7th Chapter: Beauty

1296 Words
Violet Cloud "YOU'RE tone deaf and you're arrogant. Pero hindi naman gano'n kasama pakinggan ang music mo. Nabigla lang ako. 'Wag ka kasing masyadong manggigil sa strings. And don't just concentrate. Pakiramdaman mo rin ang violin mo. Did you know na ang sabi ng matatanda, ang violin lang daw ang may "kaluluwa" sa lahat ng instrumento? So, befriend it. Hihintayin ko ang araw na mapapakinggan ko na ang pagtugtog mo nang hindi ako nagtatakip ng tenga, okay?" Love, Master Eura Natawa si Stein nang mabasa ang note ni Eura tungkol sa kanyang pagtugtog. Pulos kalokohan ang nakasulat doon, pero aaminin niyang nadagdagan na naman ang motibasyon niya para pag-igihin pa ang pag-eensayo. The image of her smiling face flashed in his head. Ang Eura na walang alaala ay parang maamong tupa. Everytime she would look at him with her puppy dog eyes, he would imagine her with fluffy ears and tail. And that was wreaking havoc on his system. Again. "Stein?" pukaw ni Sherrie. Agad niyang isinara ang notebook at tumikhim upang bumalik sa pagiging seryoso ang mukha. Hindi niya namalayang nakabalik na pala si Sherrie mula sa CR. "Yes?" "Ano ba 'yang tinitingnan mo? Kanina ka pa nakangiti." "Hindi ako nakangiti. Guniguni mo lang 'yon," kaila ni Stein. "Anyway, tapos na ba ang interview natin?" Kaya sila magkasama ay dahil in-interview siya ni Sherrie para sa magazine na pinagtatrabahuhan nito kung saan isa itong columnist. Isa siyang game company president at kailangan niya ang interview na iyon para i-promote ang bagong online game na ilalabas ng Moon Ring Corporation—ang kanyang kompanya. Wala namang ibang dahilan para sumama siya kay Sherrie kundi trabaho; pinagbigyan niya dahil matagal na niyang kilala ang dalaga. Sherrie came from Solar Ville—Luna Ville's sister village. Sinisiguro ni Primo na magkakasundo ang mga residente sa Solar at Luna kaya kahit paano ay masasabi niyang magkakaibigan ang lahat sa dalawang village. "Ah, yes. Okay na 'yong interview natin. Anyway, who's that woman?" "She's Eura. Kay Melou siya pansamantalang nakatira ngayon," kaswal na sagot ni Stein. "Are you two... dating?" "No. She has amnesia kaya pansamantala namin siyang kinukupkop." "What?" parang hindi makapaniwalang bulalas ni Sherrie. "Hinayaan n'yong tumira ang isang estranghera sa bahay n'yo? What if she's a criminal?" Naikuyom ni Stein ang mga kamay. Bigla kasing nagbalik sa kanyang alaala na ang mga salita ring iyon na binitiwan niya ang dahilan kung bakit naaksidente si Eura. "Sherrie, don't badmouth Eura again," mariing sabi niya. "At sa palagay ko naman, it's none of your business if we want to take care of her until she recovers." Bumakas ang pagkapahiya sa mukha ng dalaga. "I-I'm sorry." Bumuga siya ng hangin. "Sorry, too. Ayoko lang na pagsasalitaan mo uli siya ng masama." Tahimik nilang tinapos ang dinner. Stein offered to drive her home, pero tumanggi si Sherrie dahil may susundo naman daw rito. Hindi na niya pinilit at sinamahan na lamang sa paghihintay. Nang dumating na ang sundo ng dalaga ay pinaharurot na niya ang kanyang Ferrari. Ang totoo niyan, kanina pa niya gustong-gusto umuwi. Not that he did not want to be with Sherrie. Well, medyo... but that was not the point. Ang sa kanya lang kasi, gusto na niyang makita si Eura. Nag-aalala kasi siya sa kalagayan ng dalaga. Pagdating sa bahay, iginarahe lang ni Stein ang kotse. Pupunta na sana siya sa bahay ni Melou nang mahagip ng kanyang paningin ang pigura ng kung sino na nakaupo sa front porch ng bahay niya. "Eura?" hindi makapaniwalang sambit niya at agad nilapitan ang dalaga. Hindi nga siya nagkamali, si Eura nga ang nakaupo sa baitang ng hagdan habang nakahilig ang katawan sa pader. She was sleeping, but she was obviously uncomfortable. Nakabalot ng jacket ang katawan ng dalaga pero panay naman ang kamot sa pisnging may pantal na. Marahil ay pinupog ito ng lamok. Hinihintay ba siya ni Eura kaya ito naroon? At hinayaan lang ito ni Melou? Pero kilala niya ang kanyang kakambal kaya alam niyang hindi magagawang pabayaan ni Melou si Eura. Baka tinakasan niya si