Chapter 1. THE BEGINNING
TANGING ngiti ang sumisilay sa mga labi ni Lea, na magpahanggang sa ngayon ay naaalala pa rin niya ang lalaking, hindi niya akalaing magpapabilis ng t***k ng kaniyang puso. Hawak ang kape ay marahan pa niya itong tinikman. Kahit nasisilayan niya ang usok na nagmumula sa hawak niyang baso.
“I was enchanted to meet you again,” nakangiti pa niyang sambit. Habang nakatulalang pinagmamasdan ang magandang painting sa kaniyang harapan. Isang painting na masasabi niyang nagbibigay liwanag sa mga taong gusto ng kaligayahan sa buhay.
Subalit, ang palaisipang iyon ay biglang naglaho. Nang marinig niya ang pagtawag ng kaniyang kaibigan na si Violy.
“Lea!” tawag nito sa kaniya. “Wala ka bang pasok ngayon? Ako kasi ay schedule ko ngayon sa ilang subject na hindi ko pa natatapos.”
“Pareho lang tayo. Ngayon kasi ang exam ko. Kaya dumaan muna ako rito sa Coffee Shop. Alam mo naman hanggang ngayon ay sabik na sabik ako sa kapeng naririto.”
“Ganoon ba? Halika na. At marami pa tayong gagawin sa school. Ilang araw ko na kasing tinatapos ang thesis ko. Until now, hindi pa rin natatapos.”
“Kayang-kaya mo na ʼyan. Kahit hindi naman kita tulungan nagagawa mo naman.”
Tawanan sa isaʼt isa ang namutawi sa kanilang dalawa. Kasunod nang pagtayo ni Lea, sa kaniyang kinauupuan.
“Basta sa next project ko. Tatapusin ko na ito ng mas maaga. Nang sa ganoon ay hindi ako masyadong nahihirapan.” Napahinto si Violy. Nang marating nila ang University of Saint. Sabay baling nang tingin nito sa kaniyang kaibigan. “Nakikita mo ba ang nakikita ko?” nakangiti niyang wika.
“Ha?” Nakakunot na noo ni Lea.
“Bulag ka nga talaga. Kaya hindi mo nakikita si Tristan.”
“Tri-Tristan. Bakit? Ano bang mayroʼn sa kanʼya?”
“Wala ka ba talagang alam? Isa lang naman si Tristan Conziñigi, sa anak ng may-ari ng kilalang University na ito. Kaya hindi nakapagtataka na kahit sinong babae mahuhumaling sa pisikal na anyo nʼya. Halos nasa kanʼya na ang lahat. Gʼwapo, matangkad, matalino, at higit sa lahat mayaman.”
“Eh, ano naman ngayon, kung nasa kaniya na ang lahat? Hindi naman ako interesado sa kanʼya.”
Sa halip na pagtuunan nang pansin ang sinabi ng kaniyang kaibigan. Minabuti na lang niya ang magpunta ng library. Nagpaalam na lang siya kay Violy. At mas napapangiti pa ang labi niya sa tuwing nakikita ang mukha ni Harry. Isa sa mga tumulong sa kaniya, noong nahihirapan pa siya sa ibang subject. Napakabait ng binata sa kaniya. Hindi lubos akalain ni Lea. Nabibilis ang kaba ng kaniyang nararamdaman. Tila ba ito ang nagbibigay sa kaniya ng inspirasyon? Lumapit ito sa kaniya. Nang mabungaran siya nito sa entrance ng library.
“Long time no see, Lea.”
“Sa-salamat nga pala sa pagtulong mo sa akin. Noong nakaraang araw.”
“No problem. Kahit ano pa ʼyan? Tutulungan kita.”
“Wala ka bang schedule ng klase mo ngayon?”
“Nag-shift ako nang oras. Hindi ko kasi kakayanin kung isasabay ko ang pagtatrabaho sa aking pag-aaral. Kaya naman nag-adjust na lang ako ng oras. Nang sa ganoʼn ay ma-balanse ko ang lahat.”
“Bilib na talaga ako sa pagiging masipag mo,” pabirong wika ni Lea.
“Thank you, Lea. Pero, mas bilib ako sa inyo ni Violy. Sa layo rin nang nilalakad nʼyo para makarating dito sa University.”
“Kailangan para sa—” Napahinto sa pagsasalita si Lea. Nang may biglang lumapit sa kanilang dalawa. Kunot noo pa siyang napabaling sa lalaki, na hindi niya alam kung bakit kinaiinisan niya ito?
“Tristan,” aniya ni Harry. Sabay paglahad ng kamay nito sa kaniyang pinsan.
“Gusto ko lang sana na i-invite ka, para sa family dinner natin mamaya. Isama mo na rin ang girlfriend mo, para naman makilala siya ng pamilya natin.”
Halos kaba ng dibdib ang nararamdaman ni Lea. Nang marinig niya ang salitang iyon. Subalit, napawi ang kaisipan sa kaniya. Nang makita niya ang seryosong tingin ng lalaki. Saka siya muling nagsalita.
“Marami pa pala akong gagawin, Harry. Salamat nga pala ulit sa tulong mo.”
“Your welcome, Lea.”
