Chapter 8

2578 Words
AURORA BUMISITA si Zach sa bahay ko at nagdesisyon na manatili muna sa loob ng isang linggo. Gusto raw muna niyang magpahinga sa nakakapagod niyang schedule bilang CEO ng Cuevas Food Corporation na matagal din niyang pinaghirapan para mapaunlad. Na-miss na rin siya ng kambal. Wala namang malisya sa akin kung manatili siya sa bahay ko dahil wala naman akong asawa at kami ay mabuting magkaibigan lamang. Hindi ko bibigyan ng malisya ang mga ganitong bagay lalo na at malaki ang naging ganap niya sa buhay ng mga anak ko. Nangako siya na ipagluluto niya sila, yun ang magiging routine niya habang nandito sa bahay. "Papa..." tawag ni Athena kay Zach. Nakasanayan na kasi nilang papa ang itawag sa kanya dahil siya naman ang walang sawang nagpapaka-ama sa kanila sa loob ng apat na taon. "Ano yo'n baby girl ko?" Malambing na tugon naman ni Zach. "Di ba sabi mo po ipagbi-bake mo kami ng maraming cookies? Ngayon na po ba yo'n?" Bakas sa mga mata ni Athena ang labis na excitement. "Naku baby! Kung puro cookies naman baka masira lahat ang mga ngipin mo. Gusto mo bang mabungi agad?" "Hindi po. Sige wag na lang po." Pag-ayaw agad ni Athena pero may halong pagtatampo matapos marinig ang sabi ni Zach. "Nagtatampo na ba ang baby ko? Igagawa pa rin kita ng cookies pero hindi nga lang madami." Nagliwanag naman bigla ang mukha ni Athena. "Zach, ikaw muna ang bahala sa kambal ha? Pupunta lang ako sa shop at marami-rami rin ang kailangan kong asikasuhin doon." "Sure. No worries, ako na bahala sa kambal.. natin." Malambing na sabi niya pero nakaramdam naman ako ng pagkailang ng sabihin niyang "kambal natin", awkward pa rin sa akin na itinatrato niya akong asawa pero yung itrato ang mga anak ko na parang kanya ay ayos lang naman. "Ah s-sige. Ingat kayo dito." Sabi ko at ngumiti ng tipid. Ayaw ko namang ipamukha lagi kay Zach na wala akong feelings sa kanya, napaka-harsh naman no'n. Nagmadali na akong umalis para makarating ng maaga sa shop. Ako ang nagbubukas ng shop ko. Hindi ko yo'n iniaasa sa mga kasamahan ko. Pagbaba ko pa lang sa sinakyan ko ay may nadatnan akong magarang sasakyan sa harap ng shop. Magara ang sasakyan kaya paniguradong mayaman ang nagmamay-ari nito. Nagpalinga-linga ako para hanapin kung sino ang may-ari, pero wala. Binuksan ko na ang shop para magsimula ng maghanda para sa mga order ng maraming customers. Gumagawa kami ng made-to-order cakes for different ocassions. Since, nagsisimula pa lang ang bakeshop ko hindi pa namin afford na gawin itong cafeteria para tumanggap ng dine-in customers. Niready ko na lahat ng gagamitin sa pag-bake habang wala pa ang mga kasamahan ko. Habang abala ako sa ginagawa ko ay nakita ko sa peripheral vision ko na may pumasok sa bakeshop ko. Awtomatiko akong napatingin kung sino yo'n. Isang bwisita este bisita. Si Mikael. Ngiting-ngiti siya sa akin na animo'y maamong tupa. "Ang aga mo palang pumunta dito sa bakeshop mo?" Pambungad niya sa akin. "Mas maaga ka naman. Ano bang kailangan mo?" Direktang tanong ko sa kanya. "Ang aga-aga naman mainit na ang ulo mo." "Actually hindi naman, pero no'ng makita kita? Nagbago ang mood ko. Just be direct to the point." Iritang sabi ko sa kanya. Paano ako makakapagtrabaho ng maayos kung nandito siya at bubulabugin ang isip ko? "I want to talk to you.. for one hour." Chill na sabi niya sa akin. "Isang oras?! Nagpapatawa ka ba Mikael? Sa isang oras na yan marami na akong magagawa. Maraming orders sa amin ngayon kaya kailangan kong kumilos ng maaga." "So what? I'll pay your time." "Wag mo akong daanin diyan sa dami ng pera mo. Kung kaya mo pala bumayad ng kausap