Melou. Stein sighed and gently pulled Eura's hand away from her face. Masuyo niyang hinaplos ang pisngi nitong namumula dahil sa kagat ng lamok. Ah, her skin was soft, smooth and cold. Naawa naman siya sa kalagayan ng dalaga. Nag-squat siya paupo sa harap ni Eura. Once again, he was magnetized by her beauty. Bakit ba kahit ano ang gawin niya, hindi siya magsawa-sawa sa kakatingin kay Eura? There was something in her that he could not get enough of. He must really be attracted to her. Nag-aalangan man ay muling hinaplos ni Stein ang pisngi ni Eura. She was a stranger, indeed. Pero hindi niya iyon maisaksak sa kanyang kukote. Pagdating kasi sa dalaga, hindi niya maiwasang mag-alala. Heck, he could not even get her out of his head. Dumako ang tingin niya sa mga labi ni Eura. Ah, her lips looked soft and warm and... kissable. Napalunok siya. Dang! He was really tempted to taste the sweetness of her lips. Sumuko na siya. He slowly closed his eyes and slowly leaned forward to kiss her... Kinuskos ni Eura ang mga mata at unti-unting nagmulat. "Stein?" *** NAGULAT si Eura nang pagmulat niya ng mga mata ay nakita niyang kinakatok ni Stein ang sariling noo habang nagpapakawala ng sunod-sunod at mahihinang mura. Kumunot ang kanyang noo. "Stein, okay ka lang?" Tinapunan siya ng binata ng masamang tingin. "Hindi ka ba marunong t-um-iming sa paggising?" Naguluhan siya sa sinabi nito. "Huh?" Marahas na bumuga ng hangin si Stein, saka umiling. "Wala." Tumayo ang binata at nag-inat. "Anyway, ano'ng ginagawa mo diyan? Tinakasan mo si Melou, 'no?" Nakagat ni Eura ang ibabang labi. Ang alam kasi ni Melou, natutulog na siya sa kuwarto pero ang hindi alam ng dalaga, lumabas siya para maghintay sa harap ng bahay ni Stein. Nag-angat siya ng tingin para sana magpaliwanag. Pero nahuli niya itong nakatingin... sa kanyang mga labi? "Stein?" Nag-iwas ng tingin si Stein. "Go home, Eura." Tumayo siya, saka umiling. "Kanina pa kita hinihintay. Pagkatapos, pauuwiin mo lang ako? Ang sabi mo, sandali ka lang. Pero ang tagal mo. Two hours na akong naghihintay dito sa tapat ng bahay mo. Saan kayo nagpunta ni Sherrie? Girlfriend mo ba siya? Ano'ng nakita mo sa babaeng 'yon?" Sinundot ni Stein ang kanyang noo. "Hold your horses, lady. Wala kaming relasyon ni Sherrie. Pero hindi na 'yon importante. Mas importanteng umuwi ka na at magpahinga." "Stein... puwede bang sa bahay mo na lang ako matulog?" "What?" bulalas ng binata. "Eh kasi, komportable naman ako kay Melou, pero hindi ako mapakali kapag wala ka." Pinagdaop ni Eura ang mga kamay sa tapat ng kanyang dibdib. "Please?" "No! Go home. Now!" parang natatarantang pagtataboy ni Stein. "Pero—" "I said go home. Use the room beside Melou's," he instructed her. "Bakit?" nakasimangot na tanong niya. "Basta. 'Wag ka nang makulit. Goodnight," anang binata, saka siya nilagpasan, pumasok na sa bahay, at pinagsarhan siya ng pinto. Mabibigat ang paang bumalik si Eura sa bahay ni Melou. Babalik na sana siya sa kuwartong ginagamit niya nang maalala ang sinabi ni Stein kaya ang isang guest room ang ginamit niya. Pagpasok doon ay may nakita siyang laser light na tumatagos sa bintana ng kuwarto. She opened the curtains and she was surprised to see Stein across her, nakapatong ang mga siko sa pasamano ng bintana habang itinatapat ang laser light sa kanyang mukha gamit ang laruang hawak. "Stein!" excited na tawag ni Eura. Kung gayon, katapat pala ng kuwartong kinaroroonan niya ang kuwarto ni Stein kaya iyon ang ipinagamit nito sa kanya? Imbes na sumagot ay isang sketch pad ang ipinakita ni Stein. May nakasulat doon. I'll give you a reward. What do you want? Natuwa siya sa nabasa. Naghanap siya ng papel at pentel pen sa drawer. Luckily, meron naman. Isinulat niya ang sagot, saka ipinakita sa binata. A date! I want a date! Halatang nabigla ito pero nang makabawi ay bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi. Nagsulat uli. Pag-iisipan ko. Goodnight. Then, he closed the curtains. Bumagsak ang mga balikat niya at bumaba rin bigla ang kanyang energy. "Paasa ka, Stein. Paasa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD