalim na espada ni Gon. Sebastian. “Hindi pala talaga kayo taga- rito. Taga- ibang panahon pala kayo at nanggugulo kayo rito sa amin sa nakaraan,” nanngingiting sambit ni Gob. Sebastian. “Paano ka nakasisiguro?” tugon ko sa kaniya nang buong tapang. Hinawakan ni Enr