iba na lang bayaran mo." Naha-highblood talaga ako sa kanya. Palibhasa kasi madami siyang pera kaya kung anu-ano na lang naiisip na pagkagastusan. "Don't be so hard on me, Aurora. I badly need to talk to you." "Tungkol saan ba ang pag-uusapan natin?" Bago pa man ako makasagot ay may nagdatingang mga tao na mukhang chef base sa kasuotan nila. Sabay-sabay umayos ng hilera sa harapan namin ni Mikael. Bahagyang napaawang ang bibig ko. "S-sino sila? At ano ang ginagawa nila dito?" "They are professional pastry chefs from different well-known restaurants and cafeterias. Sila muna ang papalit sayo para mag-bake ng orders ng mga customers mo, para hindi ka mawalan ng kita." Lalong napaaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "Aurora.. your mouth. Baka pasukin ng langaw yan." Biglang bumalik ang ulirat ko sa sinabi niya. Nakakahiya, para akong inosenteng bata na napanganga sa mga ginagawa niya. "W-wala akong pambayad sa professional fee nila. Nababaliw ka na." "Did I ask you to pay? And one more thing, I will pay your one hour talk with me including their professional fees. Is that a good deal?" Napailing na lang ako sa trip niya. Sinenyasan niya rin sila at nagsimula ng kumilos. Nakanganga din ang tatlong staff ko. Sinenyasan ko na lang na hayaan na ang mga chef na hinire ni Mikael. Bumaling naman ako kay Mikael at nagwika. "Saan naman tayo mag-uusap?" "So payag ka na? Good! Let's go somewhere else." Masayang sabi niya. "Hindi ba puwedeng dito na lang? Paano itong shop ko?" "Nandito naman ang staffs mo di ba? Don't worry dahil isang oras lang naman tayo mag-uusap makakabalik ka rin naman agad dito sa shop mo. Maliban na lang kung may balak ka pang makasama ako ng matagal." He said while grinning. Ang yabang. Akala mo naman ako ang nagpresinta ng sarili ko sa kanya. "Halika ka na. Ang dami mong alam." Masungit na sabi ko sa kanya. Sumakay kami sa kotse niya at nagtungo sa isang mamahaling restaurant. Sa pinto pa lang ay sinalubong agad kami ng mga staff ng restaurant. "Good morning Ma'am and Sir. Thank you for your reservation." Sabi no'ng lalaking staff. Napatingin ako kay Mikael ngunit sa staff siya nakatingin at ngumiti ng tipid. Dumiretso lang kami at umupo sa mismong center pa ng restaurant. Lumapit sa amin ang isang waiter at inabot sa amin ang menu. Napamulaga ako sa presyo ng pagkain doon. Ang isang order ay umaabot ng 20K. Siya na lang ang pinapili ko. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil siya ang magbabayad. Umalis na din agad ang waiter pagkakuha ng order namin.. ay niya pala. Nagpalinga-linga muna ako para tingnan ang kabuuan ng restaurant. "Do you like here? I'm sorry to make you feel awkward by bringing you here for the very first time." Tama naman siya eh, ito ang unang beses na dinala niya ako sa ganitong klase ng lugar. Madalas kasi kaming kumain sa mga turo-turo dahil doon ako sanay at gusto ko ring ipa-experience sa kanya ang klase ng buhay na meron ako. "Okay lang yo'n. Bakit nga pala tayo lang ang customer dito?" "I rented it. Para may privacy tayo." "Anoooo? Nirentahan mo ang ganito kamamahaling restaurant para lang sa privacy? Sana sa labas na lang tayo kumain o di kaya sa silong ng puno ng talisay. Nakatipid ka pa sana." Pagrereklamo ko sa kanya. Hindi naman sa nag-iinarte ako. Nagiging practikal lang dahil mahirap kitain ang pera. "You haven't changed even years have passed, Aurora. You're still the same woman from before." Natigilan ako sa sinabi niya. Dumagundong din ang puso ko. Sa loob ng ilang taon ngayon pa lang kami nagkaharap ulit ng ganito. "Ano nga pala ang pag-uusapan natin? Masyado