AURORA BUMALIK kami ni Mikael sa shop ko. Tapos na rin ang lahat ng orders. Kahit mga staffs ko ay nasa state of shock pa rin dahil sa nangyari. "I'll go ahead Aurora. See you tomorrow." Pagpapaalam ni Mikael. "Okay. Ingat ka." Paglabas niya at ng mag hinire niya ay agad naman akong tinapunan ng makahulugang tingin ng mga kasama ko sa shop. "Okay na ba kayo hija?" Tanong ni manong Dante. Hindi naman ako nabigla sa tanong niya dahil nakapag-usap na rin kami tungkol kay Mikael. "Hindi pa po manong." Tipid na sagot ko. Sina Kira at Kim naman ay nakatingin pa rin sa akin na parang may hinihintay. "Kim at Kira. Pwede naman kayong umimik. Baka naman bigla na lang kayong bumagsak diyan sa kakapigil ng hininga niyo." Puna ko sa dalawa na parang nauubusan ng hangin. Sabay pa silang nag-ex

