NAGSUSULAT si Neriza. Nasa sala sila ni Marc. Ang binata ay inaabala ang sarili sa paglalaro ng video game sa malaking TV screen. Karera ng motor ang kanyang nakita nang sulyapan ang screen. Nasa magkabilang dulo sila ng mahabang sofa set. At para hindi siya maabala ng tunog ng pinapanood ni Marc ay nagsuot siya ng headset na may inilalabas na musika galing sa kanyang playlist. They were minding their own businesses. Hanggang sa tabihan si Neriza ng lalaki. Kinuha nito ang earpiece sa kanang tainga niya at isinuot iyon. “Marc…” protesta niya. “Huwag mo akong guluhin.” “I’m not,” anito, pero inihilig naman ang ulo sa kanyang balikat. Pinili ni Neriza na huwag itong pansinin. Pero makulit si Marc, nagpapapansin. Pinaraanan nito ng isang daliri ang kanyang braso. Marahang pinaaakyat iyon