sigurong importante yo'n kaya nagawa mo pang magrenta ng lugar para sa usaping yo'n." "Let's eat first." Dumating na pala ang mga order niya. Puno ang lamesa ng iba't-ibang pagkain. "Ang dami naman nito Mikael? Mauubos pa natin to?" "You can take it out para sa mga bata o sa mga staffs mo. I know hindi ka papayag na masayangan ng pagkain." "Salamat." "For what?" "For bringing me here. Hindi naman kasi ako madalas maka-experience ng ganitong karangyaan sa buhay." "Why? Hindi ka ba dinadala sa restaurant ng asawa mo?" "Asawa? Wala naman akong asawa. Saan mo naman napulot yan?" Para akong naistatwa sa kinauupan ko ng marealize ko kung ano ang sinabi ko. "Wala kang asawa?" Nakakunot ang noo niyang tanong sa akin. I guess there's no point in denying. Saan naman pati ako kukuha ng instant asawa? "Oo wala." Wala sa loob na sagot ko. "How about Cuevas? I thought he is your husband?" Bakit parang umaliwalas bigla ang itsura niya? "Si Zach? Jusko magkaibigan lang kami no'n. Bakit mo naman naisip na asawa ko yo'n?" "I thought he is your husband because I saw you with him at the mall together with your twins. Anyway, sino ang tatay ng kambal mo?" Nagsimula na akong pagpawisan sa tanong niya. Alam kong itatanong niya rin ang tungkol sa kambal at sa tingin ko panahon na para aminin sa kanya ang totoo. Malalaki na rin naman ang kambal. May karapatan din naman siyang malaman ang totoo. Natatakot ako na baka pag pinatagal ko pa ito, mas malaking gulo ang pagdaanan ng mga anak ko. "Hindi si Zach ang tatay ng kambal kundi ikaw." Nakatingin lang ng diretso sa akin si Zach. Maya-maya pa ay ngumiti ng napakalapad. "I know Aurora, I had my sources. The purpose of this talk is to ask you about it. Marami man ang ebidensyang hawak ko na nagsasabing anak ko ang kambal gusto ko pa ring manggaling mismo sayo." "A-alam mo na? Kailan pa?" "The day I saw you in the mall. Iba ang pakiramdam ko ng makita ko ang kambal. Yo'n siguro ang tinatawag nilang lukso ng dugo, that's why I made a research about you and the twins." Sabagay kaya niyang gawin yo'n dahil galing siya sa mayamang pamilya. Kahit itago ko pa yo'n ng sobrang tagal, makakagawa pa rin siya ng paraan para malaman ang totoo. "I'm sorry kung nilihim ko sayo ang tungkol sa mga bata." Mahinang sabi ko sa kanya. "That's another thing I want to ask you. Bakit ka biglang lumayo at itinago ang tungkol sa pagbubuntis mo? Lumipas ang apat na taon sa buhay ng mga anak ko ng wala ako and that's because of your selfish decision. I want to claim my rights and I will not accept no for an answer. Oh, let me rephrase that, I will claim my rights as father to my children." Kalmado ngunit may diin niyang sabi. He even clenched his fist na ibig sabihin ay galit siya. Ang tanga ko kasi eh! Kasalanan ko ito. Pero masisisi ba niya ako? Nasaktan niya ako. Di ko na napigilan ang mga luha ko. "W-wait lang naman.. baka kasi mabigla ang mga bata." "Mabigla? So what do you want me to do? Maghintay ulit ng panibagong apat na taon bago mo ako ipakilala bilang ama nila? I will not let that happen this time around, Aurora." Kahit medyo garalgal na ang boses ko ay pinilit ko pa ring magsalita. "Bigyan mo lang ako ng kaunti pang panahon. Hayaan mo muna akong ihanda ang mga bata. Nakikiusap ako sayo, Mikael." "No Aurora! Mahabang panahon na ang apat na taon. Ako naman ang makikiusap sayo ngayon, let me claim my rights or else idadaan ko ito sa legal process. You know what I am capable of. Kaya ko silang kunin sayo at tanggalan ka ng karapatan gaya ng ginawa mo sa akin." "Tumigil ka na Mikael! Oo, alam ko na wala akong laban sayo kapag