“HEY, GORGEOUS,” anang malamyos na tinig ni Marc, sabay halik sa pisngi ni Neriza. Iyon ang gumising sa natutulog na diwa ni Neriza. Nagmulat siya ng mga mata. “Buenos dias,” bati ng binata. Ngumiti siya. This was indeed a very good morning. “Good morning,” paos ang boses niyang tugon. Tumaas ang kanyang kamay at kinapa ang gilid ng mga mata para alisin kung may naipon mang muta roon. “Anong oras na?” Sa halip na sumagot ay binuhat siya ni Marc. Tuluyan nang nawala ang kanyang antok dahil doon. “What do you think you’re doing?” Ngumisi lang ang binata. Napakaguwapo nito. Maaliwalas ang mukha, masaya. Mukhang tuluyan nang nawala ang pagkabugnot na sumumpong kahapon. “Naghanda ako ng breakfast sa porch,” nakangiting wika nito habang naglalakad na buhat siya. “You look handsome tod

