Chapter 10

1580 Words

INALOK ko pa rin si Mikael ng upuan kahit nangigigil ako sa galit dahil sa kanya. Nakaramdam din naman ako ng guilt sa pagsampal sa kanya sa harap ng mga bata. Habang nakaupo ay nakatitig lang siya sa mga bata na blangko ang itsura. Hindi ko mawari ang emosyon sa mukha niya. "Athena.. Achilles, siya ang totoong papa niyo." Pagsisimula ko. Pumasok rin muna sa kwarto si Zach para sa privacy namin sa pag-uusap. "Kamukha siya ni Aki." Masayang sabi ni Athena. Salamat sa masayahin kong anak dahil kahit papaano ay nababawasan ang tensyon na namamagitan sa amin. Si Aki naman ay nananatiling tahimik. "Puwede ba kitang tawaging papa?" Nahihiyang turan ni Athena. Pagkabigla ang rumihistro sa mukha ni Mikael sa tanong ni Athena. "Y-yes. I w-would love to." Nakangiti at hindi makapaniwalang sabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD