"Carl ano ba, bitawan mo ako," piglas ni Cecilia pero hindi siya binitawan ni Carl. "Kailangan na nating umalis," wika ni Carl habang hawak nito ang braso niya pero hindi siya hinayaan ni Cecilia. Dahil pumiglas pa rin ito. "Patay na si Nathalia, ano pa ba ang gusto mo?" "Carl, naririto ang mga ebidensya, hindi ako papayag na umalis tayo na hindi nahahanap kung saan itinago ni Nathalia lahat ng kayamanan ng salinlahi, kailangan ko ‘yong mahanap. Kailangan ‘yon ng mamamayan natin" "Umalis na tayo! ako na lang tutulong sa ‘yo. Hindi ba sinabi ko naman na tutulungan kita? kaya, tara na! pagkakataon na natin to Cecilia. Wala si Agos, pwede tayong magsimula tayo na lang ang mamuno sa salinlahi. Pakasalanan mo lang ako--" Agad na binawi ni Cecilia ang kanyang kamay at napahinto. Hindi n

