“HAYAAN mong tulungan kitang mapadali ang pag-iisip mo.” Tumayo si Marc. Nagwala naman ang dibdib ni Neriza sa anticipation at excitement. Tiyak ang kilos na lumigid sa gawi niya ang binata bago hinawakan ang kanyang braso, pinatatayo siya. Nang makatayo ay naging napakabilis na ng lahat dahil namalayan na lang ni Neriza na inaangkin na nito ang kanyang mga labi. He kissed her full, deep, and with a promise—a promise of heaven. A promise of pleasure she had never known before. He delved into her mouth. Ang dila ay naglalaro, nananaliksik sa loob ng kanyang bibig, tinitikman ang tamis ng bawat sulok. Neriza melted against Marc’s expert lips. She lost herself in the sweet pleasure of his mouth. Tuluyan na siyang tinangay ng pagnanasang matagal na niyang inaalagaan para sa lalaking ito. Hi

