Mga Tula
Aking Binibini
Nais kong makita ang 'yong ngiti,
Nais kang bigyan ng rosas na puti,
Bulaklak ay hindi ko pa kaya,
Pasensiya na muna, dahil ako'y estudyante pa.
Hindi ko mapapangako na hindi kita sasaktan,
Ni paiyakin ka ay hindi ko malalaman,
Ngunit tandaan mo na aking sinusubukan,
Na huwag papadala sa emosyon na mahirap pigilan.
Hindi ako perpekto na katulad nila,
Ngunit kaya kitang mahalin sa kong ano ka,
Mahirap man ika nga nila,
Wala kong pakialam, sino ba sila?
Ipinagmamalaki kita aking binibini,
Hindi ko mapigilan ang mapangiti,
Kaya sana'y hindi na magtapos,
Ang sayang ito na saki'y nagpapakapos.
Note: Maaaring may pagkakamali sa mga salita. Pagpasensiyahan niyo na lamang po dahil sinasanay ko pa lang ang aking sarili. Salamat!
Nakatagong Lihim
Nakatingin ako sayo ng matiim,
Sa mga mata mong kong tumingin ay kay lalim,
Hanggang kailan ko maaatim,
Na itago ang aking nakatagong lihim.
Nakikipagtawanan ka sa ating mga kaklase,
Ang ngiti mong kayganda na parang eklipse,
Katabi mo siya, isa siyang lalaki,
Hindi ko maabot, hindi ko mawari.
Nais ko sanang hawakan ka,
Dahil namimiss ko na.
Mga kulitan na binuo nating dalawa,
Gusto kong ngiti mo ay aking makita.
Kong sana ay parehas ko siya,
Kong sana ay pwede tayong dalawa,
Pwede bang subukan mo?
Subukan mo ang isang katulad ko.
Napangiti ako ng mapait,
Napapaiyak na lamang ng impit,
Alam kong mahirap ipilit,
Ang pag-ibig na may nakahihigit.
~❤️
Ngunit Sana Ipaglaban Mo ‘Ko
Masaya ako na ika'y aking nakilala,
Ngunit ako'y nagugulumihanan sa tuwina,
Sa mga oras na ako'y nag- iisa,
Naiisip ko kong sa huli ako pa rin ba.
Nakakalungkot lamang isipin,
Na baka sa huli ang bagsak mo'y sa lalaki pa rin,
Sinasampal ako ng reyalidad,
Na ang hirap magmahal kong hindi sila katulad.
Ngunit sana ipaglaban mo 'ko,
Sa mata ng mga mapagmatang tao,
Pati na sana sa mga magulang mo,
Pakiusap, ipaglaban mo ang isang katulad ko.
Ako'y isang babae lamang,
Isang babae na hindi mo magugustuhan,
Alam ko kong saan ako nagkulang,
Hindi ko na ipagpipilitan.
~❤️