“YOU TAKE care of yourself, okay? Good-bye.” Napahikbi si Neriza nang magsimulang humakbang palayo si Marc. No, hindi niya ito paaalisin nang ganoon na lang. Hindi niya ito paaalisin na hindi malinaw sa kanila ang lahat. “H-hindi mo sinagot ang tanong ko. Saan ka `kako late?” Tumigil ang binata sa paghakbang, saglit na nanahimik. “Huwag mo akong pahirapan, Riza,” mahinang tugon nito, hindi lumilingon. “Huwag mo nang dagdagan pa ang paghihirap ko. Do you even know I’m hurting right now? May ideya ka ba na nagkakapira-piraso ako ngayon?” “Huwag mo rin akong pahirapan, Marc,” umiiyak na balik niya. “Bukod sa pagbabalitang naka-move on ka na kay Therese, ano pa ang gusto mong sabihin?” “Damn it, Neriza, I’ve come to say I love you, okay?!” galit nitong baling sa kanya. Tuluyan na siyang n

