"EURA, wake up!"
Tinakpan lang ni Eura ng unan ang kanyang mukha. Antok na antok pa siya para bumangon. Ang sarap mahiga sa malambot na kama at mabalot ng comforter bilang proteksiyon mula sa lamig.
"Eura!"
May kung sino ang walang-habas na nanghablot ng unan sa kanyang mukha. Nanakit ang mga mata niya nang tamaan ng sinag ng araw. Napilitan tuloy siyang magmulat. Pero unti-unting nawala ang init ng kanyang ulo nang sumalubong sa kanya ang guwapong mukha ni Stein. Napangiti siya. "Good morning, Stein."
Kumunot ang noo ng binata. "Good morning, too, sleepyhead. Anyway, bumangon ka na diyan. May pupuntahan tayo."
Napabalikwas siya. "Talaga? Saan?"
Nag-inat si Stein, saka siya tiningnan. "Sino kaya ang nagyaya ng date kagabi?"
Napatili siya. Nagtatatalon din sa sobrang excitement. "Talaga, Stein? Magde-date tayo? Talagang-talaga? Wala nang bawian, ha?"
Tiningnan lang siya ng binata, saka naglakad palabas. "Bahala ka. Kapag hindi ka pa bumaba in fifteen minutes, iiwan na kita."
Nataranta naman si Eura. "Stein, 'wag mo 'kong iwan! I'll be quick, really quick!"
Nang sumara ang pinto ay nagkumahog siya sa paliligo at pagbibihis. Ang daming lugar na naiisip niyang puntahan at mga activity na puwede nilang gawin.
Natuwa si Eura nang dalhin siya ni Stein sa KopeeBook para mag-agahan. It was not a bad idea to go out on a date. Pero pakiramdam niya, na-drain ang kanyang energy nang makita kung saan siya sunod na dinala ni Stein—sa ospital!
Parang narinig niyang nag-pop ang bubble kung saan nakaguhit ang masayang date na na-imagine niya. Wala naman kasing ibang ipinagawa sa kanya ang doktor kundi i-"hypnotize" siya para bumalik ang kanyang alaala. Pinapikit siya at ipina-imagine ang isang pinto. The doctor said she should open the door. But when she was about to turn the knob, biglang gumapang ang kakaibang takot sa buo niyang sistema. Kusang sumara ang pinto sa kanyang isip.
Hindi niya maintindihan ang kanyang naging reaksiyon, pero hindi niya iyon sinabi sa doktor. Ang sabi na lang niya, wala siyang nakita pagbukas niya sa imaginary door. Then, the doctor advised them to visit her again for another checkup.
"Sigurado ka bang gusto mo nang umuwi?" tanong ni Stein habang nagmamaneho. Nasa biyahe na sila pauwi sa Luna Ville.
Eksaheradong sumimangot si Eura nang magtama sa rearview mirror ang kanilang mga mata. Humalukipkip siya. "Is this a date in your dictionary, Stein? Ang ipa-checkup ako sa doktor?" Nawalan na tuloy siya ng ganang lumabas.
"Importanteng mapatingnan ka sa doktor, Eura. Ayaw mo bang bumalik ang alaala mo?"
Natahimik siya. Bigla kasi niyang naalala ang naging reaksiyon niya habang kausap ang doktor. Bakit parang ayaw maalala ng kanyang utak ang nakaraan? Hindi basta takot ang naramdaman niya kanina. May halo iyong pag-aalinlangan at kalungkutan. "Stein, ano'ng alam n'yo tungkol sa 'kin?" nag-aalangang tanong niya.
"Wala rin kaming masyadong alam tungkol sa 'yo. All we know is you're Eura Marasigan, an orphan. Ang sabi mo, napalayas ka sa apartment na inuupahan mo. Hindi ka na nakabayad ng renta dahil natanggal ka sa trabaho."
"Ano'ng trabaho ko?"
"Hindi mo nabanggit."
Napasimangot si Eura. Was she living an unfortunate life, kaya ba ayaw iyong maalala ng kanyang isip? Mas makabubuti ba kung ang buhay niya ngayon ang iintindihin niya? "Paano kung hindi na talaga bumalik ang alaala ko?"
"Babalik 'yan, tiwala lang. Anyway, if you still can't remember your past, you can create new memories, so you wouldn't feel lost."
Bumilis ang t***k ng kanyang puso nang may isang ideyang pumasok sa kanyang isip. "Can I create new memories with you, Stein?"
Sinulyapan siya ng binata pero mabilis ding nag-iwas ng tingin, saka tumikhim. "You can create new memories with everyone at Luna Ville. Puwede kang manatili sa 'min hanggang maka-recover ka, tutal ay may kasalanan naman ako kung bakit ka naaksidente."
Nadismaya si Eura sa sagot pero agad din niyang iwinaksi sa isip. Dapat nga ay magpasalamat pa siya dahil kinupkop siya ni Stein at ng kakambal nitong si Melou. Hindi na siya dapat naghahangad ng higit pa roon. Pero hindi niya maintindihan kung bakit gustong-gusto niyang dumidikit kay Stein. Siguro ay dahil kumakalma siya at nawawala ang sakit ng kanyang ulo kapag si Stein ang kasama niya.
Her stomach growled loudly. Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi pero idinaan na lang niya sa tawa ang pagkapahiya. "Stein, nagugutom ako."
"I can hear that," parang amused na sagot ng binata. "Saan mo gustong kumain?"
"Kahit saan," kaswal na sagot niya.
