“Sigurado ka na ba na kaya mo na? Kaya ko naman na ako muna ang mag asikaso sa mga tungkulin. Baka mamaya mabinat ka,” wika ni Agos bago hinaplos ang mukha ni Cecilia. Magkayakap sila habang nakatingin kay Phoenix na tatlong buwan pa laman. 3 months na nagpahinga si Cecilia mula sa kanyang panganganak, at ngayon ay sinabi nito na babalik na siya para humalili kay Agos sa pagpapatakbo ng Salinlahi. “Hindi ako mabibinat,” sagot ni Cecilia kaya naman ay lumapad ang ngiti ni Agos. “So pwede na pala?” biro naman ni Agos kaya hinampas siya ni Cecilia. Ganoon pa man ay mas hinigpitan ni Agos ang yakap sa kanya. Hinalikan pa nito bahagya ang kanyang balikat habang hindi inaalis ang tingin sa mga anak nila. Bukod kasi kay Phoenix ay nasa silid din si Knight at Danyon na natutulog sa kanilan

