MIKAEL "Why do you want to talk to me?" Diretsong tanong ko kay Steven na gusto raw akong kausapin ng sarilinan. "Minsan natanong ako ni Aurora kung naniniwala daw ba ako sa destiny. I said yes without assurance. Hindi kasi ako sigurado kung totoo ba 'yon o dala lang ng maraming expectations ng tao kaya nasasabi nilang may destiny. But when she told me that you are the father of her children and you are also a De Luna, I became so fascinated about destiny. Siguro nga ay may dahilan ang pagpunta niya dito at pagkakakilala namin. She's a tough woman kaya naman na-developed rin ang feelings ko sa kaniya. Kahit sinong lalaki naman siguro ay mahuhulog sa kaniya..." I interrupted what he was about to say. Nagpanting ang tainga ko sa pag-amin niyang na-developed ang feelings niya sa asawa ko.