Biglang umangat ang sulok ng mga labi ng binata at kumikinang ang mga mata sa isang joke na parang ito lang ang nakakaintindi. "Kahit Saan it is."
Nagtatakang tiningnan ni Eura si Stein. "Bakit parang natatawa ka?"
Umiling lang ang binata, pero hindi pa rin nawawala ang kakaibang kislap sa mga mata. "We're here." Umibis na ito ng kotse.
Agad naman siyang sumunod. Pagbaba ay nagulat pa siya nang sumalubong sa kanya ang signage ng fast-food restaurant na pinuntahan nila sa loob ng Luna Ville.
Kahit Saan.
Natawa si Eura nang maintindihan kung bakit parang natawa rin si Stein sa kanyang isinagot nang tanungin siya kung saan niya gustong kumain. "Ang creative naman ng may-ari ng chain na ito," komento niya habang papasok sila roon.
"Thank you," sagot ni Stein.
"Sa 'yo 'to?" gulat na tanong niya.
"Medyo. Lima kaming owner nito—ako, si Lord Primo, Alaude, Melvin, at Sley." Hinawakan siya ni Stein at inakay sa counter. "Ano'ng gusto mong kainin?"
"Kahit ano—" Natigilan siya at natawa nang mabasa ang nasa menu board.
Kahit Ano: Spaghetti with chicken and large float.
"We're geniuses, aren't we?" nakangiting tanong ni Stein bago binalingan ang cashier. "One 'Kahit Ano' and one 'Kahit Ano'ng Mura' please."
Natawa si Eura. Ang mga "code name" ng mga meal number ay ang mga karaniwang isinasagot ng isang tao kapag tinanong ito kung ano ang gustong kainin.
Pagkatapos um-order ay naghanap na sila ng mapupuwestuhan. Medyo marami kasing tao sa Kahit Saan nang mga oras na iyon.
"Hey, lovebirds! Dito na lang kayo!"sigaw ng isang lalaki na may dalang matabang puting pusa.
"No, it's dangerous," tanggi ni Stein, saka pumuwesto sa pandalawahang mesa.
Tiningnan ni Eura ang tatlong lalaking nagtawanan nang tanggihan ni Stein ang offer. Nasa right side lang nila ang grupo. Kahit medyo malamig ang pakikitungo ni Stein sa tatlo, naramdaman niyang malapit pa rin ito sa mga iyon. "Stein, mga kaibigan mo ba sila?"
"Mga kakilala ko lang ang mga 'yan."
"Ouch! Ang sakit n'on, Stein!"
"That noisy one is Melvin," pagpapakilala ni Stein.
"Hi, Eura!" masiglang bati ni Melvin na sinuklian ni Eura ng isang ngiti.
"'Yong may dalang pusa, si Sley 'yon. Kilala mo na siya bago ka naaksidente. His cat's name is 'Botchog.' That grumpy young man is Alaude. Ah, nagbagong-buhay na nga pala siya dahil engaged na."
Nginitian lang ni Eura ang mga lalaking bumati sa kanya.
"And I'm Primo Velaroso, my dear," pagpapakilala naman ng lalaking bagong dating. Nagulat si Eura nang bigla na lang itong lumuhod sa harap niya at kunin ang kanyang kamay. "I'm Luna Ville's sole owner. You can call me 'my lord' or if you want, you can also call me 'Yours.'"
Sabay-sabay pinaulanan ng French fries si Primo ng halos lahat ng customer doon sa pangunguna ni Stein na ikinareklamo naman ni Primo.
Binitiwan ni Primo ang kamay ni Eura at tumayo. "Okay, enough with your violent reactions." Pinagpag nito ang dumi sa suot na Amerikana. "I'm here to make an announcement."
Napansin ni Eura na biglang tumahimik ang lahat para makinig kay Primo. Kahit pala hindi mukhang kagalang-galang si Primo dahil sa pagiging playboy ay sineseryoso pa rin ito ng mga tao roon. Primo had a strong commanding aura if only he would not act foolishly around women.
"Have you seen the news? There will be a lunar eclipse next week!" masayang deklara ni Primo. One week from today, it will be Luna Queen's Night! Luckily, isa ang Pilipinas sa mga bansang magkakaroon ng malinaw na view sa magaganap na eclipse!"
Everyone cheered.
Tiningnan ni Eura si Stein. "Stein, ano'ng ibig sabihin ng Luna Queen's Night?" Nasamid bigla ang binata kaya inabutan niya ng soft drink. "Okay ka lang?"
Inisang-lagok ni Stein ang inumin bago sumagot. "Hindi 'yon importante kaya 'wag mo nang alamin."
"Hoy, anong hindi importante?" singit ni Primo. "Eura, 'wag kang makinig kay Stein. Luna Queen's Night is one of the most celebrated occasions at Luna Ville. Itinayo ang Luna Ville noong kapanahunan pa ng mga ninuno ko, at sa loob ng isandaang taon, ipinasa nila ang tradisyong iyon sa bawat henerasyon ng aming angkan. Hanggang sa akin. Sa Luna Queen's Night, kailangang bigyan ng isang long-stemmed red rose ng isang lalaki ang babaeng nais niyang maisayaw sa bonfire. Ginaganap ang sayaw na iyon sa unang gabi sa pitong gabi ng paghihintay sa eclipse. Kaya kapag binigyan ka ni Stein ng rosas, ang ibig sabihin n'on ay iniimbitahan ka niyang makipagsayaw. Okay?"
Napangiti si Eura. "Really?" Nakangiting tumango lang si Primo. She looked at Stein with hopeful eyes. "Stein, will you give me a rose tomorrow?"
"No."