“RUN, RIZA, run!” Mataginting ang mga halakhak at tili na pinapakawalan ni Neriza habang hinahabol siya ni Marc. Hapon at ine-enjoy nila ang dagat. Naka-two-piece swimwear siya habang ang binata ay naka-shorts. Para silang mga bata na panay ang habulan at batuhan ng buhangin. “I got you!” ani Marc bago pumulupot ang mga braso sa kanyang tiyan. Napatili si Neriza, dahil bigay-todo sa pagtakbo ay nawalan siya ng balanse. Susubsob siya sa buhangin. Pero mabilis ang reflex ng binata at bago bumagsak ang kanilang mga katawan sa buhangin ay ito na ang nasa ilalim niya. They both laughed. Laughed their hearts out. Sa isang mabilis na kilos ay ipinailalim siya ni Marc sa katawan nito. “What?” tanong niya nang malagkit na titigan siya ng binata. Umiling si Marc, may ngiti sa mga labi. “Noth

