“ANO’NG hawak mo?” tanong ni Neriza patungkol sa mga baraha na hawak ni Marc. Pagkatapos niyang mag-isip-isip ay nagdesisyon siya na isantabi muna ang lungkot. Mayroon na siyang ilang oras kasama ang binata at susulitin niya iyon. This was a once-in-a-lifetime encounter with Marc Hades Marquez and she would make the most of it. Kahit na maiwan siyang luhaan. Kahit maiwan siyang hawak ng binata ang kanyang puso. Bumalik si Neriza sa bahay at ipinakitang masigla na siya habang si Marc ay tila nakikiramdam lang sa kanya. Kumain sila ng agahan. Pagkatapos ay napagkasunduan nila na maglaro ng poker para palipasin ang oras. She suggested that because she was good with cards. Suwerte siya sa mga card games. Kakatwa na tuluyang napalis ang pamimigat ng kanyang dibdib. They had a good laugh. Nae-