Dali-dali na siyang humakbang palayo. Ngunit, hindi pa man siya nakalalayo ay narinig niya ang sinabi ng isang lalaki.
“She's beautiful and innocent. Saan mo sʼya nakilala?”
Ang mga katagang iyon ay ipinagsawalang bahala na lamang ni Lea. Hindi rin naman siya interesado na makilala ang lalaking iyon. Mas naiinis pa siya, kapag pinagtatalunan ito ng ibang kababaihan.
“Iisa lang ba ang lalaki sa mundo?” wika niya nang makapasok siya sa loob ng library. Pabagsak pa niyang inilapag ang ilang notebooks na hawak nʼya. Kaya ganoon na lamang ang paglikha ng ingay sa loob nito. Hindi na lamang niya pinansin ang tingin ng ibang estudyante. Kasabay nang buntonghininga na kaniyang pinakawalan.
“Kung magmamahal man ako. Iʼll make sure, na isang lalaking papahalagahan ako— habang buhay.”
Marahan niyang binuklat ang isang pahina ng libro. Nakasipit roon ang isang litrato nila ni Harry. Matatandaan pa niya noong una silang nagkita sa isang kilalang Coffee shop. At iyon nga ang malimit niyang puntahan. Paborito niya roon ang isang painting. Painting na sumisimbolo sa pagiging malikhain ng lalaking kaniyang iniibig. Ilang minuto lang ang lumipas ay nagpasya na siyang umalis. Hindi na rin niya nakita pa si Harry. Simula noong makausap nito ang lalaking nagpapainis ng damdamin niya. Habang binabagtas niya ang daan sa labas ng kanilang campus. Napansin niya ang ilang naggagandahang sasakyan. Ibaʼt iba ang mga kulay nito. Kahit ang ibang estudyante ay normal na lang sa kanila ang makakita ng ganoong sasakyan.
“Grabe. Napakamahal siguro ng mga sasakyan na ʼyon,” untag ni Lea sa sarili. “Hindi ako makapaniwala na ganito pala talaga ka-yayaman ang mga estudyante rito. Minsan talaga nakakatakot makipagkaibigan sa kanila.”
Samantala, isang sunod-sunod na busina ng sasakyan ang nagpagulat sa kaniya. Tumigil pa ito sa kaniyang harapan, na tila sinasanggahan ang kaniyang daraanan. Malakas siyang napasigaw. Sa takot na baka siya ay sagasaan.
“Hoy! Baliw ka ba?” aniya ni Lea, na nagpainit ng ulo niya. Habang sumasabay ang sinag ng araw mula sa kaniyang mukha. Dahan-dahan pa siyang lumapit sa kinaroroonan nito. Hanggang sa lumabas ng kotse ang lalaking nakilala niya kanina. Walang iba kundi si Tristan Conziñigi. Nakasuot ito ng black sunglasses na bumabagay sa fitted nitong blue jeans, na tinernuhan ng black fitted na polo shirt.
“Next time, magdahan-dahan ka naman sa pagmamaneho mo. Mamatay ako nang maaga sa ʼyo!”
“What did you say?”
“Wala ka bang tainga? Bingi ka ba?” mataray na sambit ni Lea.
“Iʼm sorry, hindi lang talaga kita napansin kanina. Akala ko kasi may pusa lang na dumaan sa harapan ko.”
Halos tumaas ang gilid ng kilay ni Lea. Gusto niyang manakit ng lalaki. Subalit, mas iniisip pa rin niya ang mga taong nasa kaniyang paligid. Ramdam niya kasi na halos pagtinginan na silang dalawa sa gitna ng daan.
“Hindi ako pusa o, anomang hayop na nakikita mo? Tao ako! Tao!”
“Okay, fine,” wika ni Tristan. At pagtaas nito ng kaniyang kamay. “Hindi ko ba maisip kung ano ba ang nagustuhan niya sa ʼyo?”
“Pasensʼya na. Pero, hindi ko gustong makipagbiruan sa ʼyo.”
“Bakit ba ang sungit-sungit mo? May regla ka ba?” Natatawang sambit ni Tristan.
“Bastos ka! Kaya pala magkaibang-magkaiba kayo ni Harry, dahil dʼyan sa ugali mo!”
Halos magkakasunod na suntok ang pinakawalan nito kay Tristan. Hanggang sa, hawakan ng binata ang dalawang pulsuhan ng kaniyang mga kamay.
“Bitawan mo ʼko! Kung ayaw mong—”
Natigil ang kaniyang sasabihin. Nang isang halik ang dumampi sa kaniyang labi. Tila ba pakiramdam niya ay tumigil ang oras? Kasabay nang kabang bumabalot sa kaniyang puso. Malakas na pagtulak ang kaniyang ginawa. Napasandal pa ang binata sa sasakyan nito. Kasunod nang malakas na sampal ang kaniyang iginawad sa binata. Hindi na niya namalayan pa ang paglandas ng kaniyang mga luha. Pinalis niya ito. At mabilis na dinampot ang ilang papel na nahulog sa kaniyang pagkakahawak. Saka siya tumakbo palayo sa binatang nangahas angkinin ang kaniyang labi.