"Carl---" nagulat si Cecilia sa ginawa ni Carl. Hindi niya inaasahan na kaya nitong gawin ang ganong bagay kaya talagang nabigla siya. Napatingin siya kay Nathalia na walang buhay at nakahandusay sa may sahig, at si Carl ang mismong tumapos ng buhay nito. Muli siyang napaangat ng tingin kay Carl at tila walang bakas ng pagsisisi ang ginawa nito. Nakakatakot, parang hindi ito ang klaseng carl na kilala niya. Ngayon niya lang nakita na ganito kadilim ang ekspresyon ng kaibigan. Ngayon, parang hindi na niya ito kilala. Hindi niya alam pero bigla siyang nakaramdam ng kaba lalo na ng tumingin ito sa kanya at biglang ngumisi "I always wanted to do that to her, pasensya ka na at ako ang tumapos sa buhay niya." "What do you mean?" "I always wanted to kill her. Masyado siyang masakit sa ulo.