ginamitan mo ako ng impluwensiya ng pamilya mo. Alam ko rin na mali ang ginawa kong paglilihim sayo.. but please let me talk to my children first. Wala silang alam tungkol sayo." "I can introduce myself. Hindi mo na kailangang gawin pa yo'n para sa akin." "Ang unfair mo! Sa loob ng apat na taon, magmula ng ipagbuntis ko sila, nang maglihi, maglabor at ipinanganak ko sila ako lang ang nagtaguyod sa kanila. Salamat din sa mga kaibigan ko at pamilya na walang sawa na tumutulong sa akin para itaguyod sila tapos eto ka ngayon bigla kang susulpot tapos sa isang iglap kukunin mo ang mga anak ko! Sa loob ng four years ng existence nila.. wala kang ambag Mikael." "Don't blame me for your choices Aurora! You left me without saying a word. Choice mo na lumayo sa akin at hindi ipaalam ang tungkol sa kambal and now? Isusumbat mo sa akin ang mga pagkukulang ko sa mga bagay na hindi ko alam?" "Ikaw ang nagbigay sa akin ng dahilan para lumayo sayo!" Halos nagsisigawan na kami dahil sa tindi ng emosyon na namamagitan sa amin tungkol sa usapin ng mga bata. "What???!!" "Wala ng patutunguhan itong usapan natin. Let's end this." Sabi ko habang pinapahid ang luha sa pisngi ko. "I don't intend to steal your children, I just want to be part of their life. Yun lang naman. Mahirap ba yon Aurora?" Naiintindihan ko ang pinanggagilangan niya pero hindi gano'n kadali yo'n sa sitwasyon namin ngayon. "Oo, mahirap Mikael. Mahirap dahil sa loob ng apat na taon si Zach ang kinilala nilang ama. Si Zach ang pumuno sa lahat ng pagkukulang mo. Hindi gano'n kadali na basta lang siya talikuran ng mga bata dahil lang nandiyan ka na." "Anak ko ang kambal Aurora. Bakit ko kailangang isipin ang feelings ng Zach na yo'n? Kung tutuusin masuwerte na siya dahil nakasama na niya ng apat na taon ang mga anak ko na kung tutuusin ay ako dapat. Dahil ba may relasyon kayo? C'mon Aurora, labas naman siguro ang affair ninyo sa karapatan ko bilang ama sa mga anak ko." "Wala ka bang gratefulness man lang sa katawan? Siya ang tumayong ama sa kambal tapos ganyan ka magsalita?" "Gratefulness? I can be grateful in him and do my part as the father of my children at the same time. Tell me directly, nagdadahilan ka ba dahil ayaw mo mabigla ang mga bata o talagang ayaw mo lang mapalapit ako sa kanila?" "Tumpak Mikael! Akala ko manhid ka na ng tuluyan. Ayaw ko na sanang makita ka pa o maging parte ng buhay ko pero heto ka at nagpipilit ng sarili mo." "Excuse me? Hindi ko isinisiksik ang sarili ko sayo, we are talking about my children. Pasalamat ka nga dahil kinausap pa kita ng maayos para sa karapatan ko. Kung makikipagmatigasan ka rin lang sa akin, mas mabuti pang abogado ko na lang ang kakausap sayo." "Technically, my children also. Anak ko rin sila Mikael. Ako ang kasama nila simula ng ipanganak sila kaya may karapatan din akong magdesisyon para sa kanila." "We can both decide for their welfare. Bakit ba kasi ipinagdadamot mo sila sa akin?" "Ipinagdadamot? Di ba ang sabi ko kakausapin ko muna sila para ihanda sila? May sinabi ba akong wala kang karapatan?" "Eh bakit kasi galit ka agad?" "Ikaw talaga ang unang nagalit. Daig mo pa ang may patagong anak sa akin." "Okay, sorry. I am being carried away of my emotions. So, kailan ko sila pwedeng makausap?" "Excited? Bukas na. Let me talk to them tonight." "Okay. See you tomorrow." "Tomorrow?" "Oo, sabi mo bukas di ba?" "Alam mo ba ang address namin?" "Oo naman. I said earlier, I have my sources. Let's go ihahatid na kita sa shop mo. Thanks for your time. I'll make it up to our twins, I assure you that."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD