UMUNGOL si Marc bago nakapikit na naghagilap ng unan na mayayakap. Nakakuha siya ng isa at mahigpit iyong niyakap. Subalit natigilan siya. May kakaibang bango siyang nalanghap. Idinilat niya ang mga mata. “Ano’ng—” Kunot-noong napaupo ang binata nang mahuli ng mga mata ang ilang bote ng alak sa sahig. Okay. Nilunod niya ang sarili sa alak kahapon. Hindi siya tumigil hangga’t hindi bumibigay sa kalasingan ang kanyang katawan. Mariin siyang napapikit. No wonder, masakit ang kanyang ulo. Parang binibiyak sa sakit. Nang biglang gumitaw sa isip niya ang ilang maiinit na eksena—him, frantically pounding someone. Lalong lumalim ang pagkakakunot ng kanyang noo. “Panaginip? N-nakipagtalik ako sa panaginip ko? But—” Naihilamos niya ang mga palad sa mukha. Iiling-iling na bumaba si Marc mula sa ka